Monday, October 19, 2015

Palengke XP: Bangar, La Union

Something I learned from being a traveler is that for you to know a place, you have to walk around the city and visit their market. At 'yun ang ginawa namin. Kaya natikman ko tuloy ang kay sarap na local delicacies nila dito sa Bangar, La Union. The moment I set foot at Bangar Public Market na-feel ko na agad na nasa isa akong authentic na provincial market. Iba ang wika ng mga tindera, walang bubungan, at sa kahit saang sahig lang nakasalampak ang mga nagbebenta. At ang dami ng varieties na mapamimilian mo mula sa isda, karne at gulay. First time ko lang ngang maka-meet and greet ang ibang gulay na binebenta nila eh. Haha! Katulad ng kakalunay na tumutubo daw sa maisan na parang talbos ng kamote at katuray.

Haluhalo with Dippig
Pagkatapos mamalengke ay nagumpisa na nga kaming mag-foodtrip. Una kong tinikman ay ang haluhalo nila na katulad rin sa Maynila halos ang sahog. The only difference is the buko meat they add to it and the kind of banana they put in. Sabi nung Ale ay 'dippig' daw ang saging na 'yun. Isa siyang itim at mapayat na saging na sa unang tingin ay parang bulok na bunga. Tapos hindi katulad ng saba sa Maynila na iniluluto pa sa asukal bago gawing sahog sa haluhalo, dito ay wala ng luto luto at deretso na itong hihiwain pagkapitas sa isang bangkas ng saging at ihahalo sa iba pang sangkap.

While I enjoy my haluhalo, may nakita ako sa likod na nagbebenta ng kung anong prinitong matamis na bagay. Kaya nag-decide kaming i-try ang tinitinda ni Lola. Natikmam ko ang maruja version nila dito sa Bangar na isang bola ng harina na ipinirito sa asukal at sa loob ay may lamang saging. Kay Lola ko rin natikman 'yung lumpiang gulay nila na imbis na toge ang laman katulad nga sa Maynila ay puno ng Baguio beans at carrots. Masarap siya kapag isinawsaw sa sukang may sili. At huling natikman namin kay Lola ay 'yung tinatawag niyang "malagkit", and from its name, gawa talaga siya sa malagkit na kanin. Haha! Para siyang carioca na binalot sa lumpia wrapper at ipinirito sa asukal. Ang sarap niya in fairness ha at na-enjoy ko 'yung mga tinda ni Lola lalo na't P2.00 each lang. Mura na, yummy pa!

Bibingka
Iniruban
Ang sumunod naman naming nilantakan ay ang tinda ni Kuya na mga kakanin. Meron siyang iba't ibang kakanin katulad ng cassava cake at ube. But what caught my eyes were the bibingka and iniruban. 'Yung bibingka nila ay hindi 'yung tipikal na bibingka na ibinebenta sa gilid ng simbahan kapag may simbang gabi kasi hindi siya gawa sa harina kundi sa giniling na bigas. Ang milky ng lasa niya at cheesy tapos chewy at masarap nguyain, 'di katulad ng bibingka sa Maynila na parang tinapay. Madami siyang cheese sa ibabaw at sabi ng kaibigan kong taga-La Union kaya daw milky ang lasa dahil binusog sa gatas ang recipe ng bibingka nila dito sa Bangar. Ang iniruban naman ay simpleng putahe ng biko pero gawa ito sa itim na klase ng bigas. Biro ko nga ay pagkain 'to ng engkatado. Haha! Masarap ang lasa niya at hindi masyado katamisan kaya nagustuhan ko siya.


Alam kong madami pang itinatagong masasarap na sikreto ang Bangar, La Union at sa mga natikman ko so far, mukhang mapapabalik ako sa lugar na 'to muli para mapalamon ng marami. Lamon pa more!

Napakasaya ng trip namin sa La Union. Nakakain ako ng madaming ginataang palaka, iba’t ibang delicacies ng La Union at ang super sarap na beef mami nila doon. Tapos nakabisita pa sa sikat na Bahay Na Bato at nag-enjoy makipaglaro sa alon ng Rimos Beach. Napakababait pa ng buong pamilya ni Ryan at talagang hindi kami pinabayaan ng pinsan kong si Charie. Salamat sa buong angkan ng Ngalatan for making us feel so at home. I truly had so much fun! My trip to La Union was a total XP—experience!

No comments:

Post a Comment

SBD Challenge Day #2: Better Than Yesterday

Your first day on South Beach Diet is the hardest! Pero after 2-3 days you’ll feel better with the program. Like today, I feel better. Hind...