Tuesday, August 23, 2016

Nagseselos Ka, Kayo Ba?

‘Yung kaibigan mo niyayakap niya pero ikaw pinagtatabuyan niya kapag niyayakap mo siya. Tapos tatawagin ka pa habang magkayakap sila para pagselosin ka. Mga haliparot! So, sa tingin mo napagselos mo ako sa lagay na ‘yan? Wow, ang pogi mo naman talaga! Hiyang-hiya si James Reid sa ‘yo. Halika nga, pakukot gamit ang nail cutter! Nakakagigil kasi ‘yang kapogian mo! Feelingero much! FYI, wala akong pakialam kahit pa maglaplapan kayo sa kalye! Hindi ako nagseselos, galit ako!

Nagmadali na akong umuwi pagkatapos ng eksenang ‘yun. Sumakay ako agad sa bus at napagdesisyonang dumiretso sa Quiapo para aliwin ang sarili. Naglakad-lakad ako sa Quiapo, dinaanan ko ang hopian, mga tindero ng mga gamit sa bike, mga pagawaan ng mga pekeng IDs at diplomas, at napadaan din ako sa shop ng iba’t ibang DVDs. Pinasok ko ang DVD shop at bumili ng bagong season ng mga American TV Series na pinanonood ko katulad ng Two Broke Girls, Once Upon a Time, at Empire. Idinagdag ko rin ang pagbili ng bagong album ni Britney Spears. Yes, August 23 nang binili ko ang album ni Brit kahit na August 26 pa ang official release nito. Iba talaga sa Quiapo! Nauna pa. Astig, eh! Haha!

Pagkatapos ng aking munting shopping galore sa Quiapo ay kumain ako sa labas ng DVD shop ng paborito kong pares mami at tokneneng. At habang sumusubo ng mainit na sabaw ng mami ay may tumugtog sa katabing bilihan ng CDs: “You’re just too good to be true, can’t take my eyes off you. You’d feel like heaven to touch. I wanna hold you so much...” Badtrip! ‘Yan ‘yung song na kinakanta ko sa kanya! Wala akong paki! Lamon pa rin! Tapos biglang sumunod sa playlist ‘yung, “Why do birds suddenly appear? Everytime you are near. Just like me, they long to be. Close to you…” ‘Nyeta much! ‘Yun ‘yung song na lagi niyang kinakanta! At dahil paulit-ulit kong naririnig na kinakanta niya ang Close To You ng Carpenters ay naka-embed na ‘to sa utak ko. Kaya sa tuwing naririnig ko ang kantang ‘to (pati na ang iba niya pang paboritong kantahin katulad ng Endless Love at When You Say Nothing At All) ay napapangiti na lang ako. And right that moment kahit inis ako, napangiti na lang ako bigla. God, no! Why are these songs hunting me? Jahr, galit ka! Magalit ka! Sumibangot ka. Don’t smile, bitch!

Sabi nila, ang selos daw ay isang emosyong kailanman ay hindi mo mapipigilan. True that! Pero uulitin ko, hindi ako nagseselos, galit ako… siguro? Siguro nga selos ‘to. Kasi napansin din ng iba kong kaibigan ang naging reaksyon ko sa nakita kong eksenang yakapan at nilapitan agad nila ako para i-comfort. Pero ngumiti lang ako para kunwari hindi masakit. Yes, I’m a great pretender! Pero sa lahat ng emosyon na ipinapakita ng tao, selos ang pinakamahirap itago. Kung selos man ‘tong nararamdaman ko katumbas siguro ng salitang selos ang salitang gusto ko, ako lang. Kasi hindi naman ako makararamdam ng ganito kung sana ako ‘yung niyakap. Kung ako na lang sana.

Sige na nga, for the first time, aaminin ko na… hindi ako galit, nagseselos ako! Nagseselos ako kapag kinakausap mo ang tropa ko. Nagseselos ako kapag napapatawa ka nila. Nagseselos ako kapag sila puwede mong yakapin o i-holding hands in public pero ako hindi. Nagseselos ako sa mga taong nagiging malapit sa ‘yo lalo na kapag wala ako. Hindi naman sa selfish ako o possessive. Takot lang akong maging masaya ka sa iba at makalimutan mo kung paano kita napasaya. O ano? Happy ka na?

Baka sabihin niyo naman ang insecure ko, ha. O, ano kapag nagselos, insecure agad? Sige nga, ikaw, kapag may lumandi sa taong mahal mo, matutuwa ka ba? Kaya selos na selos ako… kahit hindi naman kami. Siguro kaya ako nagseselos kasi nga mahal ko siya kahit na alam kong wala akong karapatang magselos kasi nga wala akong karapatan sa kanya. Walang “kayo”, walang “tayo”. Ang saklap lang talaga ng realidad, eh. Minsan selos ka nang selos, kaibigan niya lang pala. Minsan naman selos ka nang selos, kaibigan ka lang pala. Ouch, bes!

3 comments:

SBD Challenge Day #2: Better Than Yesterday

Your first day on South Beach Diet is the hardest! Pero after 2-3 days you’ll feel better with the program. Like today, I feel better. Hind...