Sumagi na ba
sa isip mo na agawin ang syota ng bestfriend mo? I know, it may sound cruel.
Pero dahil minsan sa pagiging desperada mo na makahanap ng taong iibig sa ‘yo,
pati ang nanahimik na boyfriend ng bestfriend mo maiisip mong agawin...
unintentionally.
Hindi naman
talaga evil stepsister ang papel mo sa malla-Cinderellang relasyon ng
bestfriend mo. Hindi ka homewrecker. Again, imagination lang naman eh na sana
ikaw na lang. Siyempre may karapatan ka rin namang sumaya, ‘di ba?
Nangyari na
sa ‘kin ito, ang mag-imagine na sana akin na lang siya. Nakakapagod na kasing
maghanap o maghintay pa ng iba, eh. Eh di doon na ‘ko sa madali kong makukuha.
But then again, hindi ako tigang na desperada para gawin ‘yun. Imagination
lang. Clear? Hindi ko naman talaga ipu-push na agawin ang boyfriend ng
bestfriend ko. ‘Wag mo kong husgahan. Belat!
Sobrang
close ko sa bestfriend ko at pati na rin sa boyfriend niya. Kaya tuwing may
problema sila sa ‘kin lagi lumalapit si My Bestfriend’s Lover at dahil do’n,
dahil lagi ko silang natutulungang magkaayos naging close talaga kami ni guy.
Alam mo ‘yung may mga eksenang binibigyan ko na ng meaning pati mga maliliit na
bagay na ginagawa niya sa ‘kin katulad ng paghablot sa kamay ko para tumakbo
dahil late na kami para sa klase. O pag-akbay niya sa ‘kin kapag magkakasama
ang barkada. Alam ko namang walang meaning ‘yun sa kanya pero sa akin meron.
Alam kong mali, alam kong bawal. Pero kahit na ako lang ang nag-iisip na merong
kulay ang bawat kilos na pinapakita niya sa ‘kin ang sarap pa rin pala sa
feeling na may nagmamahal sa ‘yo. Talagang masarap nga ang bawal.
My turning
point? Isang gabi nag-overnight kami sa bahay ng bestfriend ko para gumawa ng
project. Nagkatulugan na pagpatak ng alas tres ng madaling araw. Magkakatabi
kami sa kuwarto: ako, My Bestfriend’s Lover, at ang bestfriend ko.
Pinapagitnaan namin siya. Ang lakas nga maka-No Other Woman, eh. ‘Yung movie
poster nila na pinagigitnaan nila Anne Curtis at Cristine Reyes si Derek
Ramsey. Alam kong mahimbing na ang tulog ng iba pero ako nakapikit nga pero
gising na gising ang diwa. Iniisip ang katarantaduhang imaginations ko.
Maya-maya naramdaman kong napayakap siya sa ‘kin, he cuddled me closer and I
could feel he was breathing through my neck. Bumilis ang tibok ng puso ko.
Hindi ko alam kung dahil sa kinikilig ako o kinakabahan na baka magising ang
bestfriend ko at makita ang aming eksena. Pagkalipas ng ilang minuto ng
pagyakap sa ‘kin ni My Bestfriend’s Lover narinig ko siyang nag-i-sleeptalking.
At alam mo kung anong sinasabi niya? Binabanggit niya lang naman ang pangalan
ng bestfriend ko ng paulit-ulit. Ouch. Tumayo ako sa pagkakahiga at lumabas ng
bahay. Alam kong malamig ang simoy ng hangin pero hindi ko ito nararamdaman
sapagkat ang tanging nararamdaman ko ay ang bilis ng tibok ng puso ko at ang
marahan kong paglalakad. Nag-flashback lahat ng eksena ko with My Bestfriend’s
Lover. Habang palayo na ako ng palayo sa bahay ng bestfriend ko, napahinto ako
and I told myself, “Tama na! Ayoko na!” I realized, oo, sa umpisa masarap ang
bawal pero at the end of the day, ako pa rin ang talo kaya itinigil ko na ang
kahibangan ko. Ayoko ng umabot na maging masama na ang idudulot ng bawal na
pagibig na ‘to kasi katulad ng mga bawal na pagkain, sisingilin nito ang
katawan mo at magdudulot ng sakit sa puso. Heartache.
No comments:
Post a Comment