ESK
#1: Notebook
Napakaimporte ng notebook lalo na kapag nasa grade school
ka pa lungs. Kasi kapag wala kang notebook, lagot ka kay teacher. ‘Di ba
mahilig magpasulat sa notebook ng napakahabang cheness sa blackboard ni
teacher? Hindi mo tuloy alam kung sumasali ka ba sa pabilisan sumulat contest o
estudyante ka eh. At kapag tapos na ang klase, ‘yan na si teacher at
magche-check ng pinasulat niya sa notebook mo. Kapag wala kang sulat, patay ka,
wala kang three stars!
Sino ba sa ‘tin ang hindi naka-experience ng napakalaking
notebook para sa Science subject nung high school? I love Science, pero bakit
ba kasi napakalaki ng notebook? Wasak porma eh! Kaloka ang experience ko diyan.
Dahil nga napakalaki ng notebook sa Science, halos doble ng ordinary notebook mo
sa ibang subjects, kailagan mo rin ng napakalaking bag. Eh mahilig ako sa sling
bag eh, pero hindi ‘yun uubra dahil sa Scince notebook. Kaya dapat pang
mountain hiker ang bag mo para magkasiya yung letchugas na Science notebook na
‘yan. Curse you big Science notebook!
Siguro notebook na ang pinaka-safe na gamit ng isang
estudyante. Kasi hindi nahihingi, ‘di katulad ng yellow paper o intermediate
pad kapag may exam na ay nandiyan na ang mga SPG (aka sobrang patay gutom) mong
klasmeyts na manghihingi sa ‘yo ng papel, yung totoo, first week of classes,
wala na agad papel? Kaimbyerna! Pero ang nakakaloka, ay yung mga ang kakapal
talaga ng mukha na pati notebook ay wala sila, tapos makikihingi ng pilas sa
notebook mo. Pa-aguinaldo na nga lang ni Mayor ang notebook mo, hihingi pa ng
pilas. Wow, nipis ng mukha, super nipis! Kaya now, alam mo na ha, to survive
the student life, ang una mong kailangan ay notebook… para sa teacher mong may
pa-writing contest everyday at para sa mga klasmeyts mong mga chukaderang
parasites!
ESK
#2: Ballpen
Remember the time na kapag nagsusulat ka sa notebook mo iba
iba yung kulay ng ballpen mo, may black, blue and red. Yung red ay para sa
title ng sinusulat mo, kunwari, “Reproductive System of a Male” tapos yung blue
ballpen naman ay para sa mga sub-titles, katulad ng, “Penis”, “Testis”, at iba
pa. Tapos yung black naman ‘yun yung para sa mga definition ng mga subs under
“Reproductive System of a Male”, remember? Sorry, medyo SPG yung examples ko,
wala kasi akong maisip eh. Pero naaalala mo na? Haha!
Maliban sa use ng ballpen para sa mga pinapasulat sa klase,
napaka-importante ng ballpen sa Estudyante Survival Kit mo dahil mawawala at
mawawala ‘yang ballpen mo. Sige nga, tell me ilang librong beses ka na nawalan
ng ballpen? Kastress ‘di ba? Daming magna cum laude sa klase! Naalala ko tuloy
si Partner (yung isa sa mga superfriends kong si Harilyn Baluyot), hindi dahil sa
magna siya ng ballpen ha, kundi kakaloka siya na yata ang taong kilala kong
obsessed sa ballpen. Ang dami niya kayang collection na ballpen, may mga design
na parang chocolate, merong may mga feathers, basta ang dami! Kaya hindi siya
nawawalan ng ballpen eh, ever! Siya ang supplyan ng ballpen sa klase namin
dati. Ewan ko baka nineneknok niya din yata yung mga ballpen niya sa ibang tao,
CHOS! Haha! Kaya ang payo ko, ‘wag ka ng bumili ng Parker, G-Tech, o ang
favorite kong Pilot Frixion na puwede mong burahin yung sulat mo, ‘wag na yung
mamahalin. Ang bilhin mo na lang ay yung tigpa-five pesos, puwede yung HBW o
kaya Panda kasi mawawala at mawawala din ‘yang ballpen mo kahit na ga’no ka pa
ka ingat. Promise!
ESK
#3: Chichirya
Tomi, Rinbee, Peewee, Lala Chocolate, Sampaloc Balls na
lasang ipis daw, akala mo nakakain na ng ipis. Remember? ‘Yan ang mga chicha
(and more) na hinding-hindi mawawala sa isang buhay ng estudyante. Lahat naman
yata ay naka-experience ng food basket nung elementary, right? Yung papasok
yung sipsip na klasmeyts mo na inutusan ni teacher na may dala-dala ng food
basket. Once na rin akong napagutusang kunin yung food basket eh, ‘lam mo na!
Haha! Tapos lahat ay pipila para bumili ng kung ano anong chichirya at minsan
naman, dati sa ‘min tuwing Lunes, ay may tindang sopas. Tapos meron pa sa ‘ming
nagiikot na ale na nagbebenta ng kung ano anong kendi. Pinapakyaw ko lagi yung
tinda ni ateng Haw Haw eh saka Mikmik. Mmm, sarap!
Masaya pa nung kinder at elementary kasi may sari-sariling
lunch box lahat eh, may baong Zest-O at Pretzels yung iba naman ay Chocolait at
chicken sandwich na gawa ni nanay. Pero nung nag-high school at college na,
nakaw, talamak na ang mga parasites! Tipong kapag nagdala ka ng Chippy sa
klase, habang palakad ka sa upuan mo, lahat ng mata ay nakatitig sa ‘yo.
Instant celebrity ka! Tapos kapag binuksan mo na yung Chippy, pagkakaguluhan
ka, lahat manghihingi sa ‘yo. Yung mga kaibigan mo, wala na ngang paalam eh,
dudutdut na agad agad. Pati yung mga kaaway mo biglang magiging mabait sa ‘yo
para makahingi lang ng Chippy.
Meron nga akong kadiring klasmeyt nung high school eh,
kapag nanghihingi sa ‘kin yun, wala na talagang nakahihingi pang iba. Katulad
nung nanghingi siya sa ‘kin nung iniinom kong sago’t gulaman, siyempre mabait
ako at tinirhan ko siya tapos pagbigay ko sa kanya yung isa niyang tropa
gustong makiinom, ang ginawa niya dinuraan niya yung sago’t gulaman para hindi
na makahingi yung tropa niya. Kadiri talaga! Pero totoong nangyari ‘yan, hindi
ko na lang sasabihin kung sino. Pero naloka talaga ako sa kanya. Durara?
Do you now know kung bakit mo kailangan ang chitchirya sa
iyong ESK? Well, first, para pantawid gutom. Second, para magkaroon ka ng
maraming kaibigan. Remember, one chichirya a day makes you popular for the
entire school year.
ESK
#4: Pera
Pera, pera, pera. ‘Yan na yata ang pinaka-importante sa
buhay ng isang estudyante. Kasi nothing is free in this world, kahit nga
pagibig binibili na, CHOS! Hugot much? Haha! But really, wala ng libre sa
mundo. Eh first day of school pa lang nga dapat may dala ka ng kayamanan eh
kasi meron at meron diyang isa sa mga subjects mo na magre-require na bumili ng
floor wax at basahan. Once nga eh, pagkita ko sa faculty room may isang cabinet
dun na dedicated sa pagkolekta ng floor wax at basahan. Naloka ako para akong
nasa museum ng iba’t ibang kulay ng bilog na basahan at sankatutak na floor wax
na iba’t iba ang brand. Kaya you need money kasi ano ipapambili mo ng floor wax
at basahan kung wala kang pera?
Naalala mo meron kang subject na hindi ka papapasukin kung
wala kang suot na footrag. Lecheng footrag ‘yan, lagi akong hindi pinapapasok
sa klase kasi kung hindi nawala ko yung footrag ko, naiwan ko naman sa bahay.
Kaya ‘yun napapagastos ako lagi sa pagbili ng footrag na ‘yan! Footragis! ‘Kala
mo naman gawa sa ginto yung classroom at bawal marumihan yung sahig. Excuse me
po, bago po yung shoes ko! Rusty Lopez ang tatak niyan, CHOS!
Magkano ba ang baon mo nung nag-aaral ka pa? Ako, nung
Kinder wala eh kasi naka-lunch box kami. Pagandahan kaya ng lunch box noon! Tapos
nung Elementary na alam ko sampu na yung baon ko nun eh, pero may baon pa rin
ako sa lunch box ko. Nung naging grade 5 na ako naging bente na baon ko. Tapos
nung High School na ay naging Php 50 na. Nung tumungtong na ako ng College
naging Php 80 na baon ko kasi malapit lang school ko eh withing Manila lang. At
nung nag-aral na ako ng Caregiving, naging isang daan na baon ko kasi sa
Anonas, Cubao na yung school ko eh. At nung bumalik ako sa College, nag-aral na
ako sa Marikina, so, mas malayo na kaya naging Php 150 na baon ko. Gusto ko nga
dapat sa Mindanao mag-aral eh, para mas malayo baka Php 1000 a day na baon ko
nun. CHOS! Ikaw magkano baon mo?
Ang ESK #4 na pera ay ang napaka-importante sa lahat dahil
kung wala kang allowance, wala kang pang gastos. Paano na lang kung biglang
nag-aya yung mga friends mo na mag-mall after class tapos wala kang perang
dala? Ano papalibre ka na lang? Baka hindi ka na nila isama sa susunod. But,
please take note of this, ‘wag na ‘wag magpupunta ng mall kapag school hours
ha. ‘Wag magkaka-cutting para lang mag-gala sa mall. Puwede naman basta after
class, again, AFTER CLASS. Okay? Hindi during class hours. Nakaw, ‘pag ikaw na
huli ko mismo pepektusan kita sa ngala-ngala. Remember ang hirap na dinaranas ng
mga magulang mo magkapagaral ka lang, isipin mo mga sakripisyo nila makapagaral
ka lang, tapos mag-gagala ka lang sa mall! ‘Yoko nang magdrama dito, nagmumukha
na akong nanay. Haha! Basta remember, ang binigay sa’yo ng magulang mong pera
has to be spent wisely. Spend every peso wisely. Magagalit si Rizal.`
ESK
#5: Kikay/Totoy Kit
Kikay at Totoy Kit ang panglima sa listahan natin ng ESK.
Let me describe muna ano ano ba dapat ang laman ng isang Kikay at Totoy Kit.
For Kikay Kit, kung High School student ka pa lang, okay na ang may pulbos, lip
gloss, at blush-on. Pero kung kolehiyala ka na, dapat mag-upgrade ka na,
magdagdag ka na ng foundation cake, eyeliner, mascara, lipstick, at concealer.
For Totoy Kit, mapa-High School o kolehiyo, dapat meron kang hair comb, pulbos,
at hair wax, ‘wag na gel ha at lalo na yung pomado, jusko ‘dong, pang-lolo na
‘yun. Haha! Note to readers, kung grade schooler ka pa lang, ‘wag ka ng
mangarap magka-Kikay at Totoy Kit at baka bigyan kita ng hame-hame wave! Okay
na yung pa-cute muna kapag elementary, pa-tweetums. Focus muna kayo sa
ten-twenty at Chinese garter, okay kids?
So, what for ang Kikay/Totoy Kit? Para kay crush!
Ayyiiieeee! CHOS! Well, half-meant, oo, siyempre sino ba ang gustong makita ni
crush na gulo gulo yung buhok at putlang putla na parang lumaklak ng isang
boteng suka? Wala. Kaya pang-SOS ‘yang Kikay/Totoy Kit, para ‘pag biglang
dadaan si crush ay may pang-retouch. Malay mo mas mainlove pa sa ‘yo si crush.
‘Di ba? Some may say, na para lang pala sa paglandi ang Kikay/Totoy Kit. Na-ah!
Because above all, ang Kikay/Totoy Kit will be your guiding tool to look
presentable to people (not just to your crush). Haggard ka na nga sa pagaaral,
haggard pa rin mukha mo. Siyempre dapat laging mukhang fresh. Sino bang gustong
pumasok na mukhang bilasa, aber? Lalo na ngayong nasa High School at College na
kayo, dapat mas alam niyo nang alagaan ang inyong sarili, alam niyo na kung
pa’no mas palabasin ang inyong tunay na ganda at kapogian. Hindi yung college
ka na, dugyutin ka pa.
Noong nasa fourth year college na kami, I remembered we
were browsing our photos nung first year, grabe, we were all shocked at how we
really transformed from ugly ducklings to beautiful swans. We often call those
“dark times” as our “nene days”, yung tipong mga choices of clothes namin ay
kachakahan pa, at yung mga itsura naming parang mga nabugahan ng tambutso.
Sobra kaming tawanan lagi, reliving those memories, and also thankful that we
chose that path of changing, of carrying one of those Kikay/Totoy Kits. More
importantly, kaya na sa list ng Estudyante Survival Kit ang Kikay/Totoy Kit
because if you like how you look, you will feel good, and if you feel good you
will gain confidence. ‘Yun ang lagi kong sinasabi sa mga taong tinatanong ang
beauty secret ko, confidence. Sobrang taas kasi ng confidence level ko and it
continued to go higher every time I feel good on how I look. Confidence is key
to a lot of successes in my life.
ESK
#6: Chalk
Actually hindi naman required and chalk sa Estudyante
Survival Kit eh, pero I still wrote it here kasi alam ko kakailanganin mo din
ito somdeday, lalo na yung mga girls. Well, chalk can be used to a bunch of
things din kasi. Puwede mo kasing gamitin ang chalk sa pagpapa-impress mo sa
teacher mo. Meron kasing mga teachers na papasok ng classroom ng wala lang mang
dalang chalk. Eh, instead na mag-utos sila sa isa sa mga inyo na kumuha sa
faculty room o manghingi sa kapitbahay na classroom, puwedeng puwede kang
mag-share ng chalk kay ma’am. Panigurado ako, ikaw na agad ang favorite student
niya. Teacher’s pet ka na agad agad! Malamang 95% na grade mo niyan kay ma’am.
Haha! Kaya magdala ka na ng isang box ng chalk dahil sigurado ako lagi ng
manghihingi sa ‘yo si ma’am.
Kaya ko naman nasabi na kailangan lalo ng girls ang chalk ay
dahil naka-experience na ako na in need talaga ang mga girls sa chalk. Noong
high school pa ako, makikita mo yung girls sa restroom na nagkakandarapa, meron
pa nga sa ‘king nanghingi ng chalk eh, na bigyan ko naman from the nearest
classroom, kaya pala nila need ng chalk ay kapag nagka-red sea sila tapos yung
palda nila ay natagusan. Ouch, bloody Mary! Kaya ang ginagawa nila ay
pinapatatungan nila ng chalk yung cheness sa palda nila. Aminin niyo na girls,
kung hindi dahil sa chalk hindi kayo mabubuhay kapag unexpectedly ay red season
pala. Lakas maka-SOS ng chalk, ‘di ba?
May ise-share ako na experience ko sa chalk na ‘yan. Alam
niyo bang dahil sa chalk na ‘yan ay napa-guidance office ako. Adik kasi yung
isa kong friend, paglabas nung English teacher namin, nag-drawing siya sa
blackboard gamit ang chalk, yung drawing niya ay isang malaking ulo na parang
yung sa commercial ng Eggnog dati tapos nilagyan niya ng eyeglasses tapos may
fill in the blanks sa ilalim, may five lines corresponding sa kung sino ba yung
bida sa drawing niya. Then, he asked me na sagutan daw. Eh may nilagay na siya
na first and last letters, so, three letters na lang huhulaan, ako namang
gullible sinagutan ko naman yung fill in the blanks at nilagay yung name nung
isa naming classmate na mukha naman talagang eggnog. Haha! Tapos nung nakita
‘yun ni eggnog, grabe galit na galit siya at nagsimula na ang tunay na Fight of
the Century… Tuna! Haha! Sinapak niya ako at pinagtatadyakan pero inawat siya
agad ng mga classmates namin, kaya nakaganti ako agad, habang hawak hawak siya
ng boys namin sa klase, nilabas ko ang mga kuko ko na malla-Catwoman at
pinagkakalmot siya sa mukha, sa braso, at grabe dumanak talaga ang dugo. Tapos
hinagisan niya ako ng eraser, pero hindi ako natamaan, dinampot ko yung eraser
at hinagis ko sa kanya. Pak, sapul sa duguan niyang mukha. Puro siya chalk dust
sa mukha. Tuwang tuwa ang lahat, they were all cheering for me. Siguro kasi
feeling nila napaghiganti ko na silang lahat. Most unwanted kasi sa klase yung
nakaaway ko eh. Grabe yung sigawan nila, I could hear it so loudly. Lalo na
yung nagpauso nung drawing sa blackboard, leche, tuwang tuwa! Hayop! Siya may
kasalanan ng lahat ng ‘yun eh. Haha! Tapos ‘yun dumating yung Filipino teacher
namin and we were sent to the guidance office. Moral of the story, ‘wag
magpapauto sa classmate na may kunwari pa-Q&A portion alla Ms. Universe for
you, kasi magiging UFC ang ending. Duguan. Ouch.
Again, ang chalk ay puwedeng gamitin ng boys and girls para
maging close ang teacher pero ‘wag kang aabot na magiging sipsip na ha, kasi
kaiinisan ka ng lahat. Madami akong straw na classmates dati eh, nakakabadtrip.
Okay na yung medyo dikit lungs kay ma’am. At puwde rin gamitin ang chalk ng
girls kapag nagka-gera at dumanak ang dugo, okay? O kapag totoong dumanak na
ang dugo katulad ng nangyari sa ‘kin. Adios!
ESK
#7: Bubble Gum
Madaming gamit ang bubble gum kaya naman nasa #7 list siya
ng ating ESK. Puwede mong gamitin sa kasamaan o kabutihan ang bubble gum.
Ready? Well, for instance, ang boring boring ng teacher mo, kung ano ano yung
dinadada sa harap ng klase, maganda na ngumuya ka ng bubble gum para naman pantawid
boredom. ‘Wag ka lang papahuli kasi baka palabasin ka ng klase o sabihan kang
kambing.
Isa pa sa mga gamit ng bubble gum ay kapag ngumanga na ang
sapatos na bili sa ‘yo ni nanay galing sa Divisoria. You can chew a gum at
kapag wala ng lasa ito puwede mo na itong gamitin na pandikit sa sapatos mong
chismosa, dada ng dada! Also, kung may nangbu-bully sa ‘yo sa school at ayaw
kang tigilan, ilagay mo sa upuan niya yung bubble gum para dumikit sa puwet
niya. Tignan ko lang kung hindi siya tumigil sa pambu-bully. Ang hirap pa
namang tangalin ng gum sa uniform. Gagamit pa ng gas at kung ano ano. Maloloka
si nanay. Pero mas nakakaloka naman yung gum na dumikit sa buhok. Grabe, dati
yung pasaway naming classmate nilagyan ng bubble gum yung buhok ng isa pa
naming classmate. Kawawa naman yung batang babae, ang haba-haba pa naman ng
buhok niya tapos kinabukasan kalbo na siyang pumasok. Kasi yung walanghiyang
pasaway na yun ay sa anit pala nilagay yung bubble gum. Kawawa talaga yung
bata. Buti na lang hindi ako long hair nung bata. Haha!
You could use a bubble gum in so many ways. Think of any.
Sky is the limit. Kaya ‘wag na ‘wag kakalimutan ang magdala ng bubble gum ha.
Kahit anong brand, kahit na Doublemint, Juicy Fruit, iCool, o ang favorite kong
Judge.
ESK
#8: Liquid Eraser
Importante din sa ‘ting mga estudyante ang liquid paper
dahil tao rin naman tayo, nagkakamali. Hugot! Pero totoo naman eh, katulad na
lang habang nagsusulat ka, biglang may wrong spelling pala, o kaya naman habang
nag-e-exam, imbis na B ay C ang nalagay mo. Eh di masaya at maitatama mo pa ang
iyong mali kung meron ka ng mahiwagang liquid paper o liquid eraser. Kahit pa
na Pilot Frixion ang gamit mo, you still need to have a liquid eraser with you.
Why? Kasi nakakaloka ‘yang Pilot Frixion, nung nasa second year college na ako
at tinignan ko yung notes ko nung first year, nawindang ako kasi wala ng
nakasulat sa notebook ko. Kusang nabubura kasi yung sulat ng Pilot Frixion
pagdating ng panahon. Well, my good effect din naman, dahil burado na nga lahat
ng ni-lecture namin sa notebook ko, eh di puwede ko na yung sulatan ng new
notes ko. Nagkaroon pa ako ng instant notebook! Bagong bago. Haha!
Naalala ko nung high school student pa ako, habang
nagpe-periodical exam kami, yung katabi ko kalabit ng kalabit sa ‘kin, tanong
ng tanong kung anong sagot sa number 37 tapos sa number 26 tapos sa Test 2 daw.
Kaloka! Eh di sana ako na lang sumagot ng test paper niya, lahat na yata ng
number ay tinanong niya eh, stressful! Dahil imbyerna na ako, habang nagbubura
ako ng answer ko using liquid eraser, nung bigla niya ulit akong kinalabit,
hala, nawasiwas ko yung liquid eraser sa mukha niya. Grabe talaga yung inis ko
that day, if you could just see his face, para siyang naging miyembro ng 101
Dalmatians, pero yung sa kanya imbis na batik-batik, linya-linya yung sa mukha
niya. Bigla siyang napatayo eh at umambang sasapukin ako. Sorry, to the rescue
si ma’am. At siyempre sinumbong ko ang pangongopya niyang hayop siya! Siya na
nga nangongopya, sasapukin niya ang beautiful face ko, CHOS! Pero okay na naman
kami. Nabura na ang galit namin sa isa’t isa ng liquid eraser.
Now, I don’t want you to carry some liquid eraser and treat
it as a weapon ha. Please don’t! Nabigla lungs talaga ako kaya na buhos ko sa
mukha nung kumukopya sa ‘kin yung liquid paper. ‘Wag niyo kong tularan sa
larangang iyon, pawang propesyonal lamang ang nakakagawa ng gano’n. Charaught!
But seriously, use the liquid eraser properly. Tandaan, hindi lahat ng bagay ay
kayang burahin at hindi lahat ng nabura ay kaya pang-ibalik. Hugot much na
naman! Haha!
ESK
#9: Pamaypay
Siguro ang ESK #9 na ang pangalawa sa pinaka-importante sa
lahat ng nasa listahang ito lalo na kung sa public school ka nag-aaral. Yung
tipong walang mga electric fan sa classroom, kung meron man, kung hindi sira ay
iisa lang. Tapos yung mga bintana niyo pa sa classroom ay yung mga kinakalawang
na yung windowpane kaya hindi mabuksan for fresh air man lang. Hay, ganyan
talaga ang buhay public school, tiis-ganda to the nth power!
Kaya napaka-importanteng may pamaypay ka sa loob ng klase
eh lalo na ‘pag panghapon ka, kasi kapag nag-ala una na hanggang alas tres ‘yan
na ang extension ng impyerno. Naku, grabe ang init! Para kayong nasa oven
toaster. Kaya heto ka na ilalabas na ang iyong pamaypay at magbibigay ng hangin
sa iyong sarili at sa mga katabi. Pero siguro yung pamaypay as pantawid init
would be the least that it could do. Yung pamaypay kasi namin dati ay lalagyan
ng names ng tropa dun sa ridges nito o sa kawayan na parte, may mga nakalagay
na “Tropang Kagak” tapos kung ano anong design kasama ang name like,
“:_Jahric_: <3”. Don’t tell me walang mga names ang pamaypay niyo ha. Kasi
ako lahat ng naging pamaypay ko pati na pamaypay ng mga kaibigan ko ay nilagyan
namin ng mga pangalan namin dun sa kawayan na part.
There’s also this story that I would share to you, pero
please don’t do it! Yung professor ko kasi sa major subject ko sa HRM dati ay
may nahuli daw na estudyante na nagkokodigo habang nagpapa-test siya. Pero
hindi sa extra paper, sa legs, o sa panyo nakasulat ang kodigo kundi sa
pamaypay daw. ‘Yun pinunit niya yung papel at hindi na pinakuha ng test. Bokya
agad siya sa test. Again, ‘wag tularan! Kaya sinabi ko sa inyo na ‘wag itong
gawin dahil hindi naman effective eh. Gagawa ng kodigo sa pamaypay? Shunga!
Mabilis mahuli ‘yun, dapat ang ginawa niya… hep, hep! Just kidding, masama
mangodigo at mangopya! Ang dapat ginawa niya talaga ay nag-aral ng mabuti,
nakinig nung tinuro yung lessons, at nag-review para ma-refresh yung utak niya.
Now, you know what’s the real use of pamaypay ha, para sa
hot weathers, para i-vandalize ng tropa to embed memories together, at hindi
para sa pangogodigo (kasi hindi effective). Haha! God is watching us from a
distance. Makonsensiya ka!
Eto na yata ang pinaka sa pinaka importanteng kailangan
para sa iyong Estudyante Survival Kit. Hindi dahil book ko ito at gusto kong
madaming makabili at makabasa para maging bestseller book ito (well, medyo.
Haha!) pero dahil totoong ito ang magiging gabay mo para maka-survive ka sa
buhay estudyante. Bakit? Itong libro kong AKEK ay punong puno ng mga essays at
memoirs ko bilang isang estudyante at alam ko na lahat ng naging experiences ko
ay magagamit mo sa buhay estudyante mo. You will be able to read on this book, my
ups and downs ng buhay estudyante, pati mga what-to-expect sa first day of
school at pati na rin ang mga klase ng estudyante na puwede mong ma-encounter.
Alam ko na ang karamihan sa mga nagbasa ng AKEK ay pinagdaanan din ang mga
napagdaan ko kaya naman super relate sila dito kaya alam kong makabubuti sa ‘yo
ang pagbabasa ng AKEK.
Bakit ko nga ba sinulat ang AKEK? Simply because I want to
share my fun-learning experiences as a student. I want to inspire people to
become better students yet to enjoy the student life! Hindi naman mahirap i-balance
ang pag-aaral at pag-e-enjoy eh. Actually it’s better nga if you enjoy
pag-aaral eh. School is cool! You just have to know what interests you, what
your heart desires. Dahil meron at meron kang magiging favorite subject kung
hindi man baka favorite teacher o kaya naman favorite tropa na hihilain kang
mag-aral. I don’t want you to be a perfect student, because I always believe
that there’s nothing perfect in this world. No one’s perfect, except Him. Just
enjoy it! It’s okay to make mistakes as long as you learn from it. Now, I want
you to spread your wings and prepare to fly now that you know the Estudyante
Survival Kit. Study hard but have fun!
No comments:
Post a Comment