Well, don’t expect! Masasaktan ka lang. mahirap
mag-expect, mag-assume, magpakatanga! But thank God, this one’s different from
that guy na pinapaasa ka lang. Dahil sa Write Near, Go Far (WNGF) Writing
Workshop ay hindi ka namin papaasahin, we will give you big expectations
without disappointment. What to expect? Here’s the list:
GREAT
LECTURES!
Madami kayong matututunan sa workshop na ito from
writing, editing and even self-publishing your work. Yes, ‘yung pangarap mo
lang dati na maging libro ang mga stories mo, na maging isang published writer
ka will now finally come true.
Iba’t iba ang topics na ilalatag namin sa inyo para
naman uuwi talaga kayong mas efficient na writer katulad ng theme ng workshop
na ito: “The Journey in Becoming an Efficient Writer”. Expect lectures about
story plotting, character profiling, proper usage of grammar and punctuations, how
to pass a call for submission, how to handle rejections, and the 10 Secrets of
Writing to be shared and revealed by Jahric Lago. Plus, experiences and stories
of writing journey from great writers!
GREATER
GUESTS!
Kung merong magagandang lectures aba meron din
dapat magagaling na lecturers. Aside from the founders of this workshop, the
editor and writer of PSICOM’s Kilig Republic, Melai Quilla, and the editor,
blogger, and author of Anong Klaseng
Estudyante Ka?, Jahric Lago, we have others guest-writers katulad ni Ryan
Labana na writer ng Precious Heart Romances at contributing writer ng PSICOM’s
Heartbreaker series. Makakasama din natin si Karl Marx S.T. na author ng mga
librong May Amnesia Si Girl at Miss Tinapay & Mr. Adonis. Makikita
niyo rin si Mark Carl Gonzales na Sales & Marketing Manager ng PSICOM
Publishing Inc. kung saan siya ay magbabahagi ng realidad sa publishing
industry. Then we have Sharron Navera, ang creator at editor ng bestselling
series na True Philippine Ghost Stories.
DREAMLOVERS
LAUNCH
Yes, writing workshop ang pupuntahan niyo. But
this will be a double event, double celebration! Dahil book launch din ito ng kauna-unahang
libro ng Jahric Lago Presents (JLP), a self-funded, self-publishing project
that gives an opportunity to writers in getting their works out there, to their
readers.
Ang Dreamlovers
ay isang libro kung saan nakapaloob ang mga napakagandang kuwento tungkol
sa tunay na pag-ibig from young and aspiring writers na nanalo sa writing
contest. Magaling ang pagkakasulat, maganda ang mga kuwento, nakakakilig,
nakakaasar, nakakainis at talagang makaka-relate ka. Mapa-bata, mapa-matanda,
bitter ka man sa love, o hopeless romantic, dahil sa Dreamlovers, may kuwento para sa lahat, may kuwento dito para sa
‘yo.
BOOKS ON
SALE!
Yes, on sale! Madami kayong makikitang libro na
exclusively on sale lang sa WNGF event. Siyempre una na rito ang Dreamlovers na from Php 199 ay Php 149
na lang on May 31. At madami pang PSICOM books at libro ng mga guest-writers
ang mabibili niyo on super low prices. Here’s the list of some of the books on
sale:
Jahric Lago Presents: Dreamlovers – from Php 199
to Php 149
Heartbreakers: Special Edition – from Php 100 to
Php 70
Anong Klaseng Estudyante Ka? – from Php 150 to
Php 100
Dreamland – Php 85 – Php 50
#JahricLagoSays – from Php 85 each to Php 150 for
two books
J.CO
TREATS!
We clearly state na FREE workshop ang WNGF. But
since gaganapin ito sa J.Co Greenhills Promenade and we’re kind of renting the
place, everyone will be paying Php 100 at the registration. But that comes with
J.Co’s Rise & Shine Breakfast Promo kung saan meron ka ng J.Club Sandwich
with choices of Cheezy Rich, Sausage or Salami. Plus, a cup of iced coffee or
iced lemon tea. Who doesn’t want a J.Co treat, right? Saka sino bang gustong
mag-aral ng gutom? No one. In short and to be brutally honest, ‘yung babayaran
niyong Php 100 ay kakainin niyo rin at hindi mapupunta sa kahit sinong bulsa ng
organizers. Mind you, self-funded ang WNGF Writing Workshop. Saka si Duterte na
ang Presidente ng Pilipinas, bawal ang kurap! Just saying.
SUPER
PRIZES!
Alam kung mag-e-enjoy kayo sa WNGF workshop na
‘to kasi marami kayong matututunan pati na rin makikilalang mga bagong
kaibigan. Pero maliban rito, mag-e-enjoy rin kayo sa mga hinanda naming iba’t
ibang Games & Activities kung saan puwede kayong manalo ng books from
international writers at iba pa. Mga simpleng writing exercises at trivias lang
naman ang sasagutin niyo para manalo ng house and lot… sa paso! Chos! Haha!
Exciting, right? Natuto ka na, nanalo ka pa.
GET
KNOWLEDGE AND A CERT!
Everyone who will be
joining the WNGF workshop will not just take home new knowledge about writing,
editing and self-publishing, great prizes from games, and newfound friendship
but also a certification that can attest that you are finally on your journey in
becoming an efficient writer. Kaya kita kits tayong lahat sa Write Near, Go Far
Writing Workshop on May 31, 2016, 9:00am-3:00pm at J.Co Greenhills Promenade.
See you there! Be there and be better!
No comments:
Post a Comment