Napakasayang
magsalusalo kasama ang pamilya at mga kaibigan. You know me, I have an eye for
great places and food! At ngayong napakadaming food parks ang nagsusulputan
kung saan-saan ay sinubukan naming gumala at pumunta sa isa sa mga food parks
sa Metro. Nadala kami ng mga paa namin sa Marikina, and I mean this literally,
kasi nag-walk-a-thon kami papunta sa isang sikat na food hub sa Marikina ang
Carnival Food Park.
At first, I thought may karnibal talaga. Tipong
may mga rides like ferris wheel, roller-coaster rides, tapos may circus acts at
siyempre kainan nga. But even if it wasn’t what I expected, it still didn’t
disappoint me! It was all I want in a carnival-themed food park! Isa itong malaking bakanteng lote na nasa mga 1500+ square meters sa
Gil Fernando, Marikina. Isa siyang carnival-themed food park, obvious naman sa
pangalan. Haha! What captivated me most was its entrance! It was everything!
Makikita mong nagka-cram ang mga tao sa entrance niya para lang mag-video o
take ng pictures. Pang-IG talaga (kahit wala akong Instagram). When you enter this food park it feels like you are being transported to a different realm. Tipong Narnia o Alice in Wonderland.
Sa loob ay merong 25-30 stalls, hindi ko na
nabilang. Basta maraming food stalls. And they serve a handful of meals and
snacks from burgers, pastas, ice cream, rice meals, nachos, fishballs, ramen,
and more! Tapos may bar setup sa gitna ng park kaya naman puwedeng-puwede rin
‘to sa mga lasenggero o sa barkada na gusto ng ilang tagay. Ang mga
sitting/dining area nila sa itaas na nagsisilbing second floor ay gawa sa mga
lumang container vans pati na ang pintuan nila sa comfort rooms ay gawa din sa tinabas na parte ng
container van.
Are you excited to go na? G na kayo ng tropa!
Kung galing kayo ng Cubao sakay lang kayo ng jeep bound to Marikina. Sakyan
niyo ay ‘yung SSS via Blue Wave. Pagbaba niyo ng Blue Wave ay puwede na kayong
maglakad sa right side ng kalsada hanggang sa matunton niyo ang Carnival Food
Park. Puwede rin kayong mag- LRT2 galing Cubao o Recto tapos baba kayo ng
Anonas o Santolan at sakay ng jeep bound to Montalban at sa mismong lugar na
kayo nito ibababa. O kung hindi niyo pa rin trip ang mga joyride that I
suggested o mga shala-shala kayo at hindi nagji-jeep, sakay na lang kayo ng
taxi o Grab o Uber tapos sabihin niyo sa Carvinal Food Park, Gil Fernando, Marikina. Gets
na ‘yun ni manong driver!
Tip #1: Don’t go to Carnival Food Park on a
weekend. Super daming tao! Mahihirapan kayong makahanap ng seats. Us? We got no
choice. Sunday lang ang free day naming lahat. Pero kung bet niyo ang siksikan
at waiting galore na may mag-empty ng table/seats, go lang!
Tip #2: We find ways! Oo, nahirapan kaming
maghanap ng seats kaya nag-decide kaming mag-ikot at tumingin ng stalls na wala
masyadong tao. At meron kayong makikita, ha. Promise. At kung kahit ayaw niyo ng
food nila, go lang! Order pa rin kayo ng kahit ano para naman makapag-stay kayo
sa reserved seats nila. Pak!
Ngayon, pag-usapan na natin ang hinihintay ng
lahat… pagkain! Ang tanong, hanggang saan aabot ang Php 229 mo? Well, aabot ka
hanggang langit ng kabusugan! Pito kaming magkakaibigan na pumunta sa Carnival
Food Park and we shared everything kaya mas nakamura kami! Bumili kami ng
tig-i-isang dish sa iba’t ibang stalls and we shared food. Sharing is caring,
right? And it’s always better to share food with your closest friends. It makes the
bond stronger. Here’s the list of the stalls and grubs we tried:
Piggin’ Out
|
Sisig Meal – Php 150 |
Dito kami nag-stay. Katulad ng sabi ko sa Tip #2
ko, we find ways. Haha! FYI, hindi kami manggagamit katulad ng iba diyan! Mga
user-friendly! Pagkatapos nilang makuha ang lahat sa ‘yo, iiwan ka na lang.
Char! Haha! Hindi lang kami nag-order ng kung ano lang para magamit ang dining
area nila. We really loved their sisig and... the macho, poging owner nito. I
didn’t get his name, though. Haha! I'll update you kapag nalaman ko na ang name niya! Haha!
Brewskie Pasta Hub
|
Fatty Krabby – Php 178 |
Here, we ordered Fatty Krabby. Pero sana nga they
named it Krabby Fatty na lang, eh. Wala lang, I love Spongebob Squarepants!
Anyway, our order was a linguine pasta with special aligue sauce and shrimp.
Super sarap! Not your ordinary pasta dish, it was extraordinary! That aligue
sauce was creamy, milky, and delicious in all forms!
Tori Joint
|
Tonkotsu Ramen – Php 200 |
I love ramen so much! Kaya walang duda na isang
mangkok ng ramen ang in-order namin. We ordered Tonkotsu Ramen and it tasted
very authentic. I loved its firm noodles and the soup was excellent.
The Amazing Churros & Fantastic Dips
|
The Amazing Churros Ice Cream – Php 100 |
The marshmallow-coated churros were A+mazing!
‘Yung ice cream naman mismo ay masarap din, it resembled to a taste of Hersey’s
dark chocolate. It was a bowl of sweet overload that Willy Wonka would be proud
of!
Hip On
|
Mixed Balls – Php 50 |
Dalawang order ng Mixed Balls nila ang in-order
namin sa Hip On para sa aming appetizer. May halong fishballs, squid balls, chicken
balls, at kikiam ang isang order ng Mixed Balls kasama ang sweet and spicy
sauce nila.
Bar Area
May dalawang parte sa bar area. Ang una ay
nagbebenta ng mga alcoholic drinks such as cocktails at beer. Ang pangalawang
bahagi naman ay kung nasaan ang mga non-alcoholic drinks like raspberry punch
at green iced tea na aming in-order. Tip #3: We find ways… again! Nung
mag-o-order na kami ay wala na daw big bowl na Php 120 lang
|
Big Bowl Punch – Php 120 |
na kasya sa 4-6
katao, ang meron na lang daw ay ‘yung Php 100 na large bowl na dalawa lang ang
makaiinom. Wala na daw kasi silang available basyo ng big bowl, lahat daw nasa
dining area na. Kaya nag-ikot kami ng kaibigan ko para maghanap ng mga tables
na tapos ng uminom ng mga punch nila. We used a little bit of our waitering
skills and asked some customers, “Are you done with that?” Sabay kuha ng basyo
ng big bowls nila para magamit namin sa aming orders. Eh di nakatipid kami. Told
you, we find ways! Haha!
Senorita
Live Action Nachos was our order here. Isang plato
ng crispy nachos, cheese, ground beef, jalapeno, corn, at ang kanilang special sauce. Isang appetizer na napakasarap!
|
Live Action Nachos – Php 190 |
Hungry Heroes
|
Hunger Heroes Burger – Php 150 |
Isang burger na may malaking patty at isang ring
of pineapple at isang cheesy, mushroom bacon burger na talaga nga namang
napakasarap! Isang kagat lang lasap mo ang sarap. Hindi isang kagat, tinapay
lahat. Haha! This was one of my best burger experiences ever! I will truly
order one of these again! Worth every money spent!
Now, let’s see kung umabot ba sa P229 ang gastos
ko sa Carnival Food Park sa Marikina. Here’s the total computation:
Piggin’ Out’s Sisig Meal – Php 300 (two orders)
Brewskie’s Fatty Krabby – Php 178 (one order)
Tori Joint’s Tonkotsu Ramen – Php 200 (one order)
The Amazing Churros Ice Cream – Php 100 (one
order)
Hip On’s Mixed Balls – Php 100 (two orders)
Bar Area’s Big Bowl Punch – Php 240 (two orders)
Senorita’s Live Action Nachos – Php 190 (one
order)
Hunger Hero Burger – Php 300 (two orders)
Total food cost: Php 1608 / 7 people = Php 229
per person
Wow, amazing! Pitong tao ang nabusog sa halagang
Php 229 kada isa. Not bad at all. Alam niyo bang umuwi kaming super sakit ng
mga tiyan sa kabusugan. Haha! Hindi lang kami busog, nag-enjoy pa kami sa
napakagandang view ng paligid. Halika na, dalhin na ang buong barkada at
pamilya sa Carnival Food Park. I’m sure lahat kayo ay mag-e-enjoy dito! Gora
na!