Lahat naman tayo nagsisimba para pasalamatan si Papa Jesus
sa mga blessings na binibigay sa ‘tin pero mayroon ‘ding nagsisimba lang para
maglandi, katulad ko minsan, minsan lang naman not every simba. Haha! Pero FYI
ha hindi ako ang president ng Simbang Landi tuwing Simbang Gabi ha, member lang
ako. Chos! Naaalala ko tuwing magsisimbang gabi kami dati ng pinsan kong si
Kristhel, ang una naming titignan ay kung saan may pogi, at kung saan nga
meron, do’n kami uupo sa tabi o sa malapit kung saan namin puwedeng masulyapan
si kuyang pogi. Pero ewan ko hanggang tingin lang naman talaga kaming magpinsan
eh, hindi kami marunong lumandi, kami kasi ang unang nilalapitan at nilalandi.
Wow ha, gandang lahi namin, eh. Charot!
Ang pinaka favorite ko sa misa ay ang Ama Namin at Peace Be
With You. Dati nung High School pa ako, every Friday may pa-misa sa quadrangle
ng school namin at lahat ay nakapila per seksyon. Dapat sa pila katabi ko lagi
‘yung friend slash super crush kong si Rayh. Waaaah! Kinikilig ako, it’s all coming
back to me now. Aww, memories! Anyway, kapag nag-start na ang Ama Namin, time
ko ng humarot, siyempre kapag Ama Namin, alam mo na, hawak kamay! Waah, grabe,
while we sing Ama Namin, feel na feel ko ‘yung softness ng kamay niya. Deep
within, kinikilig ako to the highest level! Ayoko nang matapos pa ang kantang
Ama Namin, gusto kong biglang sumigaw si Father ng, “one more time, let’s sing
Ama Namin!”. Pero okay lang kasi pagtapos naman ng Ama Namin susunod na ang
second favorite kong Peace Be With You. Ako, with my girl friends ay nagbebeso
kapag Peace Be With You, pero siyempre ‘yung mga lalaki, peace sign lang. But
even though, since katabi ko naman si Rayh, kaya nung nag-peace sign siya sa
‘kin, biglang tumigil ang oras, and I can see him slowly showing me a peace
sign with his hand and smiling. Laglag panty ko, ‘day! O sino bang hindi
favorite ang Ama Namin at Peace Be With You, mapa-lalaki o babae, bet ‘to,
right? Aminin!
I would never forget my memories of kalandian sa simbahan
lalo na ‘tong ikukuwento kong huli. ‘Yung friend ko kasing si Jher invited me
to a mass sa church na malapit sa house nila. Eh di gora naman ako! Nung nasa
church na kami may na-sight akong lalaking pogi, maputi, at ang ganda ng
katawan. Eh kilala pala ‘yun ni Jher, kasi naging ka-member nila sa choir dati.
Kaya do’n kami umupo sa tabi niya. Last mass na eh, 9pm na no’n kaya unti na
lang kami. Grabe, dahil katabi ko si kuyang macho hindi ko maiwasang amuyin
siya, ang bango! Nung nag-start na ang Ama Namin, eh di nag-holding hands na
kami, este hawak kamay lang pala. Tapos kinilig talaga ako sa cute dimples ni
kuya. Tapos while the mass went on, mega pakilala ako kay kuya. Hindi na ako
masyado nahiya kasi malandi naman ako este kakilala naman ni Jher si kuyang
macho, eh. Then, may hampasan na kami, kuwentuhan, at tawanan. Galawang higad
talaga to the max!
Next day, hindi ko pa rin makalimutan ang kalandian ko sa
simabahan kagabi, ang pogi at macho kasi talaga ni kuya. Habang nakadungaw ako
sa terrace namin para tignan si amang araw, I saw this guy na may ka-holding
hands na babae (na hindi naman kagandahan, mas maganda pa si Pokwang) dumaan sa
tapat ng terrace namin. Tapos, biglang kumaway sa ‘kin, nung tinignan kong
mabuti si kuyang macho pala ‘yun, tinatawag ako. Nahiya agad ako at nagtago.
Napaisip, kaloka, of all people, bakit ‘yung chaka pa naming kapitbahay ‘yung
girlfriend niya? Eww, puwede naman ako!
Hahahaha ππ Yung Chaka pa naming kapitbahay ung Nagdala ππππ❤
ReplyDelete