Saturday, October 31, 2015

The LRT Single Journey

Nasa LRT Recto ako para sumakay ng train papunta sa Cubao para sa meeting ko with my co-ambassadors sa Pinoy Lambs (ang fans club ni Mariah Carey dito sa Pilipinas). Eh dahil may bago silang ticketing system cheness, ‘yung Beep, aka tap-and-go, aka one-card-all-trains, aka dagdag gastos na kinuha sa tax nating mga Filipino pero ang lecheng escalator sa Recto station ni hindi mabuksan kahit isa. Nasaan ang hustisiya? Bagong ticketing system pero ang escalator hindi mabuksan. Pati ang restroom sa Katipunan station mas marumi pa sa mga restroom sa mga abandonadong building. Panghe! Tapos kapag rush hour sobrang dami ng tao sa MRT at LRT1 eh imbis na binili ng bagong train. Kaloka talaga! Welga na ito! Haha! Anyway, back to my story, ‘yun na nga need ko bumili ng ticket sa bagong ticketing system nila, sabay sabi sa ‘kin nung lalaking nag-a-assist, “Stored po ba o single?” Napatingin ako sa kanya. Punyeta ka kuya, maka-single ka! Ang sakit ha! Ang sarap sigawan sa mukha ni kuya na alla Jennylyn Mercado, “Oo na, ako na, ako na’ng nagiisa!”

Kapag single ka, ang daming lugar na magpapaalala sa ‘yo na nagiisa ka. Isa na nga ‘yang LRT na ‘yan. Tapos nandiyan din ang Luneta. Tapos idagdag mo pa ang pizza houses. Nung isang araw kasing bumili ako ng pizza sa kiosk sa mall, sabi sa ‘kin nung tindera, “Single slice po ba?”. Ang bilis ng sagot ko eh with conviction, “DOUBLE!” Alam na ngang single tayo, tapos ipapaalala pa sa ‘ting nag-iisa tayo, na single tayo forever, na walang nagmamahal sa ‘tin. Saklap ng buhay.

Single Journey lang ang binili kong ticket at sa inis ko kay kuya padabog akong lumayas sa harap niya at dumeretso sa pasukan. Akala ko tapos na ang delubyo ko, but wait there’s more. Nung nasa entrance na ako, may babae na namang sumigaw ng, “’Yung mga stored po sa left tapos ‘yung mga single po dito sa side na ‘to.” Nagpintig na naman ang tenga ko sa narinig ko kaya pagka-tap ko ng ticket ko, sinabihan ko si ate, “Saan ba nakakabili ng dyowa? Nakakasawa maging single, eh.” Napangiti lang si ate sa ‘kin. Badtrip siya!

Hindi ko naman maiiwasang hindi sumakay sa LRT eh, pero maiiwasan ko ang sabihan akong “single” sa LRT. Anong ginawa ko? Simple lang, nung next trip ko sa LRT, bumili ulit ako ng bagong ticket, at nung nasa entrance na ako, sumigaw ako, “Stored na ako, hindi na ako single!” ^^

Sunday, October 25, 2015

Kalandian Sa Simbahan, Amen!

Lahat naman tayo nagsisimba para pasalamatan si Papa Jesus sa mga blessings na binibigay sa ‘tin pero mayroon ‘ding nagsisimba lang para maglandi, katulad ko minsan, minsan lang naman not every simba. Haha! Pero FYI ha hindi ako ang president ng Simbang Landi tuwing Simbang Gabi ha, member lang ako. Chos! Naaalala ko tuwing magsisimbang gabi kami dati ng pinsan kong si Kristhel, ang una naming titignan ay kung saan may pogi, at kung saan nga meron, do’n kami uupo sa tabi o sa malapit kung saan namin puwedeng masulyapan si kuyang pogi. Pero ewan ko hanggang tingin lang naman talaga kaming magpinsan eh, hindi kami marunong lumandi, kami kasi ang unang nilalapitan at nilalandi. Wow ha, gandang lahi namin, eh. Charot!

Ang pinaka favorite ko sa misa ay ang Ama Namin at Peace Be With You. Dati nung High School pa ako, every Friday may pa-misa sa quadrangle ng school namin at lahat ay nakapila per seksyon. Dapat sa pila katabi ko lagi ‘yung friend slash super crush kong si Rayh. Waaaah! Kinikilig ako, it’s all coming back to me now. Aww, memories! Anyway, kapag nag-start na ang Ama Namin, time ko ng humarot, siyempre kapag Ama Namin, alam mo na, hawak kamay! Waah, grabe, while we sing Ama Namin, feel na feel ko ‘yung softness ng kamay niya. Deep within, kinikilig ako to the highest level! Ayoko nang matapos pa ang kantang Ama Namin, gusto kong biglang sumigaw si Father ng, “one more time, let’s sing Ama Namin!”. Pero okay lang kasi pagtapos naman ng Ama Namin susunod na ang second favorite kong Peace Be With You. Ako, with my girl friends ay nagbebeso kapag Peace Be With You, pero siyempre ‘yung mga lalaki, peace sign lang. But even though, since katabi ko naman si Rayh, kaya nung nag-peace sign siya sa ‘kin, biglang tumigil ang oras, and I can see him slowly showing me a peace sign with his hand and smiling. Laglag panty ko, ‘day! O sino bang hindi favorite ang Ama Namin at Peace Be With You, mapa-lalaki o babae, bet ‘to, right? Aminin!

I would never forget my memories of kalandian sa simbahan lalo na ‘tong ikukuwento kong huli. ‘Yung friend ko kasing si Jher invited me to a mass sa church na malapit sa house nila. Eh di gora naman ako! Nung nasa church na kami may na-sight akong lalaking pogi, maputi, at ang ganda ng katawan. Eh kilala pala ‘yun ni Jher, kasi naging ka-member nila sa choir dati. Kaya do’n kami umupo sa tabi niya. Last mass na eh, 9pm na no’n kaya unti na lang kami. Grabe, dahil katabi ko si kuyang macho hindi ko maiwasang amuyin siya, ang bango! Nung nag-start na ang Ama Namin, eh di nag-holding hands na kami, este hawak kamay lang pala. Tapos kinilig talaga ako sa cute dimples ni kuya. Tapos while the mass went on, mega pakilala ako kay kuya. Hindi na ako masyado nahiya kasi malandi naman ako este kakilala naman ni Jher si kuyang macho, eh. Then, may hampasan na kami, kuwentuhan, at tawanan. Galawang higad talaga to the max!

Next day, hindi ko pa rin makalimutan ang kalandian ko sa simabahan kagabi, ang pogi at macho kasi talaga ni kuya. Habang nakadungaw ako sa terrace namin para tignan si amang araw, I saw this guy na may ka-holding hands na babae (na hindi naman kagandahan, mas maganda pa si Pokwang) dumaan sa tapat ng terrace namin. Tapos, biglang kumaway sa ‘kin, nung tinignan kong mabuti si kuyang macho pala ‘yun, tinatawag ako. Nahiya agad ako at nagtago. Napaisip, kaloka, of all people, bakit ‘yung chaka pa naming kapitbahay ‘yung girlfriend niya? Eww, puwede naman ako!

My Bestfriend's Lover

Sumagi na ba sa isip mo na agawin ang syota ng bestfriend mo? I know, it may sound cruel. Pero dahil minsan sa pagiging desperada mo na makahanap ng taong iibig sa ‘yo, pati ang nanahimik na boyfriend ng bestfriend mo maiisip mong agawin... unintentionally.

Hindi naman talaga evil stepsister ang papel mo sa malla-Cinderellang relasyon ng bestfriend mo. Hindi ka homewrecker. Again, imagination lang naman eh na sana ikaw na lang. Siyempre may karapatan ka rin namang sumaya, ‘di ba?

Nangyari na sa ‘kin ito, ang mag-imagine na sana akin na lang siya. Nakakapagod na kasing maghanap o maghintay pa ng iba, eh. Eh di doon na ‘ko sa madali kong makukuha. But then again, hindi ako tigang na desperada para gawin ‘yun. Imagination lang. Clear? Hindi ko naman talaga ipu-push na agawin ang boyfriend ng bestfriend ko. ‘Wag mo kong husgahan. Belat!

Sobrang close ko sa bestfriend ko at pati na rin sa boyfriend niya. Kaya tuwing may problema sila sa ‘kin lagi lumalapit si My Bestfriend’s Lover at dahil do’n, dahil lagi ko silang natutulungang magkaayos naging close talaga kami ni guy. Alam mo ‘yung may mga eksenang binibigyan ko na ng meaning pati mga maliliit na bagay na ginagawa niya sa ‘kin katulad ng paghablot sa kamay ko para tumakbo dahil late na kami para sa klase. O pag-akbay niya sa ‘kin kapag magkakasama ang barkada. Alam ko namang walang meaning ‘yun sa kanya pero sa akin meron. Alam kong mali, alam kong bawal. Pero kahit na ako lang ang nag-iisip na merong kulay ang bawat kilos na pinapakita niya sa ‘kin ang sarap pa rin pala sa feeling na may nagmamahal sa ‘yo. Talagang masarap nga ang bawal.

My turning point? Isang gabi nag-overnight kami sa bahay ng bestfriend ko para gumawa ng project. Nagkatulugan na pagpatak ng alas tres ng madaling araw. Magkakatabi kami sa kuwarto: ako, My Bestfriend’s Lover, at ang bestfriend ko. Pinapagitnaan namin siya. Ang lakas nga maka-No Other Woman, eh. ‘Yung movie poster nila na pinagigitnaan nila Anne Curtis at Cristine Reyes si Derek Ramsey. Alam kong mahimbing na ang tulog ng iba pero ako nakapikit nga pero gising na gising ang diwa. Iniisip ang katarantaduhang imaginations ko. Maya-maya naramdaman kong napayakap siya sa ‘kin, he cuddled me closer and I could feel he was breathing through my neck. Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil sa kinikilig ako o kinakabahan na baka magising ang bestfriend ko at makita ang aming eksena. Pagkalipas ng ilang minuto ng pagyakap sa ‘kin ni My Bestfriend’s Lover narinig ko siyang nag-i-sleeptalking. At alam mo kung anong sinasabi niya? Binabanggit niya lang naman ang pangalan ng bestfriend ko ng paulit-ulit. Ouch. Tumayo ako sa pagkakahiga at lumabas ng bahay. Alam kong malamig ang simoy ng hangin pero hindi ko ito nararamdaman sapagkat ang tanging nararamdaman ko ay ang bilis ng tibok ng puso ko at ang marahan kong paglalakad. Nag-flashback lahat ng eksena ko with My Bestfriend’s Lover. Habang palayo na ako ng palayo sa bahay ng bestfriend ko, napahinto ako and I told myself, “Tama na! Ayoko na!” I realized, oo, sa umpisa masarap ang bawal pero at the end of the day, ako pa rin ang talo kaya itinigil ko na ang kahibangan ko. Ayoko ng umabot na maging masama na ang idudulot ng bawal na pagibig na ‘to kasi katulad ng mga bawal na pagkain, sisingilin nito ang katawan mo at magdudulot ng sakit sa puso. Heartache.

Berdeng Panyo

Sure akong napanood niyo na sa mga teleserye o movies ng eksenang kapag nalaglagan ng panyo si girl, dadamputin ito ng mga maginoong lalaki at magkakatinginan sila, and little did they know, sila na. Ang bilis ‘no? Galawang higad talaga! Kaya nung isang araw na sumakay ako sa LRT ginawa ko ang breezy move na ‘to. Pagpasok ko sa tren, mahilig muna akong mag-observe. Titignan ang mga taong nakasakay, magbi-birdwatching. At kapag may poging nakita, ipagsisiksikan ko ang sarili ko mamasdan at mapadikit lang ako sa kanya. Ehem. Paalala lang ha, conservative talaga ako, strict ang parents ko. Chos! Hindi talaga ako malandi minsan, kundi malandi ako parati. Haha!

So, eto na nga, may nakita akong pogi sa loob ng tren kaya pagpasok ko sa tabi niya agad ako umupo. Pa-sweet sweetan kunwari at pasulyap-sulyap. Ang pogi at puti ni kuya, inisip ko agad baka Atenista siya. Gano’n kasi ang kutis ng mga nasa top schools like Ateneo and La Salle. Kahit ‘di talaga ako mahilig sa mapuputi, iba ang karisma ni kuya kaya ‘yun pinagsiksikan ko ang sarili ko sa upuan. Ang swerte ko nga kasi simula V. Mapa station at sa huling bababaan naming station ay kasama ko siya. Nung malapit na kami sa Santolan station ay inilagay ko ang aking berdeng panyo sa aking hita para kapag tumayo ako ay malalaglag ito sa sahig at dadamputin niya para sa ‘kin alla Maria Clara ang pinepeg ko katulad nung mga teleserye at movies na napanood ko. Dalagang Pilipina. Nung nasa Santolan na kami ginawa ko na ang plano, pagtayo ko nag-landing nga ang aking berdeng panyo sa sahig ng tren, pero imbis na damputin niya ito tinawag niya ako, tinuro ang panyo ko sa sahig sabay sabi niya, “Pare, panyo mo!” ‘Yun lang, saklap. ‘Kala ko si kuya na ang magiging first boyfriend ko. Hopia much? Hay, epic fail pala! ^^

Tuesday, October 20, 2015

Palengke XP: San Pablo, Laguna

San Pablo, Laguna is enormous enough for qualities that would excite even the smallest taste bud you got. Of course, I’m talking about food. You wouldn’t know more about a place if your feet don’t start walking. It all takes a single step to have that full-packed adventure you might never experience anywhere else. As we set foot at San Pablo market, the feel of wandering around floated in the air. As you draw closer from left to right, you would be taken aback by the wondrous food picks you would love to savor. So, we continued on.

The first bite was galapong twisted to shape like the number eight, then coated with panutsa. The taste was similar to carioca but it was more thrilling to devour because of its unusual structure. Laguna called it Pilipit. And it would surely be a favorite.

Another turn, a woman roasting bananas caught our eye. We approached her and asked what she was selling. It is called Binangin na Saba where the taste was of the same as bananacue only it got no sugar coating and not fried but rather roasted on coal. It was pure of heavy chews and smoky flavor that would tell the difference from the normal bananacue we have in the Metro.


The following day was another adventure, the flow of food galore ruptured. At San Pablo Colleges, a food dish they named Mami De Laguna lives on to prove its worth. It tasted meaty and garlicky because of the gargantuan amount of ground beef and toasted garlic. The difference we noticed was the consistency of its soup, it was thick and very flavorful like pares mami. A real worthy dish.

As we traveled in the market, we zoomed to San Pablo City Shopping Mall and there we ate at the corner of the long-strained stairs the so-called Sampinit drizzled with sugar and a pinch of salt. The strawberry of Laguna. Or what we all call as raspberry.

The way back to our lodge was another food adventure as we gobbled Nilupak made with grated cassava, with the center filled with of sweet peanut butter, and topped with lavish margarine. It has a richer flavor compared to the nilupaks we have in the Metro. Another street treat was Buchi. It was munchy inside and crunchy outside. The flavor of its monggo filling and sugar-coating is beyond compare.

So, when you travel to Sal Pablo, Laguna don’t forget to visit their market as it’s where food paradise is. Have a bite!

NOTE: I apologize that I can’t post photos of my adventure to San Pablo because sadly the memory card of the camera that we used got corrupted. Ugh, I know. No photos left, not even one. But I hope with my descriptions and stories you were able to discern and imagine the taste of Pilipit, Binangin Na Saba, Mami De Laguna, Sampinit, Nilupak, and Buchi.

Monday, October 19, 2015

Palengke XP: Bangar, La Union

Something I learned from being a traveler is that for you to know a place, you have to walk around the city and visit their market. At 'yun ang ginawa namin. Kaya natikman ko tuloy ang kay sarap na local delicacies nila dito sa Bangar, La Union. The moment I set foot at Bangar Public Market na-feel ko na agad na nasa isa akong authentic na provincial market. Iba ang wika ng mga tindera, walang bubungan, at sa kahit saang sahig lang nakasalampak ang mga nagbebenta. At ang dami ng varieties na mapamimilian mo mula sa isda, karne at gulay. First time ko lang ngang maka-meet and greet ang ibang gulay na binebenta nila eh. Haha! Katulad ng kakalunay na tumutubo daw sa maisan na parang talbos ng kamote at katuray.

Haluhalo with Dippig
Pagkatapos mamalengke ay nagumpisa na nga kaming mag-foodtrip. Una kong tinikman ay ang haluhalo nila na katulad rin sa Maynila halos ang sahog. The only difference is the buko meat they add to it and the kind of banana they put in. Sabi nung Ale ay 'dippig' daw ang saging na 'yun. Isa siyang itim at mapayat na saging na sa unang tingin ay parang bulok na bunga. Tapos hindi katulad ng saba sa Maynila na iniluluto pa sa asukal bago gawing sahog sa haluhalo, dito ay wala ng luto luto at deretso na itong hihiwain pagkapitas sa isang bangkas ng saging at ihahalo sa iba pang sangkap.

While I enjoy my haluhalo, may nakita ako sa likod na nagbebenta ng kung anong prinitong matamis na bagay. Kaya nag-decide kaming i-try ang tinitinda ni Lola. Natikmam ko ang maruja version nila dito sa Bangar na isang bola ng harina na ipinirito sa asukal at sa loob ay may lamang saging. Kay Lola ko rin natikman 'yung lumpiang gulay nila na imbis na toge ang laman katulad nga sa Maynila ay puno ng Baguio beans at carrots. Masarap siya kapag isinawsaw sa sukang may sili. At huling natikman namin kay Lola ay 'yung tinatawag niyang "malagkit", and from its name, gawa talaga siya sa malagkit na kanin. Haha! Para siyang carioca na binalot sa lumpia wrapper at ipinirito sa asukal. Ang sarap niya in fairness ha at na-enjoy ko 'yung mga tinda ni Lola lalo na't P2.00 each lang. Mura na, yummy pa!

Bibingka
Iniruban
Ang sumunod naman naming nilantakan ay ang tinda ni Kuya na mga kakanin. Meron siyang iba't ibang kakanin katulad ng cassava cake at ube. But what caught my eyes were the bibingka and iniruban. 'Yung bibingka nila ay hindi 'yung tipikal na bibingka na ibinebenta sa gilid ng simbahan kapag may simbang gabi kasi hindi siya gawa sa harina kundi sa giniling na bigas. Ang milky ng lasa niya at cheesy tapos chewy at masarap nguyain, 'di katulad ng bibingka sa Maynila na parang tinapay. Madami siyang cheese sa ibabaw at sabi ng kaibigan kong taga-La Union kaya daw milky ang lasa dahil binusog sa gatas ang recipe ng bibingka nila dito sa Bangar. Ang iniruban naman ay simpleng putahe ng biko pero gawa ito sa itim na klase ng bigas. Biro ko nga ay pagkain 'to ng engkatado. Haha! Masarap ang lasa niya at hindi masyado katamisan kaya nagustuhan ko siya.


Alam kong madami pang itinatagong masasarap na sikreto ang Bangar, La Union at sa mga natikman ko so far, mukhang mapapabalik ako sa lugar na 'to muli para mapalamon ng marami. Lamon pa more!

Napakasaya ng trip namin sa La Union. Nakakain ako ng madaming ginataang palaka, iba’t ibang delicacies ng La Union at ang super sarap na beef mami nila doon. Tapos nakabisita pa sa sikat na Bahay Na Bato at nag-enjoy makipaglaro sa alon ng Rimos Beach. Napakababait pa ng buong pamilya ni Ryan at talagang hindi kami pinabayaan ng pinsan kong si Charie. Salamat sa buong angkan ng Ngalatan for making us feel so at home. I truly had so much fun! My trip to La Union was a total XP—experience!

Thursday, July 16, 2015

Chopstop Will Make You Stop!

After four long years, finally, I was able to have a simple, mini, yet super fun reunion with my high school bestfriend, Florianne (we call each other “friendship”). At first we were lost as to where we could enjoy a dinner together until I suggested to eat at this new eating hub at SM Sta. Mesa—Chopstop. The first time I saw this resto was via Facebook as one of my friends visited this resto and bragged about it on Facebook. At first glance on my friend’s photos of Chopstop, I was captured by how the resto was put up, and when I finally set foot on its environs, my first impression of how fun and interesting Chopstop did not cease but remained. I loved the invigorating feel it gave us. Then, the staffs greeted us with sheer joy and ushered us to our table with menus laden thereafter ready for our hungry bellies. Plus, their cool interior would make anyone smile and forget all the worries you had for such a stressful day. Look at these super fun and witty wall posts. Cool, right?



Something that I was a little pahiya in way was when I called a waiter to get our orders and the lady I was calling was a little dumbfounded. Suddenly, I thought, c’mon, Jahric, this ain’t fine-dining. Haha! I was just so carried away with the fine-dining feel when they gave us menus and so my HRM-alumna instinct was like, “We’re ready to order. Call the waiter.” ‘Cause they gave us menus, so I expected that someone would be getting our orders. My bad. Haha! But Florianne and I just laughed it off and went to the counter to order. Then, in just a few minutes our orders were on the table and ready to be devoured. Famished much? Haha! So, after selfies (as usual), we dug in. We ordered their bestselling Chicken BBQ Chops with Buttered Veggies on the side, the Chicken Chop Spaghetti, and two Oreo milkshakes.


Before I go on telling you guys how the food was like, I would like to say first that the prices and portions that Chopstop has was very pang-estudyante. Students would be able to avail any offerings they have and the portions was not too little or too huge, just enough to fill a hungry tummy. But also a place for professionals or those employees ‘cause Chopstop surely was (and is) not a shabby place. Also, thank you to the Manager (or Womanager, for equality! Haha!), Maita Ambrocio, for the complimentary Fudge Brownie
Maita Ambrocio the Manager
Mugcake. Say no to God’s grace. So, now, on to the food! First, the “chops” aka the breaded chicken and pork was phenomenal. It wasn’t greasy, not too much breading, and the taste was great. I have no words for the spaghetti that was served to me, the pasta was al dente and the tomato flavour of the sauce was so vibrant especially with the presence of a little dried basil and oregano, just the right, exact spaghetti I would want to be served with. My only concern was the buttered veggies and the gravy because it turned out to be a little too salty. I even asked Florianne’s opinion to check if my tastebuds were serving me right. And I was correct, those buttered veggies and gravy could tone down a little on its saltiness. But still, I commend the chef for the perfectly cooked veggies, so firm and crunchy. And for being on the herby side on your gravy, I tasted thyme in there. While the Oreo milkshakes, two thumbs up! This milkshake gave me nostalgia, it threw me back in time, high school year to be exact, when we were chugging those cookie shakes in the cafeteria. The only difference to this Oreo milkshake from my high-school-cookie-shake was the creaminess that exploded in my mouth that sent me a sudden refreshing feel. And the Fudge Brownie Mugcake was a cherry-on-top. The chocolate cake partnered with vanilla ice cream just complimented each other all too well. The best dinner ender ever!


Mouth-watering, yeah? What’re waiting for, get up and have a feast at Chopstop. Next time, I will surely dig my teeth on those pulled pork sandwiches and nachos. And I wish that Chopstop will offer more pasta dishes, I love pasta so much! Also, I heard that they are open for franchising, hmm, sounds like a great business to open up! So, again, don’t hesitate to stop at any Chopstop near you! ^^

***Check Chopstop online, click here

Friday, June 5, 2015

Estudyante Survival Kit: A Bonus Chapter To AKEK

ESK #1: Notebook

Napakaimporte ng notebook lalo na kapag nasa grade school ka pa lungs. Kasi kapag wala kang notebook, lagot ka kay teacher. ‘Di ba mahilig magpasulat sa notebook ng napakahabang cheness sa blackboard ni teacher? Hindi mo tuloy alam kung sumasali ka ba sa pabilisan sumulat contest o estudyante ka eh. At kapag tapos na ang klase, ‘yan na si teacher at magche-check ng pinasulat niya sa notebook mo. Kapag wala kang sulat, patay ka, wala kang three stars!

Sino ba sa ‘tin ang hindi naka-experience ng napakalaking notebook para sa Science subject nung high school? I love Science, pero bakit ba kasi napakalaki ng notebook? Wasak porma eh! Kaloka ang experience ko diyan. Dahil nga napakalaki ng notebook sa Science, halos doble ng ordinary notebook mo sa ibang subjects, kailagan mo rin ng napakalaking bag. Eh mahilig ako sa sling bag eh, pero hindi ‘yun uubra dahil sa Scince notebook. Kaya dapat pang mountain hiker ang bag mo para magkasiya yung letchugas na Science notebook na ‘yan. Curse you big Science notebook!

Siguro notebook na ang pinaka-safe na gamit ng isang estudyante. Kasi hindi nahihingi, ‘di katulad ng yellow paper o intermediate pad kapag may exam na ay nandiyan na ang mga SPG (aka sobrang patay gutom) mong klasmeyts na manghihingi sa ‘yo ng papel, yung totoo, first week of classes, wala na agad papel? Kaimbyerna! Pero ang nakakaloka, ay yung mga ang kakapal talaga ng mukha na pati notebook ay wala sila, tapos makikihingi ng pilas sa notebook mo. Pa-aguinaldo na nga lang ni Mayor ang notebook mo, hihingi pa ng pilas. Wow, nipis ng mukha, super nipis! Kaya now, alam mo na ha, to survive the student life, ang una mong kailangan ay notebook… para sa teacher mong may pa-writing contest everyday at para sa mga klasmeyts mong mga chukaderang parasites!


ESK #2: Ballpen

Ang pangalawa mong kailangan sa iyong Estudyante Survival Kit ay ang ballpen. Bakit? Eh pa’no ka makakapagsulat sa pa-writing contest ng teacher mo everyday kung wala kang ballpen? Saka napaka-vital ng ballpen sa buhay estudyante kasi bigla ka na lungs mahuhusgahan, remember, kapag kunwari may nakasalubong kang estudyante sa campus at biglang nanghiram sa ‘yo ng ballpen tapos wala ka, ang sasabihin agad sa ‘yo, “Estudyante ka ba? Bakit wala kang ballpen.” Sampalin ko siya eh! Maliban sa mapanghusga sa pagiging estudyante mo, eh siya ba may ballpen? Estudyante din siya tapos wala rin siyang ballpen at sa ‘yo pa manghihiram! ‘Wag niya nga akong lokohin baka pektusan ko siya sa gums!



Remember the time na kapag nagsusulat ka sa notebook mo iba iba yung kulay ng ballpen mo, may black, blue and red. Yung red ay para sa title ng sinusulat mo, kunwari, “Reproductive System of a Male” tapos yung blue ballpen naman ay para sa mga sub-titles, katulad ng, “Penis”, “Testis”, at iba pa. Tapos yung black naman ‘yun yung para sa mga definition ng mga subs under “Reproductive System of a Male”, remember? Sorry, medyo SPG yung examples ko, wala kasi akong maisip eh. Pero naaalala mo na? Haha!

Maliban sa use ng ballpen para sa mga pinapasulat sa klase, napaka-importante ng ballpen sa Estudyante Survival Kit mo dahil mawawala at mawawala ‘yang ballpen mo. Sige nga, tell me ilang librong beses ka na nawalan ng ballpen? Kastress ‘di ba? Daming magna cum laude sa klase! Naalala ko tuloy si Partner (yung isa sa mga superfriends kong si Harilyn Baluyot), hindi dahil sa magna siya ng ballpen ha, kundi kakaloka siya na yata ang taong kilala kong obsessed sa ballpen. Ang dami niya kayang collection na ballpen, may mga design na parang chocolate, merong may mga feathers, basta ang dami! Kaya hindi siya nawawalan ng ballpen eh, ever! Siya ang supplyan ng ballpen sa klase namin dati. Ewan ko baka nineneknok niya din yata yung mga ballpen niya sa ibang tao, CHOS! Haha! Kaya ang payo ko, ‘wag ka ng bumili ng Parker, G-Tech, o ang favorite kong Pilot Frixion na puwede mong burahin yung sulat mo, ‘wag na yung mamahalin. Ang bilhin mo na lang ay yung tigpa-five pesos, puwede yung HBW o kaya Panda kasi mawawala at mawawala din ‘yang ballpen mo kahit na ga’no ka pa ka ingat. Promise!


ESK #3: Chichirya

Tomi, Rinbee, Peewee, Lala Chocolate, Sampaloc Balls na lasang ipis daw, akala mo nakakain na ng ipis. Remember? ‘Yan ang mga chicha (and more) na hinding-hindi mawawala sa isang buhay ng estudyante. Lahat naman yata ay naka-experience ng food basket nung elementary, right? Yung papasok yung sipsip na klasmeyts mo na inutusan ni teacher na may dala-dala ng food basket. Once na rin akong napagutusang kunin yung food basket eh, ‘lam mo na! Haha! Tapos lahat ay pipila para bumili ng kung ano anong chichirya at minsan naman, dati sa ‘min tuwing Lunes, ay may tindang sopas. Tapos meron pa sa ‘ming nagiikot na ale na nagbebenta ng kung ano anong kendi. Pinapakyaw ko lagi yung tinda ni ateng Haw Haw eh saka Mikmik. Mmm, sarap!

Masaya pa nung kinder at elementary kasi may sari-sariling lunch box lahat eh, may baong Zest-O at Pretzels yung iba naman ay Chocolait at chicken sandwich na gawa ni nanay. Pero nung nag-high school at college na, nakaw, talamak na ang mga parasites! Tipong kapag nagdala ka ng Chippy sa klase, habang palakad ka sa upuan mo, lahat ng mata ay nakatitig sa ‘yo. Instant celebrity ka! Tapos kapag binuksan mo na yung Chippy, pagkakaguluhan ka, lahat manghihingi sa ‘yo. Yung mga kaibigan mo, wala na ngang paalam eh, dudutdut na agad agad. Pati yung mga kaaway mo biglang magiging mabait sa ‘yo para makahingi lang ng Chippy.

Meron nga akong kadiring klasmeyt nung high school eh, kapag nanghihingi sa ‘kin yun, wala na talagang nakahihingi pang iba. Katulad nung nanghingi siya sa ‘kin nung iniinom kong sago’t gulaman, siyempre mabait ako at tinirhan ko siya tapos pagbigay ko sa kanya yung isa niyang tropa gustong makiinom, ang ginawa niya dinuraan niya yung sago’t gulaman para hindi na makahingi yung tropa niya. Kadiri talaga! Pero totoong nangyari ‘yan, hindi ko na lang sasabihin kung sino. Pero naloka talaga ako sa kanya. Durara?

Do you now know kung bakit mo kailangan ang chitchirya sa iyong ESK? Well, first, para pantawid gutom. Second, para magkaroon ka ng maraming kaibigan. Remember, one chichirya a day makes you popular for the entire school year.


ESK #4: Pera

Pera, pera, pera. ‘Yan na yata ang pinaka-importante sa buhay ng isang estudyante. Kasi nothing is free in this world, kahit nga pagibig binibili na, CHOS! Hugot much? Haha! But really, wala ng libre sa mundo. Eh first day of school pa lang nga dapat may dala ka ng kayamanan eh kasi meron at meron diyang isa sa mga subjects mo na magre-require na bumili ng floor wax at basahan. Once nga eh, pagkita ko sa faculty room may isang cabinet dun na dedicated sa pagkolekta ng floor wax at basahan. Naloka ako para akong nasa museum ng iba’t ibang kulay ng bilog na basahan at sankatutak na floor wax na iba’t iba ang brand. Kaya you need money kasi ano ipapambili mo ng floor wax at basahan kung wala kang pera?

Naalala mo meron kang subject na hindi ka papapasukin kung wala kang suot na footrag. Lecheng footrag ‘yan, lagi akong hindi pinapapasok sa klase kasi kung hindi nawala ko yung footrag ko, naiwan ko naman sa bahay. Kaya ‘yun napapagastos ako lagi sa pagbili ng footrag na ‘yan! Footragis! ‘Kala mo naman gawa sa ginto yung classroom at bawal marumihan yung sahig. Excuse me po, bago po yung shoes ko! Rusty Lopez ang tatak niyan, CHOS!

Magkano ba ang baon mo nung nag-aaral ka pa? Ako, nung Kinder wala eh kasi naka-lunch box kami. Pagandahan kaya ng lunch box noon! Tapos nung Elementary na alam ko sampu na yung baon ko nun eh, pero may baon pa rin ako sa lunch box ko. Nung naging grade 5 na ako naging bente na baon ko. Tapos nung High School na ay naging Php 50 na. Nung tumungtong na ako ng College naging Php 80 na baon ko kasi malapit lang school ko eh withing Manila lang. At nung nag-aral na ako ng Caregiving, naging isang daan na baon ko kasi sa Anonas, Cubao na yung school ko eh. At nung bumalik ako sa College, nag-aral na ako sa Marikina, so, mas malayo na kaya naging Php 150 na baon ko. Gusto ko nga dapat sa Mindanao mag-aral eh, para mas malayo baka Php 1000 a day na baon ko nun. CHOS! Ikaw magkano baon mo?

Ang ESK #4 na pera ay ang napaka-importante sa lahat dahil kung wala kang allowance, wala kang pang gastos. Paano na lang kung biglang nag-aya yung mga friends mo na mag-mall after class tapos wala kang perang dala? Ano papalibre ka na lang? Baka hindi ka na nila isama sa susunod. But, please take note of this, ‘wag na ‘wag magpupunta ng mall kapag school hours ha. ‘Wag magkaka-cutting para lang mag-gala sa mall. Puwede naman basta after class, again, AFTER CLASS. Okay? Hindi during class hours. Nakaw, ‘pag ikaw na huli ko mismo pepektusan kita sa ngala-ngala. Remember ang hirap na dinaranas ng mga magulang mo magkapagaral ka lang, isipin mo mga sakripisyo nila makapagaral ka lang, tapos mag-gagala ka lang sa mall! ‘Yoko nang magdrama dito, nagmumukha na akong nanay. Haha! Basta remember, ang binigay sa’yo ng magulang mong pera has to be spent wisely. Spend every peso wisely. Magagalit si Rizal.`


ESK #5: Kikay/Totoy Kit

Kikay at Totoy Kit ang panglima sa listahan natin ng ESK. Let me describe muna ano ano ba dapat ang laman ng isang Kikay at Totoy Kit. For Kikay Kit, kung High School student ka pa lang, okay na ang may pulbos, lip gloss, at blush-on. Pero kung kolehiyala ka na, dapat mag-upgrade ka na, magdagdag ka na ng foundation cake, eyeliner, mascara, lipstick, at concealer. For Totoy Kit, mapa-High School o kolehiyo, dapat meron kang hair comb, pulbos, at hair wax, ‘wag na gel ha at lalo na yung pomado, jusko ‘dong, pang-lolo na ‘yun. Haha! Note to readers, kung grade schooler ka pa lang, ‘wag ka ng mangarap magka-Kikay at Totoy Kit at baka bigyan kita ng hame-hame wave! Okay na yung pa-cute muna kapag elementary, pa-tweetums. Focus muna kayo sa ten-twenty at Chinese garter, okay kids?

So, what for ang Kikay/Totoy Kit? Para kay crush! Ayyiiieeee! CHOS! Well, half-meant, oo, siyempre sino ba ang gustong makita ni crush na gulo gulo yung buhok at putlang putla na parang lumaklak ng isang boteng suka? Wala. Kaya pang-SOS ‘yang Kikay/Totoy Kit, para ‘pag biglang dadaan si crush ay may pang-retouch. Malay mo mas mainlove pa sa ‘yo si crush. ‘Di ba? Some may say, na para lang pala sa paglandi ang Kikay/Totoy Kit. Na-ah! Because above all, ang Kikay/Totoy Kit will be your guiding tool to look presentable to people (not just to your crush). Haggard ka na nga sa pagaaral, haggard pa rin mukha mo. Siyempre dapat laging mukhang fresh. Sino bang gustong pumasok na mukhang bilasa, aber? Lalo na ngayong nasa High School at College na kayo, dapat mas alam niyo nang alagaan ang inyong sarili, alam niyo na kung pa’no mas palabasin ang inyong tunay na ganda at kapogian. Hindi yung college ka na, dugyutin ka pa.

Noong nasa fourth year college na kami, I remembered we were browsing our photos nung first year, grabe, we were all shocked at how we really transformed from ugly ducklings to beautiful swans. We often call those “dark times” as our “nene days”, yung tipong mga choices of clothes namin ay kachakahan pa, at yung mga itsura naming parang mga nabugahan ng tambutso. Sobra kaming tawanan lagi, reliving those memories, and also thankful that we chose that path of changing, of carrying one of those Kikay/Totoy Kits. More importantly, kaya na sa list ng Estudyante Survival Kit ang Kikay/Totoy Kit because if you like how you look, you will feel good, and if you feel good you will gain confidence. ‘Yun ang lagi kong sinasabi sa mga taong tinatanong ang beauty secret ko, confidence. Sobrang taas kasi ng confidence level ko and it continued to go higher every time I feel good on how I look. Confidence is key to a lot of successes in my life.


ESK #6: Chalk

Actually hindi naman required and chalk sa Estudyante Survival Kit eh, pero I still wrote it here kasi alam ko kakailanganin mo din ito somdeday, lalo na yung mga girls. Well, chalk can be used to a bunch of things din kasi. Puwede mo kasing gamitin ang chalk sa pagpapa-impress mo sa teacher mo. Meron kasing mga teachers na papasok ng classroom ng wala lang mang dalang chalk. Eh, instead na mag-utos sila sa isa sa mga inyo na kumuha sa faculty room o manghingi sa kapitbahay na classroom, puwedeng puwede kang mag-share ng chalk kay ma’am. Panigurado ako, ikaw na agad ang favorite student niya. Teacher’s pet ka na agad agad! Malamang 95% na grade mo niyan kay ma’am. Haha! Kaya magdala ka na ng isang box ng chalk dahil sigurado ako lagi ng manghihingi sa ‘yo si ma’am.

Kaya ko naman nasabi na kailangan lalo ng girls ang chalk ay dahil naka-experience na ako na in need talaga ang mga girls sa chalk. Noong high school pa ako, makikita mo yung girls sa restroom na nagkakandarapa, meron pa nga sa ‘king nanghingi ng chalk eh, na bigyan ko naman from the nearest classroom, kaya pala nila need ng chalk ay kapag nagka-red sea sila tapos yung palda nila ay natagusan. Ouch, bloody Mary! Kaya ang ginagawa nila ay pinapatatungan nila ng chalk yung cheness sa palda nila. Aminin niyo na girls, kung hindi dahil sa chalk hindi kayo mabubuhay kapag unexpectedly ay red season pala. Lakas maka-SOS ng chalk, ‘di ba?

May ise-share ako na experience ko sa chalk na ‘yan. Alam niyo bang dahil sa chalk na ‘yan ay napa-guidance office ako. Adik kasi yung isa kong friend, paglabas nung English teacher namin, nag-drawing siya sa blackboard gamit ang chalk, yung drawing niya ay isang malaking ulo na parang yung sa commercial ng Eggnog dati tapos nilagyan niya ng eyeglasses tapos may fill in the blanks sa ilalim, may five lines corresponding sa kung sino ba yung bida sa drawing niya. Then, he asked me na sagutan daw. Eh may nilagay na siya na first and last letters, so, three letters na lang huhulaan, ako namang gullible sinagutan ko naman yung fill in the blanks at nilagay yung name nung isa naming classmate na mukha naman talagang eggnog. Haha! Tapos nung nakita ‘yun ni eggnog, grabe galit na galit siya at nagsimula na ang tunay na Fight of the Century… Tuna! Haha! Sinapak niya ako at pinagtatadyakan pero inawat siya agad ng mga classmates namin, kaya nakaganti ako agad, habang hawak hawak siya ng boys namin sa klase, nilabas ko ang mga kuko ko na malla-Catwoman at pinagkakalmot siya sa mukha, sa braso, at grabe dumanak talaga ang dugo. Tapos hinagisan niya ako ng eraser, pero hindi ako natamaan, dinampot ko yung eraser at hinagis ko sa kanya. Pak, sapul sa duguan niyang mukha. Puro siya chalk dust sa mukha. Tuwang tuwa ang lahat, they were all cheering for me. Siguro kasi feeling nila napaghiganti ko na silang lahat. Most unwanted kasi sa klase yung nakaaway ko eh. Grabe yung sigawan nila, I could hear it so loudly. Lalo na yung nagpauso nung drawing sa blackboard, leche, tuwang tuwa! Hayop! Siya may kasalanan ng lahat ng ‘yun eh. Haha! Tapos ‘yun dumating yung Filipino teacher namin and we were sent to the guidance office. Moral of the story, ‘wag magpapauto sa classmate na may kunwari pa-Q&A portion alla Ms. Universe for you, kasi magiging UFC ang ending. Duguan. Ouch.

Again, ang chalk ay puwedeng gamitin ng boys and girls para maging close ang teacher pero ‘wag kang aabot na magiging sipsip na ha, kasi kaiinisan ka ng lahat. Madami akong straw na classmates dati eh, nakakabadtrip. Okay na yung medyo dikit lungs kay ma’am. At puwde rin gamitin ang chalk ng girls kapag nagka-gera at dumanak ang dugo, okay? O kapag totoong dumanak na ang dugo katulad ng nangyari sa ‘kin. Adios!


ESK #7: Bubble Gum

Madaming gamit ang bubble gum kaya naman nasa #7 list siya ng ating ESK. Puwede mong gamitin sa kasamaan o kabutihan ang bubble gum. Ready? Well, for instance, ang boring boring ng teacher mo, kung ano ano yung dinadada sa harap ng klase, maganda na ngumuya ka ng bubble gum para naman pantawid boredom. ‘Wag ka lang papahuli kasi baka palabasin ka ng klase o sabihan kang kambing.

Isa pa sa mga gamit ng bubble gum ay kapag ngumanga na ang sapatos na bili sa ‘yo ni nanay galing sa Divisoria. You can chew a gum at kapag wala ng lasa ito puwede mo na itong gamitin na pandikit sa sapatos mong chismosa, dada ng dada! Also, kung may nangbu-bully sa ‘yo sa school at ayaw kang tigilan, ilagay mo sa upuan niya yung bubble gum para dumikit sa puwet niya. Tignan ko lang kung hindi siya tumigil sa pambu-bully. Ang hirap pa namang tangalin ng gum sa uniform. Gagamit pa ng gas at kung ano ano. Maloloka si nanay. Pero mas nakakaloka naman yung gum na dumikit sa buhok. Grabe, dati yung pasaway naming classmate nilagyan ng bubble gum yung buhok ng isa pa naming classmate. Kawawa naman yung batang babae, ang haba-haba pa naman ng buhok niya tapos kinabukasan kalbo na siyang pumasok. Kasi yung walanghiyang pasaway na yun ay sa anit pala nilagay yung bubble gum. Kawawa talaga yung bata. Buti na lang hindi ako long hair nung bata. Haha!

You could use a bubble gum in so many ways. Think of any. Sky is the limit. Kaya ‘wag na ‘wag kakalimutan ang magdala ng bubble gum ha. Kahit anong brand, kahit na Doublemint, Juicy Fruit, iCool, o ang favorite kong Judge.


ESK #8: Liquid Eraser

Importante din sa ‘ting mga estudyante ang liquid paper dahil tao rin naman tayo, nagkakamali. Hugot! Pero totoo naman eh, katulad na lang habang nagsusulat ka, biglang may wrong spelling pala, o kaya naman habang nag-e-exam, imbis na B ay C ang nalagay mo. Eh di masaya at maitatama mo pa ang iyong mali kung meron ka ng mahiwagang liquid paper o liquid eraser. Kahit pa na Pilot Frixion ang gamit mo, you still need to have a liquid eraser with you. Why? Kasi nakakaloka ‘yang Pilot Frixion, nung nasa second year college na ako at tinignan ko yung notes ko nung first year, nawindang ako kasi wala ng nakasulat sa notebook ko. Kusang nabubura kasi yung sulat ng Pilot Frixion pagdating ng panahon. Well, my good effect din naman, dahil burado na nga lahat ng ni-lecture namin sa notebook ko, eh di puwede ko na yung sulatan ng new notes ko. Nagkaroon pa ako ng instant notebook! Bagong bago. Haha!

Naalala ko nung high school student pa ako, habang nagpe-periodical exam kami, yung katabi ko kalabit ng kalabit sa ‘kin, tanong ng tanong kung anong sagot sa number 37 tapos sa number 26 tapos sa Test 2 daw. Kaloka! Eh di sana ako na lang sumagot ng test paper niya, lahat na yata ng number ay tinanong niya eh, stressful! Dahil imbyerna na ako, habang nagbubura ako ng answer ko using liquid eraser, nung bigla niya ulit akong kinalabit, hala, nawasiwas ko yung liquid eraser sa mukha niya. Grabe talaga yung inis ko that day, if you could just see his face, para siyang naging miyembro ng 101 Dalmatians, pero yung sa kanya imbis na batik-batik, linya-linya yung sa mukha niya. Bigla siyang napatayo eh at umambang sasapukin ako. Sorry, to the rescue si ma’am. At siyempre sinumbong ko ang pangongopya niyang hayop siya! Siya na nga nangongopya, sasapukin niya ang beautiful face ko, CHOS! Pero okay na naman kami. Nabura na ang galit namin sa isa’t isa ng liquid eraser.

Now, I don’t want you to carry some liquid eraser and treat it as a weapon ha. Please don’t! Nabigla lungs talaga ako kaya na buhos ko sa mukha nung kumukopya sa ‘kin yung liquid paper. ‘Wag niyo kong tularan sa larangang iyon, pawang propesyonal lamang ang nakakagawa ng gano’n. Charaught! But seriously, use the liquid eraser properly. Tandaan, hindi lahat ng bagay ay kayang burahin at hindi lahat ng nabura ay kaya pang-ibalik. Hugot much na naman! Haha!


ESK #9: Pamaypay

Siguro ang ESK #9 na ang pangalawa sa pinaka-importante sa lahat ng nasa listahang ito lalo na kung sa public school ka nag-aaral. Yung tipong walang mga electric fan sa classroom, kung meron man, kung hindi sira ay iisa lang. Tapos yung mga bintana niyo pa sa classroom ay yung mga kinakalawang na yung windowpane kaya hindi mabuksan for fresh air man lang. Hay, ganyan talaga ang buhay public school, tiis-ganda to the nth power!

Kaya napaka-importanteng may pamaypay ka sa loob ng klase eh lalo na ‘pag panghapon ka, kasi kapag nag-ala una na hanggang alas tres ‘yan na ang extension ng impyerno. Naku, grabe ang init! Para kayong nasa oven toaster. Kaya heto ka na ilalabas na ang iyong pamaypay at magbibigay ng hangin sa iyong sarili at sa mga katabi. Pero siguro yung pamaypay as pantawid init would be the least that it could do. Yung pamaypay kasi namin dati ay lalagyan ng names ng tropa dun sa ridges nito o sa kawayan na parte, may mga nakalagay na “Tropang Kagak” tapos kung ano anong design kasama ang name like, “:_Jahric_: <3”. Don’t tell me walang mga names ang pamaypay niyo ha. Kasi ako lahat ng naging pamaypay ko pati na pamaypay ng mga kaibigan ko ay nilagyan namin ng mga pangalan namin dun sa kawayan na part.

There’s also this story that I would share to you, pero please don’t do it! Yung professor ko kasi sa major subject ko sa HRM dati ay may nahuli daw na estudyante na nagkokodigo habang nagpapa-test siya. Pero hindi sa extra paper, sa legs, o sa panyo nakasulat ang kodigo kundi sa pamaypay daw. ‘Yun pinunit niya yung papel at hindi na pinakuha ng test. Bokya agad siya sa test. Again, ‘wag tularan! Kaya sinabi ko sa inyo na ‘wag itong gawin dahil hindi naman effective eh. Gagawa ng kodigo sa pamaypay? Shunga! Mabilis mahuli ‘yun, dapat ang ginawa niya… hep, hep! Just kidding, masama mangodigo at mangopya! Ang dapat ginawa niya talaga ay nag-aral ng mabuti, nakinig nung tinuro yung lessons, at nag-review para ma-refresh yung utak niya.

Now, you know what’s the real use of pamaypay ha, para sa hot weathers, para i-vandalize ng tropa to embed memories together, at hindi para sa pangogodigo (kasi hindi effective). Haha! God is watching us from a distance. Makonsensiya ka!


ESK #10: AKEK Book

Eto na yata ang pinaka sa pinaka importanteng kailangan para sa iyong Estudyante Survival Kit. Hindi dahil book ko ito at gusto kong madaming makabili at makabasa para maging bestseller book ito (well, medyo. Haha!) pero dahil totoong ito ang magiging gabay mo para maka-survive ka sa buhay estudyante. Bakit? Itong libro kong AKEK ay punong puno ng mga essays at memoirs ko bilang isang estudyante at alam ko na lahat ng naging experiences ko ay magagamit mo sa buhay estudyante mo. You will be able to read on this book, my ups and downs ng buhay estudyante, pati mga what-to-expect sa first day of school at pati na rin ang mga klase ng estudyante na puwede mong ma-encounter. Alam ko na ang karamihan sa mga nagbasa ng AKEK ay pinagdaanan din ang mga napagdaan ko kaya naman super relate sila dito kaya alam kong makabubuti sa ‘yo ang pagbabasa ng AKEK.

Bakit ko nga ba sinulat ang AKEK? Simply because I want to share my fun-learning experiences as a student. I want to inspire people to become better students yet to enjoy the student life! Hindi naman mahirap i-balance ang pag-aaral at pag-e-enjoy eh. Actually it’s better nga if you enjoy pag-aaral eh. School is cool! You just have to know what interests you, what your heart desires. Dahil meron at meron kang magiging favorite subject kung hindi man baka favorite teacher o kaya naman favorite tropa na hihilain kang mag-aral. I don’t want you to be a perfect student, because I always believe that there’s nothing perfect in this world. No one’s perfect, except Him. Just enjoy it! It’s okay to make mistakes as long as you learn from it. Now, I want you to spread your wings and prepare to fly now that you know the Estudyante Survival Kit. Study hard but have fun!


Saturday, December 13, 2014

8 Facts About 'Anong Klaseng Estudyante Ka?'

Here are 8 Facts about AKEK:

1. AKEK recounts Jahric Lago's funny experiences when he was in elementary, high school & in college.


The actual photo from Jahric Lago's college sophomore class. 

2. AKEK was self-published in 2013. Here’s the Bob Ong-inspired cover back then.


The old cover of AKEK.

3. The author's inspiration for AKEK was a book named 'Ruminations on College Life' by the bestselling author, Aaron Karo.



4. Excerpts of AKEK was published on the University school paper of Pamantasan ng Lungsod ng Marikina named Valley Voice.


CPAIPS-Valley Voice is where Jahric Lago became an Editor-in-Chief .

5. AKEK is the author's first Filipino-written book and the third to be self-published in his catalog following Dreamland and Giovanni Bactol Jr.


The photo to be used on the 'About The Author' of AKEK.

6. AKEK is the author's most read work on Wattpad. For the record, it gained: 605, 116 reads and expected to reach a million in early 2015.



7. AKEK's planned sequel is already being written titled 'Anong Klaseng Empleyado Ka?'



The first three chapters of AKEK's sequel will be published on December 25 only at Jahric Lago's Wattpad. For now, you can read the "Panimula" of 'Anong Klaseng Empleyado Ka?' here!

8. AKEK will soon be published under PSICOM Publishing Inc. and will be available nationwide.



'Anong Klaseng Estudyante Ka?' will be published next year, 2015. Watch out for it! For now, you can read AKEK free on Wattpad.





SBD Challenge Day #2: Better Than Yesterday

Your first day on South Beach Diet is the hardest! Pero after 2-3 days you’ll feel better with the program. Like today, I feel better. Hind...