Saturday, October 31, 2015

The LRT Single Journey

Nasa LRT Recto ako para sumakay ng train papunta sa Cubao para sa meeting ko with my co-ambassadors sa Pinoy Lambs (ang fans club ni Mariah Carey dito sa Pilipinas). Eh dahil may bago silang ticketing system cheness, ‘yung Beep, aka tap-and-go, aka one-card-all-trains, aka dagdag gastos na kinuha sa tax nating mga Filipino pero ang lecheng escalator sa Recto station ni hindi mabuksan kahit isa. Nasaan ang hustisiya? Bagong ticketing system pero ang escalator hindi mabuksan. Pati ang restroom sa Katipunan station mas marumi pa sa mga restroom sa mga abandonadong building. Panghe! Tapos kapag rush hour sobrang dami ng tao sa MRT at LRT1 eh imbis na binili ng bagong train. Kaloka talaga! Welga na ito! Haha! Anyway, back to my story, ‘yun na nga need ko bumili ng ticket sa bagong ticketing system nila, sabay sabi sa ‘kin nung lalaking nag-a-assist, “Stored po ba o single?” Napatingin ako sa kanya. Punyeta ka kuya, maka-single ka! Ang sakit ha! Ang sarap sigawan sa mukha ni kuya na alla Jennylyn Mercado, “Oo na, ako na, ako na’ng nagiisa!”

Kapag single ka, ang daming lugar na magpapaalala sa ‘yo na nagiisa ka. Isa na nga ‘yang LRT na ‘yan. Tapos nandiyan din ang Luneta. Tapos idagdag mo pa ang pizza houses. Nung isang araw kasing bumili ako ng pizza sa kiosk sa mall, sabi sa ‘kin nung tindera, “Single slice po ba?”. Ang bilis ng sagot ko eh with conviction, “DOUBLE!” Alam na ngang single tayo, tapos ipapaalala pa sa ‘ting nag-iisa tayo, na single tayo forever, na walang nagmamahal sa ‘tin. Saklap ng buhay.

Single Journey lang ang binili kong ticket at sa inis ko kay kuya padabog akong lumayas sa harap niya at dumeretso sa pasukan. Akala ko tapos na ang delubyo ko, but wait there’s more. Nung nasa entrance na ako, may babae na namang sumigaw ng, “’Yung mga stored po sa left tapos ‘yung mga single po dito sa side na ‘to.” Nagpintig na naman ang tenga ko sa narinig ko kaya pagka-tap ko ng ticket ko, sinabihan ko si ate, “Saan ba nakakabili ng dyowa? Nakakasawa maging single, eh.” Napangiti lang si ate sa ‘kin. Badtrip siya!

Hindi ko naman maiiwasang hindi sumakay sa LRT eh, pero maiiwasan ko ang sabihan akong “single” sa LRT. Anong ginawa ko? Simple lang, nung next trip ko sa LRT, bumili ulit ako ng bagong ticket, at nung nasa entrance na ako, sumigaw ako, “Stored na ako, hindi na ako single!” ^^

Sunday, October 25, 2015

Kalandian Sa Simbahan, Amen!

Lahat naman tayo nagsisimba para pasalamatan si Papa Jesus sa mga blessings na binibigay sa ‘tin pero mayroon ‘ding nagsisimba lang para maglandi, katulad ko minsan, minsan lang naman not every simba. Haha! Pero FYI ha hindi ako ang president ng Simbang Landi tuwing Simbang Gabi ha, member lang ako. Chos! Naaalala ko tuwing magsisimbang gabi kami dati ng pinsan kong si Kristhel, ang una naming titignan ay kung saan may pogi, at kung saan nga meron, do’n kami uupo sa tabi o sa malapit kung saan namin puwedeng masulyapan si kuyang pogi. Pero ewan ko hanggang tingin lang naman talaga kaming magpinsan eh, hindi kami marunong lumandi, kami kasi ang unang nilalapitan at nilalandi. Wow ha, gandang lahi namin, eh. Charot!

Ang pinaka favorite ko sa misa ay ang Ama Namin at Peace Be With You. Dati nung High School pa ako, every Friday may pa-misa sa quadrangle ng school namin at lahat ay nakapila per seksyon. Dapat sa pila katabi ko lagi ‘yung friend slash super crush kong si Rayh. Waaaah! Kinikilig ako, it’s all coming back to me now. Aww, memories! Anyway, kapag nag-start na ang Ama Namin, time ko ng humarot, siyempre kapag Ama Namin, alam mo na, hawak kamay! Waah, grabe, while we sing Ama Namin, feel na feel ko ‘yung softness ng kamay niya. Deep within, kinikilig ako to the highest level! Ayoko nang matapos pa ang kantang Ama Namin, gusto kong biglang sumigaw si Father ng, “one more time, let’s sing Ama Namin!”. Pero okay lang kasi pagtapos naman ng Ama Namin susunod na ang second favorite kong Peace Be With You. Ako, with my girl friends ay nagbebeso kapag Peace Be With You, pero siyempre ‘yung mga lalaki, peace sign lang. But even though, since katabi ko naman si Rayh, kaya nung nag-peace sign siya sa ‘kin, biglang tumigil ang oras, and I can see him slowly showing me a peace sign with his hand and smiling. Laglag panty ko, ‘day! O sino bang hindi favorite ang Ama Namin at Peace Be With You, mapa-lalaki o babae, bet ‘to, right? Aminin!

I would never forget my memories of kalandian sa simbahan lalo na ‘tong ikukuwento kong huli. ‘Yung friend ko kasing si Jher invited me to a mass sa church na malapit sa house nila. Eh di gora naman ako! Nung nasa church na kami may na-sight akong lalaking pogi, maputi, at ang ganda ng katawan. Eh kilala pala ‘yun ni Jher, kasi naging ka-member nila sa choir dati. Kaya do’n kami umupo sa tabi niya. Last mass na eh, 9pm na no’n kaya unti na lang kami. Grabe, dahil katabi ko si kuyang macho hindi ko maiwasang amuyin siya, ang bango! Nung nag-start na ang Ama Namin, eh di nag-holding hands na kami, este hawak kamay lang pala. Tapos kinilig talaga ako sa cute dimples ni kuya. Tapos while the mass went on, mega pakilala ako kay kuya. Hindi na ako masyado nahiya kasi malandi naman ako este kakilala naman ni Jher si kuyang macho, eh. Then, may hampasan na kami, kuwentuhan, at tawanan. Galawang higad talaga to the max!

Next day, hindi ko pa rin makalimutan ang kalandian ko sa simabahan kagabi, ang pogi at macho kasi talaga ni kuya. Habang nakadungaw ako sa terrace namin para tignan si amang araw, I saw this guy na may ka-holding hands na babae (na hindi naman kagandahan, mas maganda pa si Pokwang) dumaan sa tapat ng terrace namin. Tapos, biglang kumaway sa ‘kin, nung tinignan kong mabuti si kuyang macho pala ‘yun, tinatawag ako. Nahiya agad ako at nagtago. Napaisip, kaloka, of all people, bakit ‘yung chaka pa naming kapitbahay ‘yung girlfriend niya? Eww, puwede naman ako!

My Bestfriend's Lover

Sumagi na ba sa isip mo na agawin ang syota ng bestfriend mo? I know, it may sound cruel. Pero dahil minsan sa pagiging desperada mo na makahanap ng taong iibig sa ‘yo, pati ang nanahimik na boyfriend ng bestfriend mo maiisip mong agawin... unintentionally.

Hindi naman talaga evil stepsister ang papel mo sa malla-Cinderellang relasyon ng bestfriend mo. Hindi ka homewrecker. Again, imagination lang naman eh na sana ikaw na lang. Siyempre may karapatan ka rin namang sumaya, ‘di ba?

Nangyari na sa ‘kin ito, ang mag-imagine na sana akin na lang siya. Nakakapagod na kasing maghanap o maghintay pa ng iba, eh. Eh di doon na ‘ko sa madali kong makukuha. But then again, hindi ako tigang na desperada para gawin ‘yun. Imagination lang. Clear? Hindi ko naman talaga ipu-push na agawin ang boyfriend ng bestfriend ko. ‘Wag mo kong husgahan. Belat!

Sobrang close ko sa bestfriend ko at pati na rin sa boyfriend niya. Kaya tuwing may problema sila sa ‘kin lagi lumalapit si My Bestfriend’s Lover at dahil do’n, dahil lagi ko silang natutulungang magkaayos naging close talaga kami ni guy. Alam mo ‘yung may mga eksenang binibigyan ko na ng meaning pati mga maliliit na bagay na ginagawa niya sa ‘kin katulad ng paghablot sa kamay ko para tumakbo dahil late na kami para sa klase. O pag-akbay niya sa ‘kin kapag magkakasama ang barkada. Alam ko namang walang meaning ‘yun sa kanya pero sa akin meron. Alam kong mali, alam kong bawal. Pero kahit na ako lang ang nag-iisip na merong kulay ang bawat kilos na pinapakita niya sa ‘kin ang sarap pa rin pala sa feeling na may nagmamahal sa ‘yo. Talagang masarap nga ang bawal.

My turning point? Isang gabi nag-overnight kami sa bahay ng bestfriend ko para gumawa ng project. Nagkatulugan na pagpatak ng alas tres ng madaling araw. Magkakatabi kami sa kuwarto: ako, My Bestfriend’s Lover, at ang bestfriend ko. Pinapagitnaan namin siya. Ang lakas nga maka-No Other Woman, eh. ‘Yung movie poster nila na pinagigitnaan nila Anne Curtis at Cristine Reyes si Derek Ramsey. Alam kong mahimbing na ang tulog ng iba pero ako nakapikit nga pero gising na gising ang diwa. Iniisip ang katarantaduhang imaginations ko. Maya-maya naramdaman kong napayakap siya sa ‘kin, he cuddled me closer and I could feel he was breathing through my neck. Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil sa kinikilig ako o kinakabahan na baka magising ang bestfriend ko at makita ang aming eksena. Pagkalipas ng ilang minuto ng pagyakap sa ‘kin ni My Bestfriend’s Lover narinig ko siyang nag-i-sleeptalking. At alam mo kung anong sinasabi niya? Binabanggit niya lang naman ang pangalan ng bestfriend ko ng paulit-ulit. Ouch. Tumayo ako sa pagkakahiga at lumabas ng bahay. Alam kong malamig ang simoy ng hangin pero hindi ko ito nararamdaman sapagkat ang tanging nararamdaman ko ay ang bilis ng tibok ng puso ko at ang marahan kong paglalakad. Nag-flashback lahat ng eksena ko with My Bestfriend’s Lover. Habang palayo na ako ng palayo sa bahay ng bestfriend ko, napahinto ako and I told myself, “Tama na! Ayoko na!” I realized, oo, sa umpisa masarap ang bawal pero at the end of the day, ako pa rin ang talo kaya itinigil ko na ang kahibangan ko. Ayoko ng umabot na maging masama na ang idudulot ng bawal na pagibig na ‘to kasi katulad ng mga bawal na pagkain, sisingilin nito ang katawan mo at magdudulot ng sakit sa puso. Heartache.

Berdeng Panyo

Sure akong napanood niyo na sa mga teleserye o movies ng eksenang kapag nalaglagan ng panyo si girl, dadamputin ito ng mga maginoong lalaki at magkakatinginan sila, and little did they know, sila na. Ang bilis ‘no? Galawang higad talaga! Kaya nung isang araw na sumakay ako sa LRT ginawa ko ang breezy move na ‘to. Pagpasok ko sa tren, mahilig muna akong mag-observe. Titignan ang mga taong nakasakay, magbi-birdwatching. At kapag may poging nakita, ipagsisiksikan ko ang sarili ko mamasdan at mapadikit lang ako sa kanya. Ehem. Paalala lang ha, conservative talaga ako, strict ang parents ko. Chos! Hindi talaga ako malandi minsan, kundi malandi ako parati. Haha!

So, eto na nga, may nakita akong pogi sa loob ng tren kaya pagpasok ko sa tabi niya agad ako umupo. Pa-sweet sweetan kunwari at pasulyap-sulyap. Ang pogi at puti ni kuya, inisip ko agad baka Atenista siya. Gano’n kasi ang kutis ng mga nasa top schools like Ateneo and La Salle. Kahit ‘di talaga ako mahilig sa mapuputi, iba ang karisma ni kuya kaya ‘yun pinagsiksikan ko ang sarili ko sa upuan. Ang swerte ko nga kasi simula V. Mapa station at sa huling bababaan naming station ay kasama ko siya. Nung malapit na kami sa Santolan station ay inilagay ko ang aking berdeng panyo sa aking hita para kapag tumayo ako ay malalaglag ito sa sahig at dadamputin niya para sa ‘kin alla Maria Clara ang pinepeg ko katulad nung mga teleserye at movies na napanood ko. Dalagang Pilipina. Nung nasa Santolan na kami ginawa ko na ang plano, pagtayo ko nag-landing nga ang aking berdeng panyo sa sahig ng tren, pero imbis na damputin niya ito tinawag niya ako, tinuro ang panyo ko sa sahig sabay sabi niya, “Pare, panyo mo!” ‘Yun lang, saklap. ‘Kala ko si kuya na ang magiging first boyfriend ko. Hopia much? Hay, epic fail pala! ^^

Tuesday, October 20, 2015

Palengke XP: San Pablo, Laguna

San Pablo, Laguna is enormous enough for qualities that would excite even the smallest taste bud you got. Of course, I’m talking about food. You wouldn’t know more about a place if your feet don’t start walking. It all takes a single step to have that full-packed adventure you might never experience anywhere else. As we set foot at San Pablo market, the feel of wandering around floated in the air. As you draw closer from left to right, you would be taken aback by the wondrous food picks you would love to savor. So, we continued on.

The first bite was galapong twisted to shape like the number eight, then coated with panutsa. The taste was similar to carioca but it was more thrilling to devour because of its unusual structure. Laguna called it Pilipit. And it would surely be a favorite.

Another turn, a woman roasting bananas caught our eye. We approached her and asked what she was selling. It is called Binangin na Saba where the taste was of the same as bananacue only it got no sugar coating and not fried but rather roasted on coal. It was pure of heavy chews and smoky flavor that would tell the difference from the normal bananacue we have in the Metro.


The following day was another adventure, the flow of food galore ruptured. At San Pablo Colleges, a food dish they named Mami De Laguna lives on to prove its worth. It tasted meaty and garlicky because of the gargantuan amount of ground beef and toasted garlic. The difference we noticed was the consistency of its soup, it was thick and very flavorful like pares mami. A real worthy dish.

As we traveled in the market, we zoomed to San Pablo City Shopping Mall and there we ate at the corner of the long-strained stairs the so-called Sampinit drizzled with sugar and a pinch of salt. The strawberry of Laguna. Or what we all call as raspberry.

The way back to our lodge was another food adventure as we gobbled Nilupak made with grated cassava, with the center filled with of sweet peanut butter, and topped with lavish margarine. It has a richer flavor compared to the nilupaks we have in the Metro. Another street treat was Buchi. It was munchy inside and crunchy outside. The flavor of its monggo filling and sugar-coating is beyond compare.

So, when you travel to Sal Pablo, Laguna don’t forget to visit their market as it’s where food paradise is. Have a bite!

NOTE: I apologize that I can’t post photos of my adventure to San Pablo because sadly the memory card of the camera that we used got corrupted. Ugh, I know. No photos left, not even one. But I hope with my descriptions and stories you were able to discern and imagine the taste of Pilipit, Binangin Na Saba, Mami De Laguna, Sampinit, Nilupak, and Buchi.

Monday, October 19, 2015

Palengke XP: Bangar, La Union

Something I learned from being a traveler is that for you to know a place, you have to walk around the city and visit their market. At 'yun ang ginawa namin. Kaya natikman ko tuloy ang kay sarap na local delicacies nila dito sa Bangar, La Union. The moment I set foot at Bangar Public Market na-feel ko na agad na nasa isa akong authentic na provincial market. Iba ang wika ng mga tindera, walang bubungan, at sa kahit saang sahig lang nakasalampak ang mga nagbebenta. At ang dami ng varieties na mapamimilian mo mula sa isda, karne at gulay. First time ko lang ngang maka-meet and greet ang ibang gulay na binebenta nila eh. Haha! Katulad ng kakalunay na tumutubo daw sa maisan na parang talbos ng kamote at katuray.

Haluhalo with Dippig
Pagkatapos mamalengke ay nagumpisa na nga kaming mag-foodtrip. Una kong tinikman ay ang haluhalo nila na katulad rin sa Maynila halos ang sahog. The only difference is the buko meat they add to it and the kind of banana they put in. Sabi nung Ale ay 'dippig' daw ang saging na 'yun. Isa siyang itim at mapayat na saging na sa unang tingin ay parang bulok na bunga. Tapos hindi katulad ng saba sa Maynila na iniluluto pa sa asukal bago gawing sahog sa haluhalo, dito ay wala ng luto luto at deretso na itong hihiwain pagkapitas sa isang bangkas ng saging at ihahalo sa iba pang sangkap.

While I enjoy my haluhalo, may nakita ako sa likod na nagbebenta ng kung anong prinitong matamis na bagay. Kaya nag-decide kaming i-try ang tinitinda ni Lola. Natikmam ko ang maruja version nila dito sa Bangar na isang bola ng harina na ipinirito sa asukal at sa loob ay may lamang saging. Kay Lola ko rin natikman 'yung lumpiang gulay nila na imbis na toge ang laman katulad nga sa Maynila ay puno ng Baguio beans at carrots. Masarap siya kapag isinawsaw sa sukang may sili. At huling natikman namin kay Lola ay 'yung tinatawag niyang "malagkit", and from its name, gawa talaga siya sa malagkit na kanin. Haha! Para siyang carioca na binalot sa lumpia wrapper at ipinirito sa asukal. Ang sarap niya in fairness ha at na-enjoy ko 'yung mga tinda ni Lola lalo na't P2.00 each lang. Mura na, yummy pa!

Bibingka
Iniruban
Ang sumunod naman naming nilantakan ay ang tinda ni Kuya na mga kakanin. Meron siyang iba't ibang kakanin katulad ng cassava cake at ube. But what caught my eyes were the bibingka and iniruban. 'Yung bibingka nila ay hindi 'yung tipikal na bibingka na ibinebenta sa gilid ng simbahan kapag may simbang gabi kasi hindi siya gawa sa harina kundi sa giniling na bigas. Ang milky ng lasa niya at cheesy tapos chewy at masarap nguyain, 'di katulad ng bibingka sa Maynila na parang tinapay. Madami siyang cheese sa ibabaw at sabi ng kaibigan kong taga-La Union kaya daw milky ang lasa dahil binusog sa gatas ang recipe ng bibingka nila dito sa Bangar. Ang iniruban naman ay simpleng putahe ng biko pero gawa ito sa itim na klase ng bigas. Biro ko nga ay pagkain 'to ng engkatado. Haha! Masarap ang lasa niya at hindi masyado katamisan kaya nagustuhan ko siya.


Alam kong madami pang itinatagong masasarap na sikreto ang Bangar, La Union at sa mga natikman ko so far, mukhang mapapabalik ako sa lugar na 'to muli para mapalamon ng marami. Lamon pa more!

Napakasaya ng trip namin sa La Union. Nakakain ako ng madaming ginataang palaka, iba’t ibang delicacies ng La Union at ang super sarap na beef mami nila doon. Tapos nakabisita pa sa sikat na Bahay Na Bato at nag-enjoy makipaglaro sa alon ng Rimos Beach. Napakababait pa ng buong pamilya ni Ryan at talagang hindi kami pinabayaan ng pinsan kong si Charie. Salamat sa buong angkan ng Ngalatan for making us feel so at home. I truly had so much fun! My trip to La Union was a total XP—experience!

SBD Challenge Day #2: Better Than Yesterday

Your first day on South Beach Diet is the hardest! Pero after 2-3 days you’ll feel better with the program. Like today, I feel better. Hind...