Wednesday, August 31, 2016

Babala: Bawal ang Plastik at Mapapel!

Kung akala mo sa love life lang may mga ahas, aba, nagkakamali ka! Dahil hindi lang naman sa Pokémon may Ekans at Arbok, madami ka ding mga ahas na kaibigan. ‘Yung akala mo kaibigan mong tunay ‘yun pala kapag hindi ka na nakatingin kung ano-anong sinasabing masasamang bagay tungkol sa ‘yo. Kapag nakatalikod ka na, tinutuklaw ka na pala. ‘Yung “bes” pa ang tawagan niyo, eh peste naman pala siya! Mga lason ng lipunan!

Minsan nakakatakot na ring magtiwala sa ibang tao, eh. Hindi mo kasi alam kung totoo ba talaga sila sa ‘yo o pinaplastik ka lang nila. Kaya isa lang ang pagkatiwalaan mo—sarili mo. Kasi kung akala mo tuwang-tuwa siya sa mga inspiring messages at posts mo sa Facebook, hindi mo alam annoyed na pala siya sa ‘yo. At magugulat ka na lang unfriended ka na. Ano bang ginawa mong kasalanan? Nag-away ba kayo? Kung nag-away man kayo pero nagkabati naman at asal bitch pa rin siya sa ‘yo, ang ibig sabihin lang niyan, nagtanim siya ng sama ng loob sa ‘yo o sadyang insecure lang siya sa ‘yo. Ganda mo kasi, ‘te! How to be you po? Haha! Pero aminin mo, masakit isipin na wala ka namang ginagawang masama o kasalanan sa isang tao tapos malalaman mo sa ending pinaplastik ka lang pala niya. Itinuring mong kaibigan pero nagtanim pala ng galit sa ‘yo. Eh kung kamote na lang itinanim niya, eh di may pampautot pa sana siya!

Mahirap makipagsabayan sa mga bes o kaibigan nating plastic at mapapel. Kung puwede nga lang i-donate sila sa Juan for All, All for Juan ng Eat Bulaga siguro nakagawa na tayo ng tatlong daang silya para sa mga classrooms sa Pinas. Kung puwede lang sana, para naman maging useful ang pagiging plastik ng mga kaibigan mo. Pero kung hindi mo na talaga sila matiis ay puwede mong gawin ang dalawang bagay. Una, ‘wag mo na lang silang pansinin because they’re not worth your time. Madami pa diyang bagay na dapat mong bigyan ng pansin. Kaysa ubusin mo ang oras mo sa pakikipag-away sa kanila, patawarin mo na lang at ipagpasa-Diyos. Pangalawa, kung gusto mong maalis ang inis mo sa mga taong pinaplastik ka lang at napakamapapel, then, go on, release your emotions. ‘Wag mong ikinukubli ‘yan baka mautot ka pa niyan. Haha! Or use this, copy + paste mo ‘tong open letter na ginawa ko at isampal mo, ehem, not literally, ‘wag marahas sa ahas. Living thing pa rin ‘yan! Haha! I-post mo na lang sa Facebook at i-tag siya para damang-dama niya!

OPEN LETTER PARA SA KAIBIGAN KONG PLASTIK AT MAPAPEL:
Wow! I treated you as a friend, as a sister but then after all this time, pinaplastik mo lang pala ako! Wala naman akong ginagawang masama sa ‘yo. You said that my inspirational annoying words and acts have inspired you to unfriend me on Facebook. And why? Because you were simply annoyed. What a petty alibi! The guts, girl! I don’t need you. Hindi ka kawalan sa 5000 Facebook friends ko! But you know what, this is so much better! Thank you for unfriending me! Thank you for staying out of my life! I don’t need some crappy little shitty bitch wandering inside my inner circle. You’re a waste of my precious time! Go ahead and live alone in your delusional little psychotic world! Don’t get a little too over yourself, missy. You are not the world’s greatest! You are just some megalomaniac prick! Face the truth! At least, alam kong malinis ang kalooban ko at nakakatulog ako nang mahimbing tuwing gabi. Eh, ikaw? Kawawa ka naman. Ipagdadasal na lang kita. Sana bigyan ka ni Lord ng magandang pag-uugali para naman tigilan mo na ang pagiging plastik at mapapel. Life is too short. We only live once, kahit ahas ka pa. Mag-ingat ka baka sa mga pinaggagawa mo, karmahain ka. Remember, karma is a bitch… and so are you! Love you much, bes!

Ang tanong mo ngayon, paano ba pumili ng “perfect friend”? Una sa lahat, alamin mo muna kung sino ba ang mga dapat mong iwasan. Kung meron ka mang kaibigan sa school o work na mapapel, bida-bida at feeling magaling, lumayo ka na! I’m sure, gawa siya sa disposable spoon! 100% plastic! Pagkatapos mong gamitin, itatapon mo na. Useless na, eh. Maghanap ka na lang ng ibang kakaibiganin kasi ang mga ganyang uri ng tao ay ‘yung mga ayaw magpatalo. Laging mapapel, ending, aahasin ka niyan! Sisiraan ka sa mga taong nakakakilala sa ‘yo para mapunta ang simpatiya sa kanya, para siya lang ang sikat! Well, pasikat! Ikaw na, ipasok ‘yan sa PBB House kasama ng isang libong cobra!

Ngayon, paano ka pipili ng “perfect friend”? Well, I don’t believe in the word “perfect”. Walang perpekto sa mundo, maganda meron… ako ‘yun. Haha! Pero perpekto? Wala. Hindi ikaw, hindi ako, Diyos lang ang perpekto. Kaya kung “perfect friend” ang hanap mo, ‘yung kaibigang hinding-hindi ka aahasin, ‘yung kaibigang laging nandiyan sa tabi mo, ‘yung mahihingahan mo ng sama ng loob, ‘yung makakasama mo sa hirap at ligaya, ‘yung gagabayan ka sa tamang landas, aba’y nandiyan lang siya sa tabi mo. Excited na nga siyang i-add ka sa Friend List niya pero hindi sa Facebook kundi sa Book of Life niya. Kaya i-confirm mo siya agad, ha. Ang pangalan niya ay Jesus Christ.^^

Tuesday, August 23, 2016

Nagseselos Ka, Kayo Ba?

‘Yung kaibigan mo niyayakap niya pero ikaw pinagtatabuyan niya kapag niyayakap mo siya. Tapos tatawagin ka pa habang magkayakap sila para pagselosin ka. Mga haliparot! So, sa tingin mo napagselos mo ako sa lagay na ‘yan? Wow, ang pogi mo naman talaga! Hiyang-hiya si James Reid sa ‘yo. Halika nga, pakukot gamit ang nail cutter! Nakakagigil kasi ‘yang kapogian mo! Feelingero much! FYI, wala akong pakialam kahit pa maglaplapan kayo sa kalye! Hindi ako nagseselos, galit ako!

Nagmadali na akong umuwi pagkatapos ng eksenang ‘yun. Sumakay ako agad sa bus at napagdesisyonang dumiretso sa Quiapo para aliwin ang sarili. Naglakad-lakad ako sa Quiapo, dinaanan ko ang hopian, mga tindero ng mga gamit sa bike, mga pagawaan ng mga pekeng IDs at diplomas, at napadaan din ako sa shop ng iba’t ibang DVDs. Pinasok ko ang DVD shop at bumili ng bagong season ng mga American TV Series na pinanonood ko katulad ng Two Broke Girls, Once Upon a Time, at Empire. Idinagdag ko rin ang pagbili ng bagong album ni Britney Spears. Yes, August 23 nang binili ko ang album ni Brit kahit na August 26 pa ang official release nito. Iba talaga sa Quiapo! Nauna pa. Astig, eh! Haha!

Pagkatapos ng aking munting shopping galore sa Quiapo ay kumain ako sa labas ng DVD shop ng paborito kong pares mami at tokneneng. At habang sumusubo ng mainit na sabaw ng mami ay may tumugtog sa katabing bilihan ng CDs: “You’re just too good to be true, can’t take my eyes off you. You’d feel like heaven to touch. I wanna hold you so much...” Badtrip! ‘Yan ‘yung song na kinakanta ko sa kanya! Wala akong paki! Lamon pa rin! Tapos biglang sumunod sa playlist ‘yung, “Why do birds suddenly appear? Everytime you are near. Just like me, they long to be. Close to you…” ‘Nyeta much! ‘Yun ‘yung song na lagi niyang kinakanta! At dahil paulit-ulit kong naririnig na kinakanta niya ang Close To You ng Carpenters ay naka-embed na ‘to sa utak ko. Kaya sa tuwing naririnig ko ang kantang ‘to (pati na ang iba niya pang paboritong kantahin katulad ng Endless Love at When You Say Nothing At All) ay napapangiti na lang ako. And right that moment kahit inis ako, napangiti na lang ako bigla. God, no! Why are these songs hunting me? Jahr, galit ka! Magalit ka! Sumibangot ka. Don’t smile, bitch!

Sabi nila, ang selos daw ay isang emosyong kailanman ay hindi mo mapipigilan. True that! Pero uulitin ko, hindi ako nagseselos, galit ako… siguro? Siguro nga selos ‘to. Kasi napansin din ng iba kong kaibigan ang naging reaksyon ko sa nakita kong eksenang yakapan at nilapitan agad nila ako para i-comfort. Pero ngumiti lang ako para kunwari hindi masakit. Yes, I’m a great pretender! Pero sa lahat ng emosyon na ipinapakita ng tao, selos ang pinakamahirap itago. Kung selos man ‘tong nararamdaman ko katumbas siguro ng salitang selos ang salitang gusto ko, ako lang. Kasi hindi naman ako makararamdam ng ganito kung sana ako ‘yung niyakap. Kung ako na lang sana.

Sige na nga, for the first time, aaminin ko na… hindi ako galit, nagseselos ako! Nagseselos ako kapag kinakausap mo ang tropa ko. Nagseselos ako kapag napapatawa ka nila. Nagseselos ako kapag sila puwede mong yakapin o i-holding hands in public pero ako hindi. Nagseselos ako sa mga taong nagiging malapit sa ‘yo lalo na kapag wala ako. Hindi naman sa selfish ako o possessive. Takot lang akong maging masaya ka sa iba at makalimutan mo kung paano kita napasaya. O ano? Happy ka na?

Baka sabihin niyo naman ang insecure ko, ha. O, ano kapag nagselos, insecure agad? Sige nga, ikaw, kapag may lumandi sa taong mahal mo, matutuwa ka ba? Kaya selos na selos ako… kahit hindi naman kami. Siguro kaya ako nagseselos kasi nga mahal ko siya kahit na alam kong wala akong karapatang magselos kasi nga wala akong karapatan sa kanya. Walang “kayo”, walang “tayo”. Ang saklap lang talaga ng realidad, eh. Minsan selos ka nang selos, kaibigan niya lang pala. Minsan naman selos ka nang selos, kaibigan ka lang pala. Ouch, bes!

Sunday, August 21, 2016

Maginoo Pero Medyo Feelingero

Define “feelingero”. Isang lalaking feeling pogi, feeling crush ng bayan, ‘yung feeling niya he got it all! Hoy, hindi ka SM! SM lang ang may karapatang magsabi ng We’ve Got It All!

Minsan nagiging feelingero at feelingera rin tayo pero ilagay naman sa tamang lugar. Hindi ‘yung kung maka-arte ka akala mo rich kid ka. Social climber lang naman. Tipong bibili ng kape sa Starbucks, ite-takeout pa kunwari para ipagyabang at i-display sa mall habang naglalakad eh nakatsinelas lang naman na Rambo. Tapos pag-uwi walang pambili ng bente-singkong ulam kila Aling Ising. Feelingero kasi!

Minsan naman kung umasta akala mo pag-aari ang Universe. Kung makarampa ng bagong biling damit akala mo nasa isang beauty contest. Tuwang tuwa siya kasi pinagtitinginan siya ng mga tao. Akala niya naman tinitignan siya kasi gandang-ganda sa kanya. Hindi niya alam kaya pala siya pinagtitinginan kasi mukha siyang tanga! Lampas pala kasi ang lipstick niyang MAC daw ang tatak, kahit na catsup lang pala sa McDo. Ayos mukha! Kung kasing ganda at sexy mo si Pia Wurtzbach, go, umasta kang Miss Universe. Mag-feeling ka all you want! Pero kung hindi, shut up ka na lang!

Madami rin sa ‘tin ang nagfi-feeling sa buhay pag-ibig. Kaya marami rin sa ‘tin ang nasasaktan, umaasa, nagpapakatanga, kaya ending, nasasaktan! Pero hindi ako naiinis sa mga taong nagfi-feeling crush ng crush nila kasi nagmamahal lang naman sila, mas inis ako sa mga taong feeling patay na patay ang isang tao sa kanya! Feelingero much! Tandaan, hindi porke’t lagi kang niyayakap ng isang tao, mahal ka na. Hindi porke’t lagi kang hino-holding hands, mahal ka na. Hindi porke’t lagi kang china-chat, mahal ka na. Hindi porke’t lagi kang nililibre ng lunch, mahal ka na. Hindi porke’t sinabi niyang crush ka niya, mahal ka na agad! Ang taas kasi nang tingin mo sa sarili mo kaya akala mo mahal ka niya, ‘yun pala minumura ka na!

Maaaring gawin ng isang tao ang mga nabanggit ko pero hindi ibig sabihin nito na mahal ka na niya. Masyadong malalim ang salitang “mahal” para gamitin mo at mag-feeling na mahal ka talaga nung tao. Maaaring mabait lang siya sa ‘yo, concern lang sa’ yo, o malambing lang talaga. ‘Wag mong bigyan ng kulay, na biglang sasakyan mo na ang biruan niyo. Hanggang papaasahin mo na siya! Magfi-feeling pogi ka na naman kasi may isang tao kang napakilig. Hoy, tandaan mo kahit wala ka kinikilig pa rin siya… kapag umiihi! ‘Wag kang magbunyi dahil may napasaya ka na namang tao dahil ang totoo niyan mukha kang clown! May napasaya ka nga but it was all behind that mask. It was all fake!

Tapos kapag dumating ang araw na fall na fall na siya sa ‘yong hinayupak ka, aasta ka ngayong kunwari naiilang ka, lalayuan mo na siya. Kapag ginawa niya ulit ang mga dating ginagawa niya sa ‘yo katulad ng biglaang pagyakap ay hahatakin mo ang mga kamay niya papalayo sa katawan mo. Tinatanggal mo na ngayon ang kamay niya sa mga kamay mo. Hanggang sa iiwasan mo na siya. Wait a minute, with this being said, baka ikaw naman pala ang may gusto kaya ka naiilang at umiiwas. Pwe! Tigilan mo ‘ko!

Sige, sabihin na nating may itsura ka, may dating, magaling mambola, sweet, maginoo pero hindi ibig sabihin na crush ka na ng lahat! At kung meron mang taong nagkaka-crush sa ‘yo, magpasalamat ka. Buti nga, out of billions of people, may nagka-crush sa ‘yo! Maging masaya ka kasi may naka-appreciate sa ‘yo, i-appreciate mo rin siya. Hindi ‘yung para kang nandidiri kapag lalapit siya sa ‘yo! Hindi siya tae, tao siya kaya wala kang rason para pandirian siya. Pero pakatatandaan na kahit crush ka niya wala kang karapatang paasahin siya sa wala! Tae lang ang pinaglalaruan! Muli, tao siya at may damdaming puwedeng masaktan. Magpakumbaba ka nga! Baba na! Bumaba ka naman, ang taas-taas ng tingin sa sarili, eh. Don’t get a little too over yourself. Nakamamatay ang pagiging feelingero!

Thursday, May 26, 2016

What to Expect at the WNGF Writing Workshop?

Well, don’t expect! Masasaktan ka lang. mahirap mag-expect, mag-assume, magpakatanga! But thank God, this one’s different from that guy na pinapaasa ka lang. Dahil sa Write Near, Go Far (WNGF) Writing Workshop ay hindi ka namin papaasahin, we will give you big expectations without disappointment. What to expect? Here’s the list:

GREAT LECTURES!
Madami kayong matututunan sa workshop na ito from writing, editing and even self-publishing your work. Yes, ‘yung pangarap mo lang dati na maging libro ang mga stories mo, na maging isang published writer ka will now finally come true.

Iba’t iba ang topics na ilalatag namin sa inyo para naman uuwi talaga kayong mas efficient na writer katulad ng theme ng workshop na ito: “The Journey in Becoming an Efficient Writer”. Expect lectures about story plotting, character profiling, proper usage of grammar and punctuations, how to pass a call for submission, how to handle rejections, and the 10 Secrets of Writing to be shared and revealed by Jahric Lago. Plus, experiences and stories of writing journey from great writers!

GREATER GUESTS!
Kung merong magagandang lectures aba meron din dapat magagaling na lecturers. Aside from the founders of this workshop, the editor and writer of PSICOM’s Kilig Republic, Melai Quilla, and the editor, blogger, and author of Anong Klaseng Estudyante Ka?, Jahric Lago, we have others guest-writers katulad ni Ryan Labana na writer ng Precious Heart Romances at contributing writer ng PSICOM’s Heartbreaker series. Makakasama din natin si Karl Marx S.T. na author ng mga librong May Amnesia Si Girl at Miss Tinapay & Mr. Adonis. Makikita niyo rin si Mark Carl Gonzales na Sales & Marketing Manager ng PSICOM Publishing Inc. kung saan siya ay magbabahagi ng realidad sa publishing industry. Then we have Sharron Navera, ang creator at editor ng bestselling series na True Philippine Ghost Stories.  


DREAMLOVERS LAUNCH
Yes, writing workshop ang pupuntahan niyo. But this will be a double event, double celebration! Dahil book launch din ito ng kauna-unahang libro ng Jahric Lago Presents (JLP), a self-funded, self-publishing project that gives an opportunity to writers in getting their works out there, to their readers.

Ang Dreamlovers ay isang libro kung saan nakapaloob ang mga napakagandang kuwento tungkol sa tunay na pag-ibig from young and aspiring writers na nanalo sa writing contest. Magaling ang pagkakasulat, maganda ang mga kuwento, nakakakilig, nakakaasar, nakakainis at talagang makaka-relate ka. Mapa-bata, mapa-matanda, bitter ka man sa love, o hopeless romantic, dahil sa Dreamlovers, may kuwento para sa lahat, may kuwento dito para sa ‘yo.

BOOKS ON SALE!
Yes, on sale! Madami kayong makikitang libro na exclusively on sale lang sa WNGF event. Siyempre una na rito ang Dreamlovers na from Php 199 ay Php 149 na lang on May 31. At madami pang PSICOM books at libro ng mga guest-writers ang mabibili niyo on super low prices. Here’s the list of some of the books on sale:

Jahric Lago Presents: Dreamlovers – from Php 199 to Php 149
Heartbreakers: Special Edition – from Php 100 to Php 70
Anong Klaseng Estudyante Ka? – from Php 150 to Php 100
Dreamland – Php 85 – Php 50
#JahricLagoSays – from Php 85 each to Php 150 for two books

J.CO TREATS!
We clearly state na FREE workshop ang WNGF. But since gaganapin ito sa J.Co Greenhills Promenade and we’re kind of renting the place, everyone will be paying Php 100 at the registration. But that comes with J.Co’s Rise & Shine Breakfast Promo kung saan meron ka ng J.Club Sandwich with choices of Cheezy Rich, Sausage or Salami. Plus, a cup of iced coffee or iced lemon tea. Who doesn’t want a J.Co treat, right? Saka sino bang gustong mag-aral ng gutom? No one. In short and to be brutally honest, ‘yung babayaran niyong Php 100 ay kakainin niyo rin at hindi mapupunta sa kahit sinong bulsa ng organizers. Mind you, self-funded ang WNGF Writing Workshop. Saka si Duterte na ang Presidente ng Pilipinas, bawal ang kurap! Just saying.

SUPER PRIZES!
Alam kung mag-e-enjoy kayo sa WNGF workshop na ‘to kasi marami kayong matututunan pati na rin makikilalang mga bagong kaibigan. Pero maliban rito, mag-e-enjoy rin kayo sa mga hinanda naming iba’t ibang Games & Activities kung saan puwede kayong manalo ng books from international writers at iba pa. Mga simpleng writing exercises at trivias lang naman ang sasagutin niyo para manalo ng house and lot… sa paso! Chos! Haha! Exciting, right? Natuto ka na, nanalo ka pa.


GET KNOWLEDGE AND A CERT!
Everyone who will be joining the WNGF workshop will not just take home new knowledge about writing, editing and self-publishing, great prizes from games, and newfound friendship but also a certification that can attest that you are finally on your journey in becoming an efficient writer. Kaya kita kits tayong lahat sa Write Near, Go Far Writing Workshop on May 31, 2016, 9:00am-3:00pm at J.Co Greenhills Promenade. See you there! Be there and be better!

Thursday, March 3, 2016

G-Spot Burger Bar: Mapapamura Ka Sa Sarap!

Noong makita namin sa Facebook ang isang burger hub na nag-o-offer ng quarter pounder burgers sa murang halaga ay napakanta ako ng “dan-dan-dan, dalandan!” Kasi napatanong ako if it’s real. Is it real? Is it real? Well, my question was answered noong pumunta kami ng J.Co Family ko sa G-Spot Burger Bar. Totoo ngang P50 lang ang burger nila at napalaki ng serving. You may not believe me at first, okay lang ‘yan kasi pati sarili ko hindi ko pinaniwalaan nung una eh but to see is to believe. At talagang mamamangha kayo sa laki, mura at sarap ng burgers nila sa G-Spot Burger Bar.

When we got there, naloka pa ako kasi walking distance lang pala siya sa bahay namin tapos ngayon ko lang nalaman ang burger paradise na ito. Haha! Kung galing ka sa bahay namin mga 100 steps lang siya. Pero kung galing ka sa ibang lugar, mapa-south o north man, the easiest way to get there is to take the LRT 2 train then hop off at Pureza station then sa may gilid ng train station ay walking distance na lang siya, dadaan kayo ng PUP Engineering, hindi pa do’n. Sa left side ng PUP Engineering ay lakad pa kayo tapos unti pang kembot, tatlong tumbling at sampung split pa at makikita niyo ang PUP MassComm sa tapat no’n ay isang bahay-bata este bahay na sandamakmak ang taong nakapila, ‘yun na ‘yun! Pero para mas madali ay from Pureza station ay sakay kayo ng pedicab at sabihin sa driver sa G-Spot kayo, alam na nila ‘yun. O kaya gamit gamit din ng Waze, Google Map, Google Earth, o GPS. C’mon, 21st century na! You know what to do. Haha! They are open daily, 3PM-10PM only.

Choco Lava Burger (Top); Backroom Burger (Bottom)
Just a tip, kung hindi ka patient na tao, kung mabilis mag-init ang ulo mo sa mahabang pila sa MRT, o ayaw mo ng siksikan, eh ‘wag na kayong pumunta sa G-Spot. Hindi puwede mga maarte do’n. Bye, bitch! Haha! Pero kung sanay kang maghintay katulad ng paghihintay mo sa first boyfriend mo na 23 years na single ka pa rin, ay puwede ka dito. Basta naniniwala ka that true love waits, welcome ka sa G-Spot. Haha! Kasi to be honest, sobrang daming tao! As in, super duper mega ever! Tinalo ang pila namin ng customers sa J.Co Donuts & Coffee. Tapos hindi kayo agad makakaupo kasi maliit lang ang dining area nila, ‘yung garahe nila, ‘yun na mismo ‘yung dining area, kitchen, at counter nila kung saan ka mag-o-order. We waited in line for an hour and another hour to get our orders. BUT! It’s worth the wait! Kasi kapag nakain mo na ang burger nila ay talbog ang Crabby Patty ni Spongebob. Haha! Para siyang Zark’s burger sa murang halaga. Kaya nga sana ang tagline nila ay, “G-Spot Burger: Mapapamura Ka Sa Sarap!” Haha! Kasi on a financial view, mura talaga, imagine for P50 meron ka ng quarter pounder na burger. At mapapamura ka rin sa sarap nito. Talo ang langhap-sarap na eksena ng Jollibee. Haha! Totoong 100% pure beef ang burgers ng G-Spot! Hindi rin false advertisement kasi kung ano ang nasa picture ay ‘yun din mismo ang ise-serve sa ‘yo. Promise, no joke!

Nag-try kami ng iba’t ibang burgers na naglalaro sa mga presyong P50, P65 at P75
Johnny Be Good (Top); Carbo Stacker (Bottom)
katulad ng Johnny Be Good na may quarter pounder patty, sausages at special sauce. ‘Yan ang order ko! Ang meaty, ang linamnam, at nakakabusog! Grabe, isang serving lang nabusog na ako. Meron din sa aming nag-order ng Choco Lava Burger, na ang sarap ng combination ng tsokolate sa burger. Mixture of sweet and savory! Yum! At kung mahilig ka naman sa cheese ay order ka ng Backroom Burger na punong puno ng cheese pati mushroom! Ang Carbo Stacker na talaga nga namang STACKER sa taas. May beef patties, hash brown at Clover bits. Sarap!


Napakasaya ng first trip ko sa G-Spot at talagang babalik ako dito, kung puwedeng araw-araw, why not! Buti na lang walking distance lang sa ‘min ‘to. I am Jahric Lago and I recommend this burger hub! G na kayo! Mag-e-enjoy ang buong barkada pati na pamilya niyo sa G-Spot Burger Bar. Three words: mura, malaki, masarap!

Thursday, December 17, 2015

Oh My Gas, Jahric!

“Kung mamamatay ka bukas, bakit hindi pa ngayon?” Ang sarap sabihin ng linyang ‘to sa mga taong nanakit sa ‘tin, pinaglaruan ang feelings natin, pinaasa tayo, pinagmukhang tanga, pinaghintay sa wala, at winasak ang pagka-virgin natin este puso nating tunay na nagmamahal. Haha! Minsan nga biruan pa ang linyang ito eh sa mga kaibigan natin o sa pa-Q&A portion sa mga Miss Gay Batungbakal. Pero once we experience death or a near death phenomenon doon lang natin mare-realize how serious it is.

Death? Madaming natatakot dito pero madami ring ginagawa itong biro. Katulad na lang sa mga comedy movies na kunwari ang patay ay may bulak pa sa ilong tapos biglang gigising at mananakot kahit hindi naman nakakatakot. O kaya naman ‘yung nauso dati na Death Clock sa internet wherein you can check kung kailan ka mamamatay at sa kung paanong paraan. Wow ha ginamit pa ang internet para mag-predict kung kailan ka mate-tegi boom boom. O katulad na lang ng laging sinasabi ng papa ko noon tuwing umiinom siya ng alak, “Kung mamamatay ka, mamamatay ka.” Now, sadly, he’s gone. Naalala ko pa ‘yung mukha ni papa when he was confined in the hospital talagang he was struggling to get his life back. Alam kong ‘yung moment na ‘yun hindi na niya masabi ang favorite line niya, hindi na niya mabiro pa ang tadhana because it was playing its tricks on him na.

Hindi naman importante ang death eh, kundi ang life natin. We will never value our lives or even just be serious about living and taking good care of our body na hiniram lang natin sa Diyos if hindi natin maranasan ang muntikan ng pagkawala nito sa ‘tin. ‘Di ba nga sabi nila sa love daw, you will never know the value of what you have until you lose it, same thing goes with “life”. At noong December 16, 2015 I had a close encounter with death.

It was an ordinary day for me sa work ko sa J.Co Greenhills, gawa ng donuts at tulong na rin sa pag-pack ng donuts para sa mga customers. Until night struck, since I was part of the closing team, we have to clean the store na. Ang lakas kong maka-Snow White na parang naglilinis ng bahay ng seven dwarfs. Hugas dito, hugas doon. Mop pa more. Walis pa more. Nung umpisa pa lang ng aking paglilinis ay nag-a-amoy gaas na sa paligid that even caught the attention of our manager at kaya nagpahanap siya agad ng guards to check up on it. At habang wala pa ang guards, siyempre tuloy pa rin ang paglilinis ko. Binuksan ko na ang ilalim ng sink to clean our grease trap. Nakakasulasok na amoy ang sumalubong sa ‘kin, kadiring amoy ng gaas na pati mga co-workers ko ay amoy na amoy na. Dinoble ko na ang face mask ko para maibsan ang amoy, I cleaned the thing for like 15 minutes and it only took me that short amount of time to have that near encounter with kamatayan. After cleaning, I felt unease. Parang may gumuhit na kung ano sa loob ng tiyan ko. I went to the bar area para maghugas ng kamay and there I suddenly felt shortness of breath. Lumabas na ako ng store para makahinga ng maayos. I unbuttoned my clothes and shred it off of me. Then, I started to get fidgety. My vision kept on getting hazy. Until I got dizzy then wobbly, sobrang blurred na ng paningin ko and I was still gasping for air. Lumabas ‘yung isa kong co-worker to check on me. I asked for a paper bag so I could breathe through it. Hanggang naisip ko na I was hyperventilating. I was breathing through and through that paper bag then I felt that pain in my stomach again. Kaya tumakbo na ako sa second floor namin while I still have energy, I went straight to the restroom and I plunged my face in the toilet bowl and vomited to death. Another co-worker came into rescue, hanggang may dumating na medical assistance na pinatawag ng manager ko. While the first aider was checking on me, I was still catching my breath. Hindi pa rin ako makahinga ng maayos tapos biglang sumakit na naman ang tiyan ko but this time the pain crawled up to my back. Ang sakit! Ang sarap magmura! Tinatanong na niya ako kung gusto ko daw magpapunta ng hospital, I said no. Kasi ayokong maging burden pa sa mga tao sa store namin at ayokong mag-alala ang pamilya ko. Kaya ko ‘to! Kaya he asked me na lang to lie down and to raise my feet above a table. Medyo nag-cease na ‘yung sensation ng sakit ng tiyan ko and my breathing slowed down until I fell into sleep. Sabi ko na sa inyo para akong si Snow White eh, kung siya ay muntikan ng ma-tegi sa poisoned apple, ako naman sa poisonous gas. But sadly, walang Prince Charming na dumating para iligtas ako with a true love’s kiss.


Good news! Nakauwi pa naman ako ng buhay. Thanks be to God! Grabe, ang experience na ‘yun, I wasn’t only gasping for air but for my life. While all that chaos was happening, iniisip ko, “I can’t die now. Madami pa akong hindi nagagawa sa buhay.” Buti na lang talaga hindi pa ako kinuha ni Lord. Kaloka, wala pa nga akong nagiging first boyfriend eh, sayang naman ang sexy body ko kung walang makakatikim sa ‘kin at made-deds na lang agad ako. Haha! Kidding aside, I realized so many things, na pa’no kung tuluyan na pala akong hindi nakahinga at na-suffocate to death ng hindi ko lang man nayakap at nahalikan ang mama ko, o nasabi kung ga’no ko kamahal ang mga kapatid at pamangkin ko, o nakapag-gala for the last time with my dear cousins, nakapag-bonding with my superfriends, at nakapagpasalamat muli sa mga supporters ko na nagbabasa ng mga libro ko. Pa’no na lang nga kung namatay na pala ako bigla? Maaalala ba ako ng mga tao o makakalimutan na lang pagkalipas ng ilang buwan ng aking pagpanaw? But above all, will I enter heaven or hell? Ang daming pumasok sa isip ko sa mga oras na nangyayari ang malla near death experience ko. But something I said to myself, life’s too short kaya I will live my life to the fullest, I will be a good son of God, I will say what is right and do what is right. Kaya, thank God everyday para sa buhay na ipinagkaloob niya sa ‘tin. Praise Him! ^^

Thursday, December 10, 2015

The “Parang Kayo Pero Hindi” Feel

Kilala niyo ba si Chelsea? Siya ‘yung babaeng naging syota ni David sa Pangako Sa ‘Yo. Hindi man main star o iconic ang role ni Chelsea pero tumatak siya sa isip ko. Kahit nakakainis ang karater niya dahil panira siya sa mga eksena nila David at Yna pero kahit pa ay naiintindihan ko siya. Because I was once in her position. At alam kong maraming Chelsea sa mundo katulad ko. ‘Yung taong pati bestfriend ng syota niya pinagseselosan. Kasi ba naman pa’nong hindi ka magseselos kung laging ang bestfriend ng syota mo ang kinakampihan sa halos lahat ng bagay kaysa ikaw. Sino bang hindi magseselos, ‘di ba? Pero buti nga sa kuwento ni Chelsea sa Pangako Sa ‘Yo ay sila na ni David, eh. At least alam niyang sa kanya lang si David, makararamdam siya ng guarantee na mahal siya nito. Eh pa’no naman ‘yung mga nililigawan pa lang o nasa landian stage pa lang pero nagseselos na sa bestfriend ng soon-to-be boyfriend niya. Kasi ba naman kalalaking tao ang bestfriend pa ay babae. Kaya makita lang na mag-post sa Facebook na magkasama sila ay magseselos ka na.

Mahirap malagay sa ganitong sitwasyon ‘yung wala ka pang assurance na ikaw na ang “the one”. ‘Yung feeling mo may karapatan ka na sa kanya pero wala pa. ‘Yung feeling mo kayo na pero hindi. Hindi ka naman nag-i-imagine na crush ka rin ng crush mo. Dahil totoo namang may nanunuyo sa ‘yo pero ang saklap lang dahil ang bilis mong na-fall kaya kahit hindi dapat makaramdam ng mga bagay katulad ng selos, galit o inis hindi mo mapigilan kasi mahal mo na ‘yung tao. Hindi mo malaman why you feel this way. Kasi kahit baligtarin mo man ang mundo, mali ka pa rin dahil hindi mo pa siya pag-aari. Hindi pa kayo.


Nagseselos ka, wala ka namang karapatan. Nasasaktan ka, hindi naman kayo. Tandaan mo, habang hindi kayo, wala kang karapatan. Ginusto mo ‘yang ganyang sitwasyon, ‘di ba? Then play by the rules, habang hindi pa kayo magpigil-pigil ka dahil wala ka pa namang kasiguruhan kung ikaw na talaga. Kahit magsabi man siya ng isang libong “I love you” pero hindi pa kayo, magpigil ka ng landi dahil sa huli ay masasaktan ka lang. Mamaya magulat ka na lang tapos na pala ang laro, game over na. Kung si Chelsea nga eh sila na ni David pero she still felt threatened na iwanan siya ni David for Yna, ikaw pa kaya na nililigawan pa lang? Kaya ‘wag kang kiligin ng todo, magtira ka sa sarili mo at mas mahalin mo ang sarili mo kaysa sa kanya dahil kapag nagdesisyon na siya na itigil ang landian niyo at iiwan ka na niya, malamang wasak ka. 

Thursday, November 5, 2015

Forget Me Not Café

After a humongous lunch or a heavy snack, we all want to have a splash of tea or coffee. At gano’n din kami nila bestie Emil and vff Heidi, though, ako gusto ko cake and fruit shake. So, dumeretso kami sa Forget Me Not Café na nasa tawiran lang ng Barneys Burger kung saan kami nag-dinner. Isang fab café ang Forget Me Not na nasa Lilac, Marikina din at tunay nga namang nakakabighani ang itsura nito sa loob. Madami kang makikitang paintings na nakasabit sa mga pader, pati ang menu books nila nakasabit sa pader creating the words “Forget Me Not”. How creative, ‘di ba? Three years na daw ang café na ito sabi ng isa nilang server na aking nakapanayam. Meron daw silang three floors, the first two floors are for guests at ang third floor naman daw ay ang production area nila kung saan nila ginagawa ang mga napakasarap na cakes nila.

Sa counter naman nila naka-display ang mga cake offerings nila. Grabe, na-miss ko agad ang pagiging pastry cook ko no’ng makita ko ang mga selection nila. Ang bestsellers nila ay ang Mallow, Rainbow at Devil’s Cake. At siyempre iba iba kami ng in-order para matikman namin ang varieties. I ordered Lava cake, si bestie Emil ay Dome, at si vff Heidi naman ay Mallow. At siyempre strawberry milkshake sa ‘kin at steamed milk ang sa kanila for our bevs.

Time to eat! ‘Yung Mallow ay isang moist chocolate cake na may chocolate ganache and small chocolate Kisses sa filling and on top of it ay roasted marshmallows—smores. It was so moist and chewy. And it will compliment kung hot tea ang partner niya. ‘Yung Dome naman ay para ding Mallow ang crust ng cake, moist chocolate cake din, ang difference lang ay meron itong dalawang frostings, white icing sa taas at chocolate icing sa baba. At ‘yung sa ‘kin na Lava cake ay may sorpresang dala. It was wonderful at sight, moist chocolate cake served with vanilla ice cream on top. At kapag sinimulan mo itong kainin, sa gitna ay may oozing chocolate filling, para ngang lava. I love its surprise! Tapos ‘yung strawberry milkshake ko was super creamy yet the presence of the strawberries still lingered. For me, perfect combo ang Lava cake at strawberry milkshake.

Sugar rush! I know, it was all too chocolate-y for the three of us kaya naman ang hyper naming tatlo na kung ano ano na lang ang pinagusapan katulad ng under-the-table, “What’s keeping you?”, at ang mahiwagang fingers. Haha! I don’t want to get into further details basta that night was filled with chocolates, fun stories and laughter. It was a night to remember at Forget Me Not.

Maliban sa masarap na cakes at bevs nila sa Forget Me Not ay meron din silang offerings na tiyak ay aming lalantakan sa muli naming pagbabalik sa café na ito.
















***Check Forget Me Not online, click here.

Tuesday, November 3, 2015

Barneys Burger: "I Love You, You Love Me!"

The moment bestie Emil parked his car and I saw where we would be eating, napakanta agad ako ng “I love you, you love me. We’re a happy family!” Haha! Naalala ko kasi ang isang cute and purple dinosaur dahil sa pangalan ng burger house na kinainan namin—Barneys.

Nasa hilera ng mga restaurants at cafés sa Lilac, Marikina ang Barneys. Isang maliit na burger shack but the taste it offered us, shocked us! Small yet terribly good. Pagkapasok mo pa lang ay mahahalina ka na sa meaty, smoky flavor na maaamoy mo. Sa amoy pa lang mapapa-order ka na. And that’s what we did. Diretso agad kami sa counter and order some grubs. One thing I noticed, burgers lang talaga ang ino-offer ng Barneys. Yes, they have fries, spaghetti, and a burger steak meal. But as what I told bestie Emil and vff Heidi, sana in-expand pa nila ‘yung menu nila para mas madaming mapagpiliin. Kasi hindi naman sila Angel’s Burger na isang burger kiosk/stand, isa silang establishment with chairs and tables na mas puwedeng pakinabangan ng ibang food offerings like other pasta dishes maliban sa spaghetti o maglagay sila ng choices of beverage sa menu nila like milkshakes at fruit juices. I know, medyo pakialamero ako. Haha! But I just want to suggest ideas to Barneys Burger that may help them with customers that has other food finds in their mind para sila na mag-offer kaysa iba pa. Like si bestie Emil mahilig yun mag-coffee after every meal, eh walang coffee o tea ang store nila sa Lilac eh di maghahanap pa kami ng ibang store eh kung puwede naman i-offer rin sana yun ng Barneys. Get what Im saying? So, I‘m not really pakialamero, concern citizen lang. Haha. 

Okay, balik tayo sa orders namin. Iisa lang ang inorder namin, siyempre do’n agad kami sa alam naming pinakamasarap, ang Fullyloaded Supreme. ‘Yun kasi ang may pinakamalaking space ng picture sa menu board nila eh, so, that means it’s the best. (Disclaimer: Medyo may kalandian na po itong susunod na eksena. Haha!) Habang nasa counter ay na pansin ko ‘yung lalaking nagte-take ng orders namin. Kinilig ako. Haha! Kasi siya ‘yung guy na super duper crush ko nung college at may isa akong palatandaan sa kanya: barcode tattoo on his neck. He looked a little different in a good way but I still got the same love for him. Haha! Kaya nag-usisa pa ako to confirm kung siya nga talaga ‘yun. Then, paglingon niya. Boom, I saw his barcode tattoo on his neck. Nawala na tuloy ang focus ko sa gutom kong tiyan na punta na sa kalandian. Haha! Tipong kahit nakaupo na kami ay siya lang ‘yung tinititigan ko. Aww, namiss ko siya. Charot! Landi much. Haha!

Enough with my side story of kalandian, let’s go back to Barneys burgers. Nung naka-serve na ang burgers sa lamesa, I was like, ano ‘to normal looking burgers na nabibili mo sa kanto. Maybe because of its buns na kamukha nung mga burgers sa kanto. But wait, the moment I sank my teeth in it, I was sent to paradise! Grabe, sobrang sobrang sarap! Ang meaty ng lasa niya, na ka-level ang Champ ng Jollibee, well, much better pa nga. Ang laki ng patty na mabubusog ka talaga sa isang kainan lang. The ingredients on their Fullyloaded Supreme—the bacon, cheese, and patty—harmonized each other into a symphony of great taste. We enjoyed it, ANG SARAP! Truly, you never judge a book by its cover.

I recommend this burger house to anyone who would like to taste one of the best burger experiences you could ever have! And I promise to go back to this place, dahil tunay ngang napa-“I love you, you love me” ako ng Barneys hindi lang dahil nando’n ang love of my like kong si Mr. Barcode but definitely because of their amazing burgers. ^^

***Check Barneys Burger online, click here

Saturday, October 31, 2015

The LRT Single Journey

Nasa LRT Recto ako para sumakay ng train papunta sa Cubao para sa meeting ko with my co-ambassadors sa Pinoy Lambs (ang fans club ni Mariah Carey dito sa Pilipinas). Eh dahil may bago silang ticketing system cheness, ‘yung Beep, aka tap-and-go, aka one-card-all-trains, aka dagdag gastos na kinuha sa tax nating mga Filipino pero ang lecheng escalator sa Recto station ni hindi mabuksan kahit isa. Nasaan ang hustisiya? Bagong ticketing system pero ang escalator hindi mabuksan. Pati ang restroom sa Katipunan station mas marumi pa sa mga restroom sa mga abandonadong building. Panghe! Tapos kapag rush hour sobrang dami ng tao sa MRT at LRT1 eh imbis na binili ng bagong train. Kaloka talaga! Welga na ito! Haha! Anyway, back to my story, ‘yun na nga need ko bumili ng ticket sa bagong ticketing system nila, sabay sabi sa ‘kin nung lalaking nag-a-assist, “Stored po ba o single?” Napatingin ako sa kanya. Punyeta ka kuya, maka-single ka! Ang sakit ha! Ang sarap sigawan sa mukha ni kuya na alla Jennylyn Mercado, “Oo na, ako na, ako na’ng nagiisa!”

Kapag single ka, ang daming lugar na magpapaalala sa ‘yo na nagiisa ka. Isa na nga ‘yang LRT na ‘yan. Tapos nandiyan din ang Luneta. Tapos idagdag mo pa ang pizza houses. Nung isang araw kasing bumili ako ng pizza sa kiosk sa mall, sabi sa ‘kin nung tindera, “Single slice po ba?”. Ang bilis ng sagot ko eh with conviction, “DOUBLE!” Alam na ngang single tayo, tapos ipapaalala pa sa ‘ting nag-iisa tayo, na single tayo forever, na walang nagmamahal sa ‘tin. Saklap ng buhay.

Single Journey lang ang binili kong ticket at sa inis ko kay kuya padabog akong lumayas sa harap niya at dumeretso sa pasukan. Akala ko tapos na ang delubyo ko, but wait there’s more. Nung nasa entrance na ako, may babae na namang sumigaw ng, “’Yung mga stored po sa left tapos ‘yung mga single po dito sa side na ‘to.” Nagpintig na naman ang tenga ko sa narinig ko kaya pagka-tap ko ng ticket ko, sinabihan ko si ate, “Saan ba nakakabili ng dyowa? Nakakasawa maging single, eh.” Napangiti lang si ate sa ‘kin. Badtrip siya!

Hindi ko naman maiiwasang hindi sumakay sa LRT eh, pero maiiwasan ko ang sabihan akong “single” sa LRT. Anong ginawa ko? Simple lang, nung next trip ko sa LRT, bumili ulit ako ng bagong ticket, at nung nasa entrance na ako, sumigaw ako, “Stored na ako, hindi na ako single!” ^^

Sunday, October 25, 2015

Kalandian Sa Simbahan, Amen!

Lahat naman tayo nagsisimba para pasalamatan si Papa Jesus sa mga blessings na binibigay sa ‘tin pero mayroon ‘ding nagsisimba lang para maglandi, katulad ko minsan, minsan lang naman not every simba. Haha! Pero FYI ha hindi ako ang president ng Simbang Landi tuwing Simbang Gabi ha, member lang ako. Chos! Naaalala ko tuwing magsisimbang gabi kami dati ng pinsan kong si Kristhel, ang una naming titignan ay kung saan may pogi, at kung saan nga meron, do’n kami uupo sa tabi o sa malapit kung saan namin puwedeng masulyapan si kuyang pogi. Pero ewan ko hanggang tingin lang naman talaga kaming magpinsan eh, hindi kami marunong lumandi, kami kasi ang unang nilalapitan at nilalandi. Wow ha, gandang lahi namin, eh. Charot!

Ang pinaka favorite ko sa misa ay ang Ama Namin at Peace Be With You. Dati nung High School pa ako, every Friday may pa-misa sa quadrangle ng school namin at lahat ay nakapila per seksyon. Dapat sa pila katabi ko lagi ‘yung friend slash super crush kong si Rayh. Waaaah! Kinikilig ako, it’s all coming back to me now. Aww, memories! Anyway, kapag nag-start na ang Ama Namin, time ko ng humarot, siyempre kapag Ama Namin, alam mo na, hawak kamay! Waah, grabe, while we sing Ama Namin, feel na feel ko ‘yung softness ng kamay niya. Deep within, kinikilig ako to the highest level! Ayoko nang matapos pa ang kantang Ama Namin, gusto kong biglang sumigaw si Father ng, “one more time, let’s sing Ama Namin!”. Pero okay lang kasi pagtapos naman ng Ama Namin susunod na ang second favorite kong Peace Be With You. Ako, with my girl friends ay nagbebeso kapag Peace Be With You, pero siyempre ‘yung mga lalaki, peace sign lang. But even though, since katabi ko naman si Rayh, kaya nung nag-peace sign siya sa ‘kin, biglang tumigil ang oras, and I can see him slowly showing me a peace sign with his hand and smiling. Laglag panty ko, ‘day! O sino bang hindi favorite ang Ama Namin at Peace Be With You, mapa-lalaki o babae, bet ‘to, right? Aminin!

I would never forget my memories of kalandian sa simbahan lalo na ‘tong ikukuwento kong huli. ‘Yung friend ko kasing si Jher invited me to a mass sa church na malapit sa house nila. Eh di gora naman ako! Nung nasa church na kami may na-sight akong lalaking pogi, maputi, at ang ganda ng katawan. Eh kilala pala ‘yun ni Jher, kasi naging ka-member nila sa choir dati. Kaya do’n kami umupo sa tabi niya. Last mass na eh, 9pm na no’n kaya unti na lang kami. Grabe, dahil katabi ko si kuyang macho hindi ko maiwasang amuyin siya, ang bango! Nung nag-start na ang Ama Namin, eh di nag-holding hands na kami, este hawak kamay lang pala. Tapos kinilig talaga ako sa cute dimples ni kuya. Tapos while the mass went on, mega pakilala ako kay kuya. Hindi na ako masyado nahiya kasi malandi naman ako este kakilala naman ni Jher si kuyang macho, eh. Then, may hampasan na kami, kuwentuhan, at tawanan. Galawang higad talaga to the max!

Next day, hindi ko pa rin makalimutan ang kalandian ko sa simabahan kagabi, ang pogi at macho kasi talaga ni kuya. Habang nakadungaw ako sa terrace namin para tignan si amang araw, I saw this guy na may ka-holding hands na babae (na hindi naman kagandahan, mas maganda pa si Pokwang) dumaan sa tapat ng terrace namin. Tapos, biglang kumaway sa ‘kin, nung tinignan kong mabuti si kuyang macho pala ‘yun, tinatawag ako. Nahiya agad ako at nagtago. Napaisip, kaloka, of all people, bakit ‘yung chaka pa naming kapitbahay ‘yung girlfriend niya? Eww, puwede naman ako!

SBD Challenge Day #2: Better Than Yesterday

Your first day on South Beach Diet is the hardest! Pero after 2-3 days you’ll feel better with the program. Like today, I feel better. Hind...