Saturday, October 31, 2015

The LRT Single Journey

Nasa LRT Recto ako para sumakay ng train papunta sa Cubao para sa meeting ko with my co-ambassadors sa Pinoy Lambs (ang fans club ni Mariah Carey dito sa Pilipinas). Eh dahil may bago silang ticketing system cheness, ‘yung Beep, aka tap-and-go, aka one-card-all-trains, aka dagdag gastos na kinuha sa tax nating mga Filipino pero ang lecheng escalator sa Recto station ni hindi mabuksan kahit isa. Nasaan ang hustisiya? Bagong ticketing system pero ang escalator hindi mabuksan. Pati ang restroom sa Katipunan station mas marumi pa sa mga restroom sa mga abandonadong building. Panghe! Tapos kapag rush hour sobrang dami ng tao sa MRT at LRT1 eh imbis na binili ng bagong train. Kaloka talaga! Welga na ito! Haha! Anyway, back to my story, ‘yun na nga need ko bumili ng ticket sa bagong ticketing system nila, sabay sabi sa ‘kin nung lalaking nag-a-assist, “Stored po ba o single?” Napatingin ako sa kanya. Punyeta ka kuya, maka-single ka! Ang sakit ha! Ang sarap sigawan sa mukha ni kuya na alla Jennylyn Mercado, “Oo na, ako na, ako na’ng nagiisa!”

Kapag single ka, ang daming lugar na magpapaalala sa ‘yo na nagiisa ka. Isa na nga ‘yang LRT na ‘yan. Tapos nandiyan din ang Luneta. Tapos idagdag mo pa ang pizza houses. Nung isang araw kasing bumili ako ng pizza sa kiosk sa mall, sabi sa ‘kin nung tindera, “Single slice po ba?”. Ang bilis ng sagot ko eh with conviction, “DOUBLE!” Alam na ngang single tayo, tapos ipapaalala pa sa ‘ting nag-iisa tayo, na single tayo forever, na walang nagmamahal sa ‘tin. Saklap ng buhay.

Single Journey lang ang binili kong ticket at sa inis ko kay kuya padabog akong lumayas sa harap niya at dumeretso sa pasukan. Akala ko tapos na ang delubyo ko, but wait there’s more. Nung nasa entrance na ako, may babae na namang sumigaw ng, “’Yung mga stored po sa left tapos ‘yung mga single po dito sa side na ‘to.” Nagpintig na naman ang tenga ko sa narinig ko kaya pagka-tap ko ng ticket ko, sinabihan ko si ate, “Saan ba nakakabili ng dyowa? Nakakasawa maging single, eh.” Napangiti lang si ate sa ‘kin. Badtrip siya!

Hindi ko naman maiiwasang hindi sumakay sa LRT eh, pero maiiwasan ko ang sabihan akong “single” sa LRT. Anong ginawa ko? Simple lang, nung next trip ko sa LRT, bumili ulit ako ng bagong ticket, at nung nasa entrance na ako, sumigaw ako, “Stored na ako, hindi na ako single!” ^^

No comments:

Post a Comment

SBD Challenge Day #2: Better Than Yesterday

Your first day on South Beach Diet is the hardest! Pero after 2-3 days you’ll feel better with the program. Like today, I feel better. Hind...