Wednesday, August 31, 2016

Babala: Bawal ang Plastik at Mapapel!

Kung akala mo sa love life lang may mga ahas, aba, nagkakamali ka! Dahil hindi lang naman sa Pokémon may Ekans at Arbok, madami ka ding mga ahas na kaibigan. ‘Yung akala mo kaibigan mong tunay ‘yun pala kapag hindi ka na nakatingin kung ano-anong sinasabing masasamang bagay tungkol sa ‘yo. Kapag nakatalikod ka na, tinutuklaw ka na pala. ‘Yung “bes” pa ang tawagan niyo, eh peste naman pala siya! Mga lason ng lipunan!

Minsan nakakatakot na ring magtiwala sa ibang tao, eh. Hindi mo kasi alam kung totoo ba talaga sila sa ‘yo o pinaplastik ka lang nila. Kaya isa lang ang pagkatiwalaan mo—sarili mo. Kasi kung akala mo tuwang-tuwa siya sa mga inspiring messages at posts mo sa Facebook, hindi mo alam annoyed na pala siya sa ‘yo. At magugulat ka na lang unfriended ka na. Ano bang ginawa mong kasalanan? Nag-away ba kayo? Kung nag-away man kayo pero nagkabati naman at asal bitch pa rin siya sa ‘yo, ang ibig sabihin lang niyan, nagtanim siya ng sama ng loob sa ‘yo o sadyang insecure lang siya sa ‘yo. Ganda mo kasi, ‘te! How to be you po? Haha! Pero aminin mo, masakit isipin na wala ka namang ginagawang masama o kasalanan sa isang tao tapos malalaman mo sa ending pinaplastik ka lang pala niya. Itinuring mong kaibigan pero nagtanim pala ng galit sa ‘yo. Eh kung kamote na lang itinanim niya, eh di may pampautot pa sana siya!

Mahirap makipagsabayan sa mga bes o kaibigan nating plastic at mapapel. Kung puwede nga lang i-donate sila sa Juan for All, All for Juan ng Eat Bulaga siguro nakagawa na tayo ng tatlong daang silya para sa mga classrooms sa Pinas. Kung puwede lang sana, para naman maging useful ang pagiging plastik ng mga kaibigan mo. Pero kung hindi mo na talaga sila matiis ay puwede mong gawin ang dalawang bagay. Una, ‘wag mo na lang silang pansinin because they’re not worth your time. Madami pa diyang bagay na dapat mong bigyan ng pansin. Kaysa ubusin mo ang oras mo sa pakikipag-away sa kanila, patawarin mo na lang at ipagpasa-Diyos. Pangalawa, kung gusto mong maalis ang inis mo sa mga taong pinaplastik ka lang at napakamapapel, then, go on, release your emotions. ‘Wag mong ikinukubli ‘yan baka mautot ka pa niyan. Haha! Or use this, copy + paste mo ‘tong open letter na ginawa ko at isampal mo, ehem, not literally, ‘wag marahas sa ahas. Living thing pa rin ‘yan! Haha! I-post mo na lang sa Facebook at i-tag siya para damang-dama niya!

OPEN LETTER PARA SA KAIBIGAN KONG PLASTIK AT MAPAPEL:
Wow! I treated you as a friend, as a sister but then after all this time, pinaplastik mo lang pala ako! Wala naman akong ginagawang masama sa ‘yo. You said that my inspirational annoying words and acts have inspired you to unfriend me on Facebook. And why? Because you were simply annoyed. What a petty alibi! The guts, girl! I don’t need you. Hindi ka kawalan sa 5000 Facebook friends ko! But you know what, this is so much better! Thank you for unfriending me! Thank you for staying out of my life! I don’t need some crappy little shitty bitch wandering inside my inner circle. You’re a waste of my precious time! Go ahead and live alone in your delusional little psychotic world! Don’t get a little too over yourself, missy. You are not the world’s greatest! You are just some megalomaniac prick! Face the truth! At least, alam kong malinis ang kalooban ko at nakakatulog ako nang mahimbing tuwing gabi. Eh, ikaw? Kawawa ka naman. Ipagdadasal na lang kita. Sana bigyan ka ni Lord ng magandang pag-uugali para naman tigilan mo na ang pagiging plastik at mapapel. Life is too short. We only live once, kahit ahas ka pa. Mag-ingat ka baka sa mga pinaggagawa mo, karmahain ka. Remember, karma is a bitch… and so are you! Love you much, bes!

Ang tanong mo ngayon, paano ba pumili ng “perfect friend”? Una sa lahat, alamin mo muna kung sino ba ang mga dapat mong iwasan. Kung meron ka mang kaibigan sa school o work na mapapel, bida-bida at feeling magaling, lumayo ka na! I’m sure, gawa siya sa disposable spoon! 100% plastic! Pagkatapos mong gamitin, itatapon mo na. Useless na, eh. Maghanap ka na lang ng ibang kakaibiganin kasi ang mga ganyang uri ng tao ay ‘yung mga ayaw magpatalo. Laging mapapel, ending, aahasin ka niyan! Sisiraan ka sa mga taong nakakakilala sa ‘yo para mapunta ang simpatiya sa kanya, para siya lang ang sikat! Well, pasikat! Ikaw na, ipasok ‘yan sa PBB House kasama ng isang libong cobra!

Ngayon, paano ka pipili ng “perfect friend”? Well, I don’t believe in the word “perfect”. Walang perpekto sa mundo, maganda meron… ako ‘yun. Haha! Pero perpekto? Wala. Hindi ikaw, hindi ako, Diyos lang ang perpekto. Kaya kung “perfect friend” ang hanap mo, ‘yung kaibigang hinding-hindi ka aahasin, ‘yung kaibigang laging nandiyan sa tabi mo, ‘yung mahihingahan mo ng sama ng loob, ‘yung makakasama mo sa hirap at ligaya, ‘yung gagabayan ka sa tamang landas, aba’y nandiyan lang siya sa tabi mo. Excited na nga siyang i-add ka sa Friend List niya pero hindi sa Facebook kundi sa Book of Life niya. Kaya i-confirm mo siya agad, ha. Ang pangalan niya ay Jesus Christ.^^

Tuesday, August 23, 2016

Nagseselos Ka, Kayo Ba?

‘Yung kaibigan mo niyayakap niya pero ikaw pinagtatabuyan niya kapag niyayakap mo siya. Tapos tatawagin ka pa habang magkayakap sila para pagselosin ka. Mga haliparot! So, sa tingin mo napagselos mo ako sa lagay na ‘yan? Wow, ang pogi mo naman talaga! Hiyang-hiya si James Reid sa ‘yo. Halika nga, pakukot gamit ang nail cutter! Nakakagigil kasi ‘yang kapogian mo! Feelingero much! FYI, wala akong pakialam kahit pa maglaplapan kayo sa kalye! Hindi ako nagseselos, galit ako!

Nagmadali na akong umuwi pagkatapos ng eksenang ‘yun. Sumakay ako agad sa bus at napagdesisyonang dumiretso sa Quiapo para aliwin ang sarili. Naglakad-lakad ako sa Quiapo, dinaanan ko ang hopian, mga tindero ng mga gamit sa bike, mga pagawaan ng mga pekeng IDs at diplomas, at napadaan din ako sa shop ng iba’t ibang DVDs. Pinasok ko ang DVD shop at bumili ng bagong season ng mga American TV Series na pinanonood ko katulad ng Two Broke Girls, Once Upon a Time, at Empire. Idinagdag ko rin ang pagbili ng bagong album ni Britney Spears. Yes, August 23 nang binili ko ang album ni Brit kahit na August 26 pa ang official release nito. Iba talaga sa Quiapo! Nauna pa. Astig, eh! Haha!

Pagkatapos ng aking munting shopping galore sa Quiapo ay kumain ako sa labas ng DVD shop ng paborito kong pares mami at tokneneng. At habang sumusubo ng mainit na sabaw ng mami ay may tumugtog sa katabing bilihan ng CDs: “You’re just too good to be true, can’t take my eyes off you. You’d feel like heaven to touch. I wanna hold you so much...” Badtrip! ‘Yan ‘yung song na kinakanta ko sa kanya! Wala akong paki! Lamon pa rin! Tapos biglang sumunod sa playlist ‘yung, “Why do birds suddenly appear? Everytime you are near. Just like me, they long to be. Close to you…” ‘Nyeta much! ‘Yun ‘yung song na lagi niyang kinakanta! At dahil paulit-ulit kong naririnig na kinakanta niya ang Close To You ng Carpenters ay naka-embed na ‘to sa utak ko. Kaya sa tuwing naririnig ko ang kantang ‘to (pati na ang iba niya pang paboritong kantahin katulad ng Endless Love at When You Say Nothing At All) ay napapangiti na lang ako. And right that moment kahit inis ako, napangiti na lang ako bigla. God, no! Why are these songs hunting me? Jahr, galit ka! Magalit ka! Sumibangot ka. Don’t smile, bitch!

Sabi nila, ang selos daw ay isang emosyong kailanman ay hindi mo mapipigilan. True that! Pero uulitin ko, hindi ako nagseselos, galit ako… siguro? Siguro nga selos ‘to. Kasi napansin din ng iba kong kaibigan ang naging reaksyon ko sa nakita kong eksenang yakapan at nilapitan agad nila ako para i-comfort. Pero ngumiti lang ako para kunwari hindi masakit. Yes, I’m a great pretender! Pero sa lahat ng emosyon na ipinapakita ng tao, selos ang pinakamahirap itago. Kung selos man ‘tong nararamdaman ko katumbas siguro ng salitang selos ang salitang gusto ko, ako lang. Kasi hindi naman ako makararamdam ng ganito kung sana ako ‘yung niyakap. Kung ako na lang sana.

Sige na nga, for the first time, aaminin ko na… hindi ako galit, nagseselos ako! Nagseselos ako kapag kinakausap mo ang tropa ko. Nagseselos ako kapag napapatawa ka nila. Nagseselos ako kapag sila puwede mong yakapin o i-holding hands in public pero ako hindi. Nagseselos ako sa mga taong nagiging malapit sa ‘yo lalo na kapag wala ako. Hindi naman sa selfish ako o possessive. Takot lang akong maging masaya ka sa iba at makalimutan mo kung paano kita napasaya. O ano? Happy ka na?

Baka sabihin niyo naman ang insecure ko, ha. O, ano kapag nagselos, insecure agad? Sige nga, ikaw, kapag may lumandi sa taong mahal mo, matutuwa ka ba? Kaya selos na selos ako… kahit hindi naman kami. Siguro kaya ako nagseselos kasi nga mahal ko siya kahit na alam kong wala akong karapatang magselos kasi nga wala akong karapatan sa kanya. Walang “kayo”, walang “tayo”. Ang saklap lang talaga ng realidad, eh. Minsan selos ka nang selos, kaibigan niya lang pala. Minsan naman selos ka nang selos, kaibigan ka lang pala. Ouch, bes!

Sunday, August 21, 2016

Maginoo Pero Medyo Feelingero

Define “feelingero”. Isang lalaking feeling pogi, feeling crush ng bayan, ‘yung feeling niya he got it all! Hoy, hindi ka SM! SM lang ang may karapatang magsabi ng We’ve Got It All!

Minsan nagiging feelingero at feelingera rin tayo pero ilagay naman sa tamang lugar. Hindi ‘yung kung maka-arte ka akala mo rich kid ka. Social climber lang naman. Tipong bibili ng kape sa Starbucks, ite-takeout pa kunwari para ipagyabang at i-display sa mall habang naglalakad eh nakatsinelas lang naman na Rambo. Tapos pag-uwi walang pambili ng bente-singkong ulam kila Aling Ising. Feelingero kasi!

Minsan naman kung umasta akala mo pag-aari ang Universe. Kung makarampa ng bagong biling damit akala mo nasa isang beauty contest. Tuwang tuwa siya kasi pinagtitinginan siya ng mga tao. Akala niya naman tinitignan siya kasi gandang-ganda sa kanya. Hindi niya alam kaya pala siya pinagtitinginan kasi mukha siyang tanga! Lampas pala kasi ang lipstick niyang MAC daw ang tatak, kahit na catsup lang pala sa McDo. Ayos mukha! Kung kasing ganda at sexy mo si Pia Wurtzbach, go, umasta kang Miss Universe. Mag-feeling ka all you want! Pero kung hindi, shut up ka na lang!

Madami rin sa ‘tin ang nagfi-feeling sa buhay pag-ibig. Kaya marami rin sa ‘tin ang nasasaktan, umaasa, nagpapakatanga, kaya ending, nasasaktan! Pero hindi ako naiinis sa mga taong nagfi-feeling crush ng crush nila kasi nagmamahal lang naman sila, mas inis ako sa mga taong feeling patay na patay ang isang tao sa kanya! Feelingero much! Tandaan, hindi porke’t lagi kang niyayakap ng isang tao, mahal ka na. Hindi porke’t lagi kang hino-holding hands, mahal ka na. Hindi porke’t lagi kang china-chat, mahal ka na. Hindi porke’t lagi kang nililibre ng lunch, mahal ka na. Hindi porke’t sinabi niyang crush ka niya, mahal ka na agad! Ang taas kasi nang tingin mo sa sarili mo kaya akala mo mahal ka niya, ‘yun pala minumura ka na!

Maaaring gawin ng isang tao ang mga nabanggit ko pero hindi ibig sabihin nito na mahal ka na niya. Masyadong malalim ang salitang “mahal” para gamitin mo at mag-feeling na mahal ka talaga nung tao. Maaaring mabait lang siya sa ‘yo, concern lang sa’ yo, o malambing lang talaga. ‘Wag mong bigyan ng kulay, na biglang sasakyan mo na ang biruan niyo. Hanggang papaasahin mo na siya! Magfi-feeling pogi ka na naman kasi may isang tao kang napakilig. Hoy, tandaan mo kahit wala ka kinikilig pa rin siya… kapag umiihi! ‘Wag kang magbunyi dahil may napasaya ka na namang tao dahil ang totoo niyan mukha kang clown! May napasaya ka nga but it was all behind that mask. It was all fake!

Tapos kapag dumating ang araw na fall na fall na siya sa ‘yong hinayupak ka, aasta ka ngayong kunwari naiilang ka, lalayuan mo na siya. Kapag ginawa niya ulit ang mga dating ginagawa niya sa ‘yo katulad ng biglaang pagyakap ay hahatakin mo ang mga kamay niya papalayo sa katawan mo. Tinatanggal mo na ngayon ang kamay niya sa mga kamay mo. Hanggang sa iiwasan mo na siya. Wait a minute, with this being said, baka ikaw naman pala ang may gusto kaya ka naiilang at umiiwas. Pwe! Tigilan mo ‘ko!

Sige, sabihin na nating may itsura ka, may dating, magaling mambola, sweet, maginoo pero hindi ibig sabihin na crush ka na ng lahat! At kung meron mang taong nagkaka-crush sa ‘yo, magpasalamat ka. Buti nga, out of billions of people, may nagka-crush sa ‘yo! Maging masaya ka kasi may naka-appreciate sa ‘yo, i-appreciate mo rin siya. Hindi ‘yung para kang nandidiri kapag lalapit siya sa ‘yo! Hindi siya tae, tao siya kaya wala kang rason para pandirian siya. Pero pakatatandaan na kahit crush ka niya wala kang karapatang paasahin siya sa wala! Tae lang ang pinaglalaruan! Muli, tao siya at may damdaming puwedeng masaktan. Magpakumbaba ka nga! Baba na! Bumaba ka naman, ang taas-taas ng tingin sa sarili, eh. Don’t get a little too over yourself. Nakamamatay ang pagiging feelingero!

SBD Challenge Day #2: Better Than Yesterday

Your first day on South Beach Diet is the hardest! Pero after 2-3 days you’ll feel better with the program. Like today, I feel better. Hind...