Sunday, October 25, 2015

Berdeng Panyo

Sure akong napanood niyo na sa mga teleserye o movies ng eksenang kapag nalaglagan ng panyo si girl, dadamputin ito ng mga maginoong lalaki at magkakatinginan sila, and little did they know, sila na. Ang bilis ‘no? Galawang higad talaga! Kaya nung isang araw na sumakay ako sa LRT ginawa ko ang breezy move na ‘to. Pagpasok ko sa tren, mahilig muna akong mag-observe. Titignan ang mga taong nakasakay, magbi-birdwatching. At kapag may poging nakita, ipagsisiksikan ko ang sarili ko mamasdan at mapadikit lang ako sa kanya. Ehem. Paalala lang ha, conservative talaga ako, strict ang parents ko. Chos! Hindi talaga ako malandi minsan, kundi malandi ako parati. Haha!

So, eto na nga, may nakita akong pogi sa loob ng tren kaya pagpasok ko sa tabi niya agad ako umupo. Pa-sweet sweetan kunwari at pasulyap-sulyap. Ang pogi at puti ni kuya, inisip ko agad baka Atenista siya. Gano’n kasi ang kutis ng mga nasa top schools like Ateneo and La Salle. Kahit ‘di talaga ako mahilig sa mapuputi, iba ang karisma ni kuya kaya ‘yun pinagsiksikan ko ang sarili ko sa upuan. Ang swerte ko nga kasi simula V. Mapa station at sa huling bababaan naming station ay kasama ko siya. Nung malapit na kami sa Santolan station ay inilagay ko ang aking berdeng panyo sa aking hita para kapag tumayo ako ay malalaglag ito sa sahig at dadamputin niya para sa ‘kin alla Maria Clara ang pinepeg ko katulad nung mga teleserye at movies na napanood ko. Dalagang Pilipina. Nung nasa Santolan na kami ginawa ko na ang plano, pagtayo ko nag-landing nga ang aking berdeng panyo sa sahig ng tren, pero imbis na damputin niya ito tinawag niya ako, tinuro ang panyo ko sa sahig sabay sabi niya, “Pare, panyo mo!” ‘Yun lang, saklap. ‘Kala ko si kuya na ang magiging first boyfriend ko. Hopia much? Hay, epic fail pala! ^^

No comments:

Post a Comment

SBD Challenge Day #2: Better Than Yesterday

Your first day on South Beach Diet is the hardest! Pero after 2-3 days you’ll feel better with the program. Like today, I feel better. Hind...