Kilala niyo ba si Chelsea? Siya ‘yung
babaeng naging syota ni David sa Pangako Sa ‘Yo. Hindi man main star o iconic
ang role ni Chelsea pero tumatak siya sa isip ko. Kahit nakakainis ang karater
niya dahil panira siya sa mga eksena nila David at Yna pero kahit pa ay
naiintindihan ko siya. Because I was once in her position. At alam kong
maraming Chelsea sa mundo katulad ko. ‘Yung taong pati bestfriend ng syota niya
pinagseselosan. Kasi ba naman pa’nong hindi ka magseselos kung laging ang
bestfriend ng syota mo ang kinakampihan sa halos lahat ng bagay kaysa ikaw.
Sino bang hindi magseselos, ‘di ba? Pero buti nga sa kuwento ni Chelsea sa
Pangako Sa ‘Yo ay sila na ni David, eh. At least alam niyang sa kanya lang si
David, makararamdam siya ng guarantee na mahal siya nito. Eh pa’no naman ‘yung
mga nililigawan pa lang o nasa landian stage pa lang pero nagseselos na sa
bestfriend ng soon-to-be boyfriend niya. Kasi ba naman kalalaking tao ang
bestfriend pa ay babae. Kaya makita lang na mag-post sa Facebook na magkasama
sila ay magseselos ka na.
Mahirap malagay sa ganitong sitwasyon ‘yung
wala ka pang assurance na ikaw na ang “the one”. ‘Yung feeling mo may karapatan
ka na sa kanya pero wala pa. ‘Yung feeling mo kayo na pero hindi. Hindi ka
naman nag-i-imagine na crush ka rin ng crush mo. Dahil totoo namang may
nanunuyo sa ‘yo pero ang saklap lang dahil ang bilis mong na-fall kaya kahit
hindi dapat makaramdam ng mga bagay katulad ng selos, galit o inis hindi mo
mapigilan kasi mahal mo na ‘yung tao. Hindi mo malaman why you feel this way.
Kasi kahit baligtarin mo man ang mundo, mali ka pa rin dahil hindi mo pa siya
pag-aari. Hindi pa kayo.

No comments:
Post a Comment