Thursday, March 3, 2016

G-Spot Burger Bar: Mapapamura Ka Sa Sarap!

Noong makita namin sa Facebook ang isang burger hub na nag-o-offer ng quarter pounder burgers sa murang halaga ay napakanta ako ng “dan-dan-dan, dalandan!” Kasi napatanong ako if it’s real. Is it real? Is it real? Well, my question was answered noong pumunta kami ng J.Co Family ko sa G-Spot Burger Bar. Totoo ngang P50 lang ang burger nila at napalaki ng serving. You may not believe me at first, okay lang ‘yan kasi pati sarili ko hindi ko pinaniwalaan nung una eh but to see is to believe. At talagang mamamangha kayo sa laki, mura at sarap ng burgers nila sa G-Spot Burger Bar.

When we got there, naloka pa ako kasi walking distance lang pala siya sa bahay namin tapos ngayon ko lang nalaman ang burger paradise na ito. Haha! Kung galing ka sa bahay namin mga 100 steps lang siya. Pero kung galing ka sa ibang lugar, mapa-south o north man, the easiest way to get there is to take the LRT 2 train then hop off at Pureza station then sa may gilid ng train station ay walking distance na lang siya, dadaan kayo ng PUP Engineering, hindi pa do’n. Sa left side ng PUP Engineering ay lakad pa kayo tapos unti pang kembot, tatlong tumbling at sampung split pa at makikita niyo ang PUP MassComm sa tapat no’n ay isang bahay-bata este bahay na sandamakmak ang taong nakapila, ‘yun na ‘yun! Pero para mas madali ay from Pureza station ay sakay kayo ng pedicab at sabihin sa driver sa G-Spot kayo, alam na nila ‘yun. O kaya gamit gamit din ng Waze, Google Map, Google Earth, o GPS. C’mon, 21st century na! You know what to do. Haha! They are open daily, 3PM-10PM only.

Choco Lava Burger (Top); Backroom Burger (Bottom)
Just a tip, kung hindi ka patient na tao, kung mabilis mag-init ang ulo mo sa mahabang pila sa MRT, o ayaw mo ng siksikan, eh ‘wag na kayong pumunta sa G-Spot. Hindi puwede mga maarte do’n. Bye, bitch! Haha! Pero kung sanay kang maghintay katulad ng paghihintay mo sa first boyfriend mo na 23 years na single ka pa rin, ay puwede ka dito. Basta naniniwala ka that true love waits, welcome ka sa G-Spot. Haha! Kasi to be honest, sobrang daming tao! As in, super duper mega ever! Tinalo ang pila namin ng customers sa J.Co Donuts & Coffee. Tapos hindi kayo agad makakaupo kasi maliit lang ang dining area nila, ‘yung garahe nila, ‘yun na mismo ‘yung dining area, kitchen, at counter nila kung saan ka mag-o-order. We waited in line for an hour and another hour to get our orders. BUT! It’s worth the wait! Kasi kapag nakain mo na ang burger nila ay talbog ang Crabby Patty ni Spongebob. Haha! Para siyang Zark’s burger sa murang halaga. Kaya nga sana ang tagline nila ay, “G-Spot Burger: Mapapamura Ka Sa Sarap!” Haha! Kasi on a financial view, mura talaga, imagine for P50 meron ka ng quarter pounder na burger. At mapapamura ka rin sa sarap nito. Talo ang langhap-sarap na eksena ng Jollibee. Haha! Totoong 100% pure beef ang burgers ng G-Spot! Hindi rin false advertisement kasi kung ano ang nasa picture ay ‘yun din mismo ang ise-serve sa ‘yo. Promise, no joke!

Nag-try kami ng iba’t ibang burgers na naglalaro sa mga presyong P50, P65 at P75
Johnny Be Good (Top); Carbo Stacker (Bottom)
katulad ng Johnny Be Good na may quarter pounder patty, sausages at special sauce. ‘Yan ang order ko! Ang meaty, ang linamnam, at nakakabusog! Grabe, isang serving lang nabusog na ako. Meron din sa aming nag-order ng Choco Lava Burger, na ang sarap ng combination ng tsokolate sa burger. Mixture of sweet and savory! Yum! At kung mahilig ka naman sa cheese ay order ka ng Backroom Burger na punong puno ng cheese pati mushroom! Ang Carbo Stacker na talaga nga namang STACKER sa taas. May beef patties, hash brown at Clover bits. Sarap!


Napakasaya ng first trip ko sa G-Spot at talagang babalik ako dito, kung puwedeng araw-araw, why not! Buti na lang walking distance lang sa ‘min ‘to. I am Jahric Lago and I recommend this burger hub! G na kayo! Mag-e-enjoy ang buong barkada pati na pamilya niyo sa G-Spot Burger Bar. Three words: mura, malaki, masarap!

Thursday, December 17, 2015

Oh My Gas, Jahric!

“Kung mamamatay ka bukas, bakit hindi pa ngayon?” Ang sarap sabihin ng linyang ‘to sa mga taong nanakit sa ‘tin, pinaglaruan ang feelings natin, pinaasa tayo, pinagmukhang tanga, pinaghintay sa wala, at winasak ang pagka-virgin natin este puso nating tunay na nagmamahal. Haha! Minsan nga biruan pa ang linyang ito eh sa mga kaibigan natin o sa pa-Q&A portion sa mga Miss Gay Batungbakal. Pero once we experience death or a near death phenomenon doon lang natin mare-realize how serious it is.

Death? Madaming natatakot dito pero madami ring ginagawa itong biro. Katulad na lang sa mga comedy movies na kunwari ang patay ay may bulak pa sa ilong tapos biglang gigising at mananakot kahit hindi naman nakakatakot. O kaya naman ‘yung nauso dati na Death Clock sa internet wherein you can check kung kailan ka mamamatay at sa kung paanong paraan. Wow ha ginamit pa ang internet para mag-predict kung kailan ka mate-tegi boom boom. O katulad na lang ng laging sinasabi ng papa ko noon tuwing umiinom siya ng alak, “Kung mamamatay ka, mamamatay ka.” Now, sadly, he’s gone. Naalala ko pa ‘yung mukha ni papa when he was confined in the hospital talagang he was struggling to get his life back. Alam kong ‘yung moment na ‘yun hindi na niya masabi ang favorite line niya, hindi na niya mabiro pa ang tadhana because it was playing its tricks on him na.

Hindi naman importante ang death eh, kundi ang life natin. We will never value our lives or even just be serious about living and taking good care of our body na hiniram lang natin sa Diyos if hindi natin maranasan ang muntikan ng pagkawala nito sa ‘tin. ‘Di ba nga sabi nila sa love daw, you will never know the value of what you have until you lose it, same thing goes with “life”. At noong December 16, 2015 I had a close encounter with death.

It was an ordinary day for me sa work ko sa J.Co Greenhills, gawa ng donuts at tulong na rin sa pag-pack ng donuts para sa mga customers. Until night struck, since I was part of the closing team, we have to clean the store na. Ang lakas kong maka-Snow White na parang naglilinis ng bahay ng seven dwarfs. Hugas dito, hugas doon. Mop pa more. Walis pa more. Nung umpisa pa lang ng aking paglilinis ay nag-a-amoy gaas na sa paligid that even caught the attention of our manager at kaya nagpahanap siya agad ng guards to check up on it. At habang wala pa ang guards, siyempre tuloy pa rin ang paglilinis ko. Binuksan ko na ang ilalim ng sink to clean our grease trap. Nakakasulasok na amoy ang sumalubong sa ‘kin, kadiring amoy ng gaas na pati mga co-workers ko ay amoy na amoy na. Dinoble ko na ang face mask ko para maibsan ang amoy, I cleaned the thing for like 15 minutes and it only took me that short amount of time to have that near encounter with kamatayan. After cleaning, I felt unease. Parang may gumuhit na kung ano sa loob ng tiyan ko. I went to the bar area para maghugas ng kamay and there I suddenly felt shortness of breath. Lumabas na ako ng store para makahinga ng maayos. I unbuttoned my clothes and shred it off of me. Then, I started to get fidgety. My vision kept on getting hazy. Until I got dizzy then wobbly, sobrang blurred na ng paningin ko and I was still gasping for air. Lumabas ‘yung isa kong co-worker to check on me. I asked for a paper bag so I could breathe through it. Hanggang naisip ko na I was hyperventilating. I was breathing through and through that paper bag then I felt that pain in my stomach again. Kaya tumakbo na ako sa second floor namin while I still have energy, I went straight to the restroom and I plunged my face in the toilet bowl and vomited to death. Another co-worker came into rescue, hanggang may dumating na medical assistance na pinatawag ng manager ko. While the first aider was checking on me, I was still catching my breath. Hindi pa rin ako makahinga ng maayos tapos biglang sumakit na naman ang tiyan ko but this time the pain crawled up to my back. Ang sakit! Ang sarap magmura! Tinatanong na niya ako kung gusto ko daw magpapunta ng hospital, I said no. Kasi ayokong maging burden pa sa mga tao sa store namin at ayokong mag-alala ang pamilya ko. Kaya ko ‘to! Kaya he asked me na lang to lie down and to raise my feet above a table. Medyo nag-cease na ‘yung sensation ng sakit ng tiyan ko and my breathing slowed down until I fell into sleep. Sabi ko na sa inyo para akong si Snow White eh, kung siya ay muntikan ng ma-tegi sa poisoned apple, ako naman sa poisonous gas. But sadly, walang Prince Charming na dumating para iligtas ako with a true love’s kiss.


Good news! Nakauwi pa naman ako ng buhay. Thanks be to God! Grabe, ang experience na ‘yun, I wasn’t only gasping for air but for my life. While all that chaos was happening, iniisip ko, “I can’t die now. Madami pa akong hindi nagagawa sa buhay.” Buti na lang talaga hindi pa ako kinuha ni Lord. Kaloka, wala pa nga akong nagiging first boyfriend eh, sayang naman ang sexy body ko kung walang makakatikim sa ‘kin at made-deds na lang agad ako. Haha! Kidding aside, I realized so many things, na pa’no kung tuluyan na pala akong hindi nakahinga at na-suffocate to death ng hindi ko lang man nayakap at nahalikan ang mama ko, o nasabi kung ga’no ko kamahal ang mga kapatid at pamangkin ko, o nakapag-gala for the last time with my dear cousins, nakapag-bonding with my superfriends, at nakapagpasalamat muli sa mga supporters ko na nagbabasa ng mga libro ko. Pa’no na lang nga kung namatay na pala ako bigla? Maaalala ba ako ng mga tao o makakalimutan na lang pagkalipas ng ilang buwan ng aking pagpanaw? But above all, will I enter heaven or hell? Ang daming pumasok sa isip ko sa mga oras na nangyayari ang malla near death experience ko. But something I said to myself, life’s too short kaya I will live my life to the fullest, I will be a good son of God, I will say what is right and do what is right. Kaya, thank God everyday para sa buhay na ipinagkaloob niya sa ‘tin. Praise Him! ^^

Thursday, December 10, 2015

The “Parang Kayo Pero Hindi” Feel

Kilala niyo ba si Chelsea? Siya ‘yung babaeng naging syota ni David sa Pangako Sa ‘Yo. Hindi man main star o iconic ang role ni Chelsea pero tumatak siya sa isip ko. Kahit nakakainis ang karater niya dahil panira siya sa mga eksena nila David at Yna pero kahit pa ay naiintindihan ko siya. Because I was once in her position. At alam kong maraming Chelsea sa mundo katulad ko. ‘Yung taong pati bestfriend ng syota niya pinagseselosan. Kasi ba naman pa’nong hindi ka magseselos kung laging ang bestfriend ng syota mo ang kinakampihan sa halos lahat ng bagay kaysa ikaw. Sino bang hindi magseselos, ‘di ba? Pero buti nga sa kuwento ni Chelsea sa Pangako Sa ‘Yo ay sila na ni David, eh. At least alam niyang sa kanya lang si David, makararamdam siya ng guarantee na mahal siya nito. Eh pa’no naman ‘yung mga nililigawan pa lang o nasa landian stage pa lang pero nagseselos na sa bestfriend ng soon-to-be boyfriend niya. Kasi ba naman kalalaking tao ang bestfriend pa ay babae. Kaya makita lang na mag-post sa Facebook na magkasama sila ay magseselos ka na.

Mahirap malagay sa ganitong sitwasyon ‘yung wala ka pang assurance na ikaw na ang “the one”. ‘Yung feeling mo may karapatan ka na sa kanya pero wala pa. ‘Yung feeling mo kayo na pero hindi. Hindi ka naman nag-i-imagine na crush ka rin ng crush mo. Dahil totoo namang may nanunuyo sa ‘yo pero ang saklap lang dahil ang bilis mong na-fall kaya kahit hindi dapat makaramdam ng mga bagay katulad ng selos, galit o inis hindi mo mapigilan kasi mahal mo na ‘yung tao. Hindi mo malaman why you feel this way. Kasi kahit baligtarin mo man ang mundo, mali ka pa rin dahil hindi mo pa siya pag-aari. Hindi pa kayo.


Nagseselos ka, wala ka namang karapatan. Nasasaktan ka, hindi naman kayo. Tandaan mo, habang hindi kayo, wala kang karapatan. Ginusto mo ‘yang ganyang sitwasyon, ‘di ba? Then play by the rules, habang hindi pa kayo magpigil-pigil ka dahil wala ka pa namang kasiguruhan kung ikaw na talaga. Kahit magsabi man siya ng isang libong “I love you” pero hindi pa kayo, magpigil ka ng landi dahil sa huli ay masasaktan ka lang. Mamaya magulat ka na lang tapos na pala ang laro, game over na. Kung si Chelsea nga eh sila na ni David pero she still felt threatened na iwanan siya ni David for Yna, ikaw pa kaya na nililigawan pa lang? Kaya ‘wag kang kiligin ng todo, magtira ka sa sarili mo at mas mahalin mo ang sarili mo kaysa sa kanya dahil kapag nagdesisyon na siya na itigil ang landian niyo at iiwan ka na niya, malamang wasak ka. 

Thursday, November 5, 2015

Forget Me Not Café

After a humongous lunch or a heavy snack, we all want to have a splash of tea or coffee. At gano’n din kami nila bestie Emil and vff Heidi, though, ako gusto ko cake and fruit shake. So, dumeretso kami sa Forget Me Not Café na nasa tawiran lang ng Barneys Burger kung saan kami nag-dinner. Isang fab café ang Forget Me Not na nasa Lilac, Marikina din at tunay nga namang nakakabighani ang itsura nito sa loob. Madami kang makikitang paintings na nakasabit sa mga pader, pati ang menu books nila nakasabit sa pader creating the words “Forget Me Not”. How creative, ‘di ba? Three years na daw ang café na ito sabi ng isa nilang server na aking nakapanayam. Meron daw silang three floors, the first two floors are for guests at ang third floor naman daw ay ang production area nila kung saan nila ginagawa ang mga napakasarap na cakes nila.

Sa counter naman nila naka-display ang mga cake offerings nila. Grabe, na-miss ko agad ang pagiging pastry cook ko no’ng makita ko ang mga selection nila. Ang bestsellers nila ay ang Mallow, Rainbow at Devil’s Cake. At siyempre iba iba kami ng in-order para matikman namin ang varieties. I ordered Lava cake, si bestie Emil ay Dome, at si vff Heidi naman ay Mallow. At siyempre strawberry milkshake sa ‘kin at steamed milk ang sa kanila for our bevs.

Time to eat! ‘Yung Mallow ay isang moist chocolate cake na may chocolate ganache and small chocolate Kisses sa filling and on top of it ay roasted marshmallows—smores. It was so moist and chewy. And it will compliment kung hot tea ang partner niya. ‘Yung Dome naman ay para ding Mallow ang crust ng cake, moist chocolate cake din, ang difference lang ay meron itong dalawang frostings, white icing sa taas at chocolate icing sa baba. At ‘yung sa ‘kin na Lava cake ay may sorpresang dala. It was wonderful at sight, moist chocolate cake served with vanilla ice cream on top. At kapag sinimulan mo itong kainin, sa gitna ay may oozing chocolate filling, para ngang lava. I love its surprise! Tapos ‘yung strawberry milkshake ko was super creamy yet the presence of the strawberries still lingered. For me, perfect combo ang Lava cake at strawberry milkshake.

Sugar rush! I know, it was all too chocolate-y for the three of us kaya naman ang hyper naming tatlo na kung ano ano na lang ang pinagusapan katulad ng under-the-table, “What’s keeping you?”, at ang mahiwagang fingers. Haha! I don’t want to get into further details basta that night was filled with chocolates, fun stories and laughter. It was a night to remember at Forget Me Not.

Maliban sa masarap na cakes at bevs nila sa Forget Me Not ay meron din silang offerings na tiyak ay aming lalantakan sa muli naming pagbabalik sa café na ito.
















***Check Forget Me Not online, click here.

Tuesday, November 3, 2015

Barneys Burger: "I Love You, You Love Me!"

The moment bestie Emil parked his car and I saw where we would be eating, napakanta agad ako ng “I love you, you love me. We’re a happy family!” Haha! Naalala ko kasi ang isang cute and purple dinosaur dahil sa pangalan ng burger house na kinainan namin—Barneys.

Nasa hilera ng mga restaurants at cafés sa Lilac, Marikina ang Barneys. Isang maliit na burger shack but the taste it offered us, shocked us! Small yet terribly good. Pagkapasok mo pa lang ay mahahalina ka na sa meaty, smoky flavor na maaamoy mo. Sa amoy pa lang mapapa-order ka na. And that’s what we did. Diretso agad kami sa counter and order some grubs. One thing I noticed, burgers lang talaga ang ino-offer ng Barneys. Yes, they have fries, spaghetti, and a burger steak meal. But as what I told bestie Emil and vff Heidi, sana in-expand pa nila ‘yung menu nila para mas madaming mapagpiliin. Kasi hindi naman sila Angel’s Burger na isang burger kiosk/stand, isa silang establishment with chairs and tables na mas puwedeng pakinabangan ng ibang food offerings like other pasta dishes maliban sa spaghetti o maglagay sila ng choices of beverage sa menu nila like milkshakes at fruit juices. I know, medyo pakialamero ako. Haha! But I just want to suggest ideas to Barneys Burger that may help them with customers that has other food finds in their mind para sila na mag-offer kaysa iba pa. Like si bestie Emil mahilig yun mag-coffee after every meal, eh walang coffee o tea ang store nila sa Lilac eh di maghahanap pa kami ng ibang store eh kung puwede naman i-offer rin sana yun ng Barneys. Get what Im saying? So, I‘m not really pakialamero, concern citizen lang. Haha. 

Okay, balik tayo sa orders namin. Iisa lang ang inorder namin, siyempre do’n agad kami sa alam naming pinakamasarap, ang Fullyloaded Supreme. ‘Yun kasi ang may pinakamalaking space ng picture sa menu board nila eh, so, that means it’s the best. (Disclaimer: Medyo may kalandian na po itong susunod na eksena. Haha!) Habang nasa counter ay na pansin ko ‘yung lalaking nagte-take ng orders namin. Kinilig ako. Haha! Kasi siya ‘yung guy na super duper crush ko nung college at may isa akong palatandaan sa kanya: barcode tattoo on his neck. He looked a little different in a good way but I still got the same love for him. Haha! Kaya nag-usisa pa ako to confirm kung siya nga talaga ‘yun. Then, paglingon niya. Boom, I saw his barcode tattoo on his neck. Nawala na tuloy ang focus ko sa gutom kong tiyan na punta na sa kalandian. Haha! Tipong kahit nakaupo na kami ay siya lang ‘yung tinititigan ko. Aww, namiss ko siya. Charot! Landi much. Haha!

Enough with my side story of kalandian, let’s go back to Barneys burgers. Nung naka-serve na ang burgers sa lamesa, I was like, ano ‘to normal looking burgers na nabibili mo sa kanto. Maybe because of its buns na kamukha nung mga burgers sa kanto. But wait, the moment I sank my teeth in it, I was sent to paradise! Grabe, sobrang sobrang sarap! Ang meaty ng lasa niya, na ka-level ang Champ ng Jollibee, well, much better pa nga. Ang laki ng patty na mabubusog ka talaga sa isang kainan lang. The ingredients on their Fullyloaded Supreme—the bacon, cheese, and patty—harmonized each other into a symphony of great taste. We enjoyed it, ANG SARAP! Truly, you never judge a book by its cover.

I recommend this burger house to anyone who would like to taste one of the best burger experiences you could ever have! And I promise to go back to this place, dahil tunay ngang napa-“I love you, you love me” ako ng Barneys hindi lang dahil nando’n ang love of my like kong si Mr. Barcode but definitely because of their amazing burgers. ^^

***Check Barneys Burger online, click here

Saturday, October 31, 2015

The LRT Single Journey

Nasa LRT Recto ako para sumakay ng train papunta sa Cubao para sa meeting ko with my co-ambassadors sa Pinoy Lambs (ang fans club ni Mariah Carey dito sa Pilipinas). Eh dahil may bago silang ticketing system cheness, ‘yung Beep, aka tap-and-go, aka one-card-all-trains, aka dagdag gastos na kinuha sa tax nating mga Filipino pero ang lecheng escalator sa Recto station ni hindi mabuksan kahit isa. Nasaan ang hustisiya? Bagong ticketing system pero ang escalator hindi mabuksan. Pati ang restroom sa Katipunan station mas marumi pa sa mga restroom sa mga abandonadong building. Panghe! Tapos kapag rush hour sobrang dami ng tao sa MRT at LRT1 eh imbis na binili ng bagong train. Kaloka talaga! Welga na ito! Haha! Anyway, back to my story, ‘yun na nga need ko bumili ng ticket sa bagong ticketing system nila, sabay sabi sa ‘kin nung lalaking nag-a-assist, “Stored po ba o single?” Napatingin ako sa kanya. Punyeta ka kuya, maka-single ka! Ang sakit ha! Ang sarap sigawan sa mukha ni kuya na alla Jennylyn Mercado, “Oo na, ako na, ako na’ng nagiisa!”

Kapag single ka, ang daming lugar na magpapaalala sa ‘yo na nagiisa ka. Isa na nga ‘yang LRT na ‘yan. Tapos nandiyan din ang Luneta. Tapos idagdag mo pa ang pizza houses. Nung isang araw kasing bumili ako ng pizza sa kiosk sa mall, sabi sa ‘kin nung tindera, “Single slice po ba?”. Ang bilis ng sagot ko eh with conviction, “DOUBLE!” Alam na ngang single tayo, tapos ipapaalala pa sa ‘ting nag-iisa tayo, na single tayo forever, na walang nagmamahal sa ‘tin. Saklap ng buhay.

Single Journey lang ang binili kong ticket at sa inis ko kay kuya padabog akong lumayas sa harap niya at dumeretso sa pasukan. Akala ko tapos na ang delubyo ko, but wait there’s more. Nung nasa entrance na ako, may babae na namang sumigaw ng, “’Yung mga stored po sa left tapos ‘yung mga single po dito sa side na ‘to.” Nagpintig na naman ang tenga ko sa narinig ko kaya pagka-tap ko ng ticket ko, sinabihan ko si ate, “Saan ba nakakabili ng dyowa? Nakakasawa maging single, eh.” Napangiti lang si ate sa ‘kin. Badtrip siya!

Hindi ko naman maiiwasang hindi sumakay sa LRT eh, pero maiiwasan ko ang sabihan akong “single” sa LRT. Anong ginawa ko? Simple lang, nung next trip ko sa LRT, bumili ulit ako ng bagong ticket, at nung nasa entrance na ako, sumigaw ako, “Stored na ako, hindi na ako single!” ^^

Sunday, October 25, 2015

Kalandian Sa Simbahan, Amen!

Lahat naman tayo nagsisimba para pasalamatan si Papa Jesus sa mga blessings na binibigay sa ‘tin pero mayroon ‘ding nagsisimba lang para maglandi, katulad ko minsan, minsan lang naman not every simba. Haha! Pero FYI ha hindi ako ang president ng Simbang Landi tuwing Simbang Gabi ha, member lang ako. Chos! Naaalala ko tuwing magsisimbang gabi kami dati ng pinsan kong si Kristhel, ang una naming titignan ay kung saan may pogi, at kung saan nga meron, do’n kami uupo sa tabi o sa malapit kung saan namin puwedeng masulyapan si kuyang pogi. Pero ewan ko hanggang tingin lang naman talaga kaming magpinsan eh, hindi kami marunong lumandi, kami kasi ang unang nilalapitan at nilalandi. Wow ha, gandang lahi namin, eh. Charot!

Ang pinaka favorite ko sa misa ay ang Ama Namin at Peace Be With You. Dati nung High School pa ako, every Friday may pa-misa sa quadrangle ng school namin at lahat ay nakapila per seksyon. Dapat sa pila katabi ko lagi ‘yung friend slash super crush kong si Rayh. Waaaah! Kinikilig ako, it’s all coming back to me now. Aww, memories! Anyway, kapag nag-start na ang Ama Namin, time ko ng humarot, siyempre kapag Ama Namin, alam mo na, hawak kamay! Waah, grabe, while we sing Ama Namin, feel na feel ko ‘yung softness ng kamay niya. Deep within, kinikilig ako to the highest level! Ayoko nang matapos pa ang kantang Ama Namin, gusto kong biglang sumigaw si Father ng, “one more time, let’s sing Ama Namin!”. Pero okay lang kasi pagtapos naman ng Ama Namin susunod na ang second favorite kong Peace Be With You. Ako, with my girl friends ay nagbebeso kapag Peace Be With You, pero siyempre ‘yung mga lalaki, peace sign lang. But even though, since katabi ko naman si Rayh, kaya nung nag-peace sign siya sa ‘kin, biglang tumigil ang oras, and I can see him slowly showing me a peace sign with his hand and smiling. Laglag panty ko, ‘day! O sino bang hindi favorite ang Ama Namin at Peace Be With You, mapa-lalaki o babae, bet ‘to, right? Aminin!

I would never forget my memories of kalandian sa simbahan lalo na ‘tong ikukuwento kong huli. ‘Yung friend ko kasing si Jher invited me to a mass sa church na malapit sa house nila. Eh di gora naman ako! Nung nasa church na kami may na-sight akong lalaking pogi, maputi, at ang ganda ng katawan. Eh kilala pala ‘yun ni Jher, kasi naging ka-member nila sa choir dati. Kaya do’n kami umupo sa tabi niya. Last mass na eh, 9pm na no’n kaya unti na lang kami. Grabe, dahil katabi ko si kuyang macho hindi ko maiwasang amuyin siya, ang bango! Nung nag-start na ang Ama Namin, eh di nag-holding hands na kami, este hawak kamay lang pala. Tapos kinilig talaga ako sa cute dimples ni kuya. Tapos while the mass went on, mega pakilala ako kay kuya. Hindi na ako masyado nahiya kasi malandi naman ako este kakilala naman ni Jher si kuyang macho, eh. Then, may hampasan na kami, kuwentuhan, at tawanan. Galawang higad talaga to the max!

Next day, hindi ko pa rin makalimutan ang kalandian ko sa simabahan kagabi, ang pogi at macho kasi talaga ni kuya. Habang nakadungaw ako sa terrace namin para tignan si amang araw, I saw this guy na may ka-holding hands na babae (na hindi naman kagandahan, mas maganda pa si Pokwang) dumaan sa tapat ng terrace namin. Tapos, biglang kumaway sa ‘kin, nung tinignan kong mabuti si kuyang macho pala ‘yun, tinatawag ako. Nahiya agad ako at nagtago. Napaisip, kaloka, of all people, bakit ‘yung chaka pa naming kapitbahay ‘yung girlfriend niya? Eww, puwede naman ako!

My Bestfriend's Lover

Sumagi na ba sa isip mo na agawin ang syota ng bestfriend mo? I know, it may sound cruel. Pero dahil minsan sa pagiging desperada mo na makahanap ng taong iibig sa ‘yo, pati ang nanahimik na boyfriend ng bestfriend mo maiisip mong agawin... unintentionally.

Hindi naman talaga evil stepsister ang papel mo sa malla-Cinderellang relasyon ng bestfriend mo. Hindi ka homewrecker. Again, imagination lang naman eh na sana ikaw na lang. Siyempre may karapatan ka rin namang sumaya, ‘di ba?

Nangyari na sa ‘kin ito, ang mag-imagine na sana akin na lang siya. Nakakapagod na kasing maghanap o maghintay pa ng iba, eh. Eh di doon na ‘ko sa madali kong makukuha. But then again, hindi ako tigang na desperada para gawin ‘yun. Imagination lang. Clear? Hindi ko naman talaga ipu-push na agawin ang boyfriend ng bestfriend ko. ‘Wag mo kong husgahan. Belat!

Sobrang close ko sa bestfriend ko at pati na rin sa boyfriend niya. Kaya tuwing may problema sila sa ‘kin lagi lumalapit si My Bestfriend’s Lover at dahil do’n, dahil lagi ko silang natutulungang magkaayos naging close talaga kami ni guy. Alam mo ‘yung may mga eksenang binibigyan ko na ng meaning pati mga maliliit na bagay na ginagawa niya sa ‘kin katulad ng paghablot sa kamay ko para tumakbo dahil late na kami para sa klase. O pag-akbay niya sa ‘kin kapag magkakasama ang barkada. Alam ko namang walang meaning ‘yun sa kanya pero sa akin meron. Alam kong mali, alam kong bawal. Pero kahit na ako lang ang nag-iisip na merong kulay ang bawat kilos na pinapakita niya sa ‘kin ang sarap pa rin pala sa feeling na may nagmamahal sa ‘yo. Talagang masarap nga ang bawal.

My turning point? Isang gabi nag-overnight kami sa bahay ng bestfriend ko para gumawa ng project. Nagkatulugan na pagpatak ng alas tres ng madaling araw. Magkakatabi kami sa kuwarto: ako, My Bestfriend’s Lover, at ang bestfriend ko. Pinapagitnaan namin siya. Ang lakas nga maka-No Other Woman, eh. ‘Yung movie poster nila na pinagigitnaan nila Anne Curtis at Cristine Reyes si Derek Ramsey. Alam kong mahimbing na ang tulog ng iba pero ako nakapikit nga pero gising na gising ang diwa. Iniisip ang katarantaduhang imaginations ko. Maya-maya naramdaman kong napayakap siya sa ‘kin, he cuddled me closer and I could feel he was breathing through my neck. Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil sa kinikilig ako o kinakabahan na baka magising ang bestfriend ko at makita ang aming eksena. Pagkalipas ng ilang minuto ng pagyakap sa ‘kin ni My Bestfriend’s Lover narinig ko siyang nag-i-sleeptalking. At alam mo kung anong sinasabi niya? Binabanggit niya lang naman ang pangalan ng bestfriend ko ng paulit-ulit. Ouch. Tumayo ako sa pagkakahiga at lumabas ng bahay. Alam kong malamig ang simoy ng hangin pero hindi ko ito nararamdaman sapagkat ang tanging nararamdaman ko ay ang bilis ng tibok ng puso ko at ang marahan kong paglalakad. Nag-flashback lahat ng eksena ko with My Bestfriend’s Lover. Habang palayo na ako ng palayo sa bahay ng bestfriend ko, napahinto ako and I told myself, “Tama na! Ayoko na!” I realized, oo, sa umpisa masarap ang bawal pero at the end of the day, ako pa rin ang talo kaya itinigil ko na ang kahibangan ko. Ayoko ng umabot na maging masama na ang idudulot ng bawal na pagibig na ‘to kasi katulad ng mga bawal na pagkain, sisingilin nito ang katawan mo at magdudulot ng sakit sa puso. Heartache.

Berdeng Panyo

Sure akong napanood niyo na sa mga teleserye o movies ng eksenang kapag nalaglagan ng panyo si girl, dadamputin ito ng mga maginoong lalaki at magkakatinginan sila, and little did they know, sila na. Ang bilis ‘no? Galawang higad talaga! Kaya nung isang araw na sumakay ako sa LRT ginawa ko ang breezy move na ‘to. Pagpasok ko sa tren, mahilig muna akong mag-observe. Titignan ang mga taong nakasakay, magbi-birdwatching. At kapag may poging nakita, ipagsisiksikan ko ang sarili ko mamasdan at mapadikit lang ako sa kanya. Ehem. Paalala lang ha, conservative talaga ako, strict ang parents ko. Chos! Hindi talaga ako malandi minsan, kundi malandi ako parati. Haha!

So, eto na nga, may nakita akong pogi sa loob ng tren kaya pagpasok ko sa tabi niya agad ako umupo. Pa-sweet sweetan kunwari at pasulyap-sulyap. Ang pogi at puti ni kuya, inisip ko agad baka Atenista siya. Gano’n kasi ang kutis ng mga nasa top schools like Ateneo and La Salle. Kahit ‘di talaga ako mahilig sa mapuputi, iba ang karisma ni kuya kaya ‘yun pinagsiksikan ko ang sarili ko sa upuan. Ang swerte ko nga kasi simula V. Mapa station at sa huling bababaan naming station ay kasama ko siya. Nung malapit na kami sa Santolan station ay inilagay ko ang aking berdeng panyo sa aking hita para kapag tumayo ako ay malalaglag ito sa sahig at dadamputin niya para sa ‘kin alla Maria Clara ang pinepeg ko katulad nung mga teleserye at movies na napanood ko. Dalagang Pilipina. Nung nasa Santolan na kami ginawa ko na ang plano, pagtayo ko nag-landing nga ang aking berdeng panyo sa sahig ng tren, pero imbis na damputin niya ito tinawag niya ako, tinuro ang panyo ko sa sahig sabay sabi niya, “Pare, panyo mo!” ‘Yun lang, saklap. ‘Kala ko si kuya na ang magiging first boyfriend ko. Hopia much? Hay, epic fail pala! ^^

Tuesday, October 20, 2015

Palengke XP: San Pablo, Laguna

San Pablo, Laguna is enormous enough for qualities that would excite even the smallest taste bud you got. Of course, I’m talking about food. You wouldn’t know more about a place if your feet don’t start walking. It all takes a single step to have that full-packed adventure you might never experience anywhere else. As we set foot at San Pablo market, the feel of wandering around floated in the air. As you draw closer from left to right, you would be taken aback by the wondrous food picks you would love to savor. So, we continued on.

The first bite was galapong twisted to shape like the number eight, then coated with panutsa. The taste was similar to carioca but it was more thrilling to devour because of its unusual structure. Laguna called it Pilipit. And it would surely be a favorite.

Another turn, a woman roasting bananas caught our eye. We approached her and asked what she was selling. It is called Binangin na Saba where the taste was of the same as bananacue only it got no sugar coating and not fried but rather roasted on coal. It was pure of heavy chews and smoky flavor that would tell the difference from the normal bananacue we have in the Metro.


The following day was another adventure, the flow of food galore ruptured. At San Pablo Colleges, a food dish they named Mami De Laguna lives on to prove its worth. It tasted meaty and garlicky because of the gargantuan amount of ground beef and toasted garlic. The difference we noticed was the consistency of its soup, it was thick and very flavorful like pares mami. A real worthy dish.

As we traveled in the market, we zoomed to San Pablo City Shopping Mall and there we ate at the corner of the long-strained stairs the so-called Sampinit drizzled with sugar and a pinch of salt. The strawberry of Laguna. Or what we all call as raspberry.

The way back to our lodge was another food adventure as we gobbled Nilupak made with grated cassava, with the center filled with of sweet peanut butter, and topped with lavish margarine. It has a richer flavor compared to the nilupaks we have in the Metro. Another street treat was Buchi. It was munchy inside and crunchy outside. The flavor of its monggo filling and sugar-coating is beyond compare.

So, when you travel to Sal Pablo, Laguna don’t forget to visit their market as it’s where food paradise is. Have a bite!

NOTE: I apologize that I can’t post photos of my adventure to San Pablo because sadly the memory card of the camera that we used got corrupted. Ugh, I know. No photos left, not even one. But I hope with my descriptions and stories you were able to discern and imagine the taste of Pilipit, Binangin Na Saba, Mami De Laguna, Sampinit, Nilupak, and Buchi.

Monday, October 19, 2015

Palengke XP: Bangar, La Union

Something I learned from being a traveler is that for you to know a place, you have to walk around the city and visit their market. At 'yun ang ginawa namin. Kaya natikman ko tuloy ang kay sarap na local delicacies nila dito sa Bangar, La Union. The moment I set foot at Bangar Public Market na-feel ko na agad na nasa isa akong authentic na provincial market. Iba ang wika ng mga tindera, walang bubungan, at sa kahit saang sahig lang nakasalampak ang mga nagbebenta. At ang dami ng varieties na mapamimilian mo mula sa isda, karne at gulay. First time ko lang ngang maka-meet and greet ang ibang gulay na binebenta nila eh. Haha! Katulad ng kakalunay na tumutubo daw sa maisan na parang talbos ng kamote at katuray.

Haluhalo with Dippig
Pagkatapos mamalengke ay nagumpisa na nga kaming mag-foodtrip. Una kong tinikman ay ang haluhalo nila na katulad rin sa Maynila halos ang sahog. The only difference is the buko meat they add to it and the kind of banana they put in. Sabi nung Ale ay 'dippig' daw ang saging na 'yun. Isa siyang itim at mapayat na saging na sa unang tingin ay parang bulok na bunga. Tapos hindi katulad ng saba sa Maynila na iniluluto pa sa asukal bago gawing sahog sa haluhalo, dito ay wala ng luto luto at deretso na itong hihiwain pagkapitas sa isang bangkas ng saging at ihahalo sa iba pang sangkap.

While I enjoy my haluhalo, may nakita ako sa likod na nagbebenta ng kung anong prinitong matamis na bagay. Kaya nag-decide kaming i-try ang tinitinda ni Lola. Natikmam ko ang maruja version nila dito sa Bangar na isang bola ng harina na ipinirito sa asukal at sa loob ay may lamang saging. Kay Lola ko rin natikman 'yung lumpiang gulay nila na imbis na toge ang laman katulad nga sa Maynila ay puno ng Baguio beans at carrots. Masarap siya kapag isinawsaw sa sukang may sili. At huling natikman namin kay Lola ay 'yung tinatawag niyang "malagkit", and from its name, gawa talaga siya sa malagkit na kanin. Haha! Para siyang carioca na binalot sa lumpia wrapper at ipinirito sa asukal. Ang sarap niya in fairness ha at na-enjoy ko 'yung mga tinda ni Lola lalo na't P2.00 each lang. Mura na, yummy pa!

Bibingka
Iniruban
Ang sumunod naman naming nilantakan ay ang tinda ni Kuya na mga kakanin. Meron siyang iba't ibang kakanin katulad ng cassava cake at ube. But what caught my eyes were the bibingka and iniruban. 'Yung bibingka nila ay hindi 'yung tipikal na bibingka na ibinebenta sa gilid ng simbahan kapag may simbang gabi kasi hindi siya gawa sa harina kundi sa giniling na bigas. Ang milky ng lasa niya at cheesy tapos chewy at masarap nguyain, 'di katulad ng bibingka sa Maynila na parang tinapay. Madami siyang cheese sa ibabaw at sabi ng kaibigan kong taga-La Union kaya daw milky ang lasa dahil binusog sa gatas ang recipe ng bibingka nila dito sa Bangar. Ang iniruban naman ay simpleng putahe ng biko pero gawa ito sa itim na klase ng bigas. Biro ko nga ay pagkain 'to ng engkatado. Haha! Masarap ang lasa niya at hindi masyado katamisan kaya nagustuhan ko siya.


Alam kong madami pang itinatagong masasarap na sikreto ang Bangar, La Union at sa mga natikman ko so far, mukhang mapapabalik ako sa lugar na 'to muli para mapalamon ng marami. Lamon pa more!

Napakasaya ng trip namin sa La Union. Nakakain ako ng madaming ginataang palaka, iba’t ibang delicacies ng La Union at ang super sarap na beef mami nila doon. Tapos nakabisita pa sa sikat na Bahay Na Bato at nag-enjoy makipaglaro sa alon ng Rimos Beach. Napakababait pa ng buong pamilya ni Ryan at talagang hindi kami pinabayaan ng pinsan kong si Charie. Salamat sa buong angkan ng Ngalatan for making us feel so at home. I truly had so much fun! My trip to La Union was a total XP—experience!

SBD Challenge Day #2: Better Than Yesterday

Your first day on South Beach Diet is the hardest! Pero after 2-3 days you’ll feel better with the program. Like today, I feel better. Hind...