Sunday, August 21, 2016

Maginoo Pero Medyo Feelingero

Define “feelingero”. Isang lalaking feeling pogi, feeling crush ng bayan, ‘yung feeling niya he got it all! Hoy, hindi ka SM! SM lang ang may karapatang magsabi ng We’ve Got It All!

Minsan nagiging feelingero at feelingera rin tayo pero ilagay naman sa tamang lugar. Hindi ‘yung kung maka-arte ka akala mo rich kid ka. Social climber lang naman. Tipong bibili ng kape sa Starbucks, ite-takeout pa kunwari para ipagyabang at i-display sa mall habang naglalakad eh nakatsinelas lang naman na Rambo. Tapos pag-uwi walang pambili ng bente-singkong ulam kila Aling Ising. Feelingero kasi!

Minsan naman kung umasta akala mo pag-aari ang Universe. Kung makarampa ng bagong biling damit akala mo nasa isang beauty contest. Tuwang tuwa siya kasi pinagtitinginan siya ng mga tao. Akala niya naman tinitignan siya kasi gandang-ganda sa kanya. Hindi niya alam kaya pala siya pinagtitinginan kasi mukha siyang tanga! Lampas pala kasi ang lipstick niyang MAC daw ang tatak, kahit na catsup lang pala sa McDo. Ayos mukha! Kung kasing ganda at sexy mo si Pia Wurtzbach, go, umasta kang Miss Universe. Mag-feeling ka all you want! Pero kung hindi, shut up ka na lang!

Madami rin sa ‘tin ang nagfi-feeling sa buhay pag-ibig. Kaya marami rin sa ‘tin ang nasasaktan, umaasa, nagpapakatanga, kaya ending, nasasaktan! Pero hindi ako naiinis sa mga taong nagfi-feeling crush ng crush nila kasi nagmamahal lang naman sila, mas inis ako sa mga taong feeling patay na patay ang isang tao sa kanya! Feelingero much! Tandaan, hindi porke’t lagi kang niyayakap ng isang tao, mahal ka na. Hindi porke’t lagi kang hino-holding hands, mahal ka na. Hindi porke’t lagi kang china-chat, mahal ka na. Hindi porke’t lagi kang nililibre ng lunch, mahal ka na. Hindi porke’t sinabi niyang crush ka niya, mahal ka na agad! Ang taas kasi nang tingin mo sa sarili mo kaya akala mo mahal ka niya, ‘yun pala minumura ka na!

Maaaring gawin ng isang tao ang mga nabanggit ko pero hindi ibig sabihin nito na mahal ka na niya. Masyadong malalim ang salitang “mahal” para gamitin mo at mag-feeling na mahal ka talaga nung tao. Maaaring mabait lang siya sa ‘yo, concern lang sa’ yo, o malambing lang talaga. ‘Wag mong bigyan ng kulay, na biglang sasakyan mo na ang biruan niyo. Hanggang papaasahin mo na siya! Magfi-feeling pogi ka na naman kasi may isang tao kang napakilig. Hoy, tandaan mo kahit wala ka kinikilig pa rin siya… kapag umiihi! ‘Wag kang magbunyi dahil may napasaya ka na namang tao dahil ang totoo niyan mukha kang clown! May napasaya ka nga but it was all behind that mask. It was all fake!

Tapos kapag dumating ang araw na fall na fall na siya sa ‘yong hinayupak ka, aasta ka ngayong kunwari naiilang ka, lalayuan mo na siya. Kapag ginawa niya ulit ang mga dating ginagawa niya sa ‘yo katulad ng biglaang pagyakap ay hahatakin mo ang mga kamay niya papalayo sa katawan mo. Tinatanggal mo na ngayon ang kamay niya sa mga kamay mo. Hanggang sa iiwasan mo na siya. Wait a minute, with this being said, baka ikaw naman pala ang may gusto kaya ka naiilang at umiiwas. Pwe! Tigilan mo ‘ko!

Sige, sabihin na nating may itsura ka, may dating, magaling mambola, sweet, maginoo pero hindi ibig sabihin na crush ka na ng lahat! At kung meron mang taong nagkaka-crush sa ‘yo, magpasalamat ka. Buti nga, out of billions of people, may nagka-crush sa ‘yo! Maging masaya ka kasi may naka-appreciate sa ‘yo, i-appreciate mo rin siya. Hindi ‘yung para kang nandidiri kapag lalapit siya sa ‘yo! Hindi siya tae, tao siya kaya wala kang rason para pandirian siya. Pero pakatatandaan na kahit crush ka niya wala kang karapatang paasahin siya sa wala! Tae lang ang pinaglalaruan! Muli, tao siya at may damdaming puwedeng masaktan. Magpakumbaba ka nga! Baba na! Bumaba ka naman, ang taas-taas ng tingin sa sarili, eh. Don’t get a little too over yourself. Nakamamatay ang pagiging feelingero!

No comments:

Post a Comment

SBD Challenge Day #2: Better Than Yesterday

Your first day on South Beach Diet is the hardest! Pero after 2-3 days you’ll feel better with the program. Like today, I feel better. Hind...