Thursday, December 17, 2015

Oh My Gas, Jahric!

“Kung mamamatay ka bukas, bakit hindi pa ngayon?” Ang sarap sabihin ng linyang ‘to sa mga taong nanakit sa ‘tin, pinaglaruan ang feelings natin, pinaasa tayo, pinagmukhang tanga, pinaghintay sa wala, at winasak ang pagka-virgin natin este puso nating tunay na nagmamahal. Haha! Minsan nga biruan pa ang linyang ito eh sa mga kaibigan natin o sa pa-Q&A portion sa mga Miss Gay Batungbakal. Pero once we experience death or a near death phenomenon doon lang natin mare-realize how serious it is.

Death? Madaming natatakot dito pero madami ring ginagawa itong biro. Katulad na lang sa mga comedy movies na kunwari ang patay ay may bulak pa sa ilong tapos biglang gigising at mananakot kahit hindi naman nakakatakot. O kaya naman ‘yung nauso dati na Death Clock sa internet wherein you can check kung kailan ka mamamatay at sa kung paanong paraan. Wow ha ginamit pa ang internet para mag-predict kung kailan ka mate-tegi boom boom. O katulad na lang ng laging sinasabi ng papa ko noon tuwing umiinom siya ng alak, “Kung mamamatay ka, mamamatay ka.” Now, sadly, he’s gone. Naalala ko pa ‘yung mukha ni papa when he was confined in the hospital talagang he was struggling to get his life back. Alam kong ‘yung moment na ‘yun hindi na niya masabi ang favorite line niya, hindi na niya mabiro pa ang tadhana because it was playing its tricks on him na.

Hindi naman importante ang death eh, kundi ang life natin. We will never value our lives or even just be serious about living and taking good care of our body na hiniram lang natin sa Diyos if hindi natin maranasan ang muntikan ng pagkawala nito sa ‘tin. ‘Di ba nga sabi nila sa love daw, you will never know the value of what you have until you lose it, same thing goes with “life”. At noong December 16, 2015 I had a close encounter with death.

It was an ordinary day for me sa work ko sa J.Co Greenhills, gawa ng donuts at tulong na rin sa pag-pack ng donuts para sa mga customers. Until night struck, since I was part of the closing team, we have to clean the store na. Ang lakas kong maka-Snow White na parang naglilinis ng bahay ng seven dwarfs. Hugas dito, hugas doon. Mop pa more. Walis pa more. Nung umpisa pa lang ng aking paglilinis ay nag-a-amoy gaas na sa paligid that even caught the attention of our manager at kaya nagpahanap siya agad ng guards to check up on it. At habang wala pa ang guards, siyempre tuloy pa rin ang paglilinis ko. Binuksan ko na ang ilalim ng sink to clean our grease trap. Nakakasulasok na amoy ang sumalubong sa ‘kin, kadiring amoy ng gaas na pati mga co-workers ko ay amoy na amoy na. Dinoble ko na ang face mask ko para maibsan ang amoy, I cleaned the thing for like 15 minutes and it only took me that short amount of time to have that near encounter with kamatayan. After cleaning, I felt unease. Parang may gumuhit na kung ano sa loob ng tiyan ko. I went to the bar area para maghugas ng kamay and there I suddenly felt shortness of breath. Lumabas na ako ng store para makahinga ng maayos. I unbuttoned my clothes and shred it off of me. Then, I started to get fidgety. My vision kept on getting hazy. Until I got dizzy then wobbly, sobrang blurred na ng paningin ko and I was still gasping for air. Lumabas ‘yung isa kong co-worker to check on me. I asked for a paper bag so I could breathe through it. Hanggang naisip ko na I was hyperventilating. I was breathing through and through that paper bag then I felt that pain in my stomach again. Kaya tumakbo na ako sa second floor namin while I still have energy, I went straight to the restroom and I plunged my face in the toilet bowl and vomited to death. Another co-worker came into rescue, hanggang may dumating na medical assistance na pinatawag ng manager ko. While the first aider was checking on me, I was still catching my breath. Hindi pa rin ako makahinga ng maayos tapos biglang sumakit na naman ang tiyan ko but this time the pain crawled up to my back. Ang sakit! Ang sarap magmura! Tinatanong na niya ako kung gusto ko daw magpapunta ng hospital, I said no. Kasi ayokong maging burden pa sa mga tao sa store namin at ayokong mag-alala ang pamilya ko. Kaya ko ‘to! Kaya he asked me na lang to lie down and to raise my feet above a table. Medyo nag-cease na ‘yung sensation ng sakit ng tiyan ko and my breathing slowed down until I fell into sleep. Sabi ko na sa inyo para akong si Snow White eh, kung siya ay muntikan ng ma-tegi sa poisoned apple, ako naman sa poisonous gas. But sadly, walang Prince Charming na dumating para iligtas ako with a true love’s kiss.


Good news! Nakauwi pa naman ako ng buhay. Thanks be to God! Grabe, ang experience na ‘yun, I wasn’t only gasping for air but for my life. While all that chaos was happening, iniisip ko, “I can’t die now. Madami pa akong hindi nagagawa sa buhay.” Buti na lang talaga hindi pa ako kinuha ni Lord. Kaloka, wala pa nga akong nagiging first boyfriend eh, sayang naman ang sexy body ko kung walang makakatikim sa ‘kin at made-deds na lang agad ako. Haha! Kidding aside, I realized so many things, na pa’no kung tuluyan na pala akong hindi nakahinga at na-suffocate to death ng hindi ko lang man nayakap at nahalikan ang mama ko, o nasabi kung ga’no ko kamahal ang mga kapatid at pamangkin ko, o nakapag-gala for the last time with my dear cousins, nakapag-bonding with my superfriends, at nakapagpasalamat muli sa mga supporters ko na nagbabasa ng mga libro ko. Pa’no na lang nga kung namatay na pala ako bigla? Maaalala ba ako ng mga tao o makakalimutan na lang pagkalipas ng ilang buwan ng aking pagpanaw? But above all, will I enter heaven or hell? Ang daming pumasok sa isip ko sa mga oras na nangyayari ang malla near death experience ko. But something I said to myself, life’s too short kaya I will live my life to the fullest, I will be a good son of God, I will say what is right and do what is right. Kaya, thank God everyday para sa buhay na ipinagkaloob niya sa ‘tin. Praise Him! ^^

Thursday, December 10, 2015

The “Parang Kayo Pero Hindi” Feel

Kilala niyo ba si Chelsea? Siya ‘yung babaeng naging syota ni David sa Pangako Sa ‘Yo. Hindi man main star o iconic ang role ni Chelsea pero tumatak siya sa isip ko. Kahit nakakainis ang karater niya dahil panira siya sa mga eksena nila David at Yna pero kahit pa ay naiintindihan ko siya. Because I was once in her position. At alam kong maraming Chelsea sa mundo katulad ko. ‘Yung taong pati bestfriend ng syota niya pinagseselosan. Kasi ba naman pa’nong hindi ka magseselos kung laging ang bestfriend ng syota mo ang kinakampihan sa halos lahat ng bagay kaysa ikaw. Sino bang hindi magseselos, ‘di ba? Pero buti nga sa kuwento ni Chelsea sa Pangako Sa ‘Yo ay sila na ni David, eh. At least alam niyang sa kanya lang si David, makararamdam siya ng guarantee na mahal siya nito. Eh pa’no naman ‘yung mga nililigawan pa lang o nasa landian stage pa lang pero nagseselos na sa bestfriend ng soon-to-be boyfriend niya. Kasi ba naman kalalaking tao ang bestfriend pa ay babae. Kaya makita lang na mag-post sa Facebook na magkasama sila ay magseselos ka na.

Mahirap malagay sa ganitong sitwasyon ‘yung wala ka pang assurance na ikaw na ang “the one”. ‘Yung feeling mo may karapatan ka na sa kanya pero wala pa. ‘Yung feeling mo kayo na pero hindi. Hindi ka naman nag-i-imagine na crush ka rin ng crush mo. Dahil totoo namang may nanunuyo sa ‘yo pero ang saklap lang dahil ang bilis mong na-fall kaya kahit hindi dapat makaramdam ng mga bagay katulad ng selos, galit o inis hindi mo mapigilan kasi mahal mo na ‘yung tao. Hindi mo malaman why you feel this way. Kasi kahit baligtarin mo man ang mundo, mali ka pa rin dahil hindi mo pa siya pag-aari. Hindi pa kayo.


Nagseselos ka, wala ka namang karapatan. Nasasaktan ka, hindi naman kayo. Tandaan mo, habang hindi kayo, wala kang karapatan. Ginusto mo ‘yang ganyang sitwasyon, ‘di ba? Then play by the rules, habang hindi pa kayo magpigil-pigil ka dahil wala ka pa namang kasiguruhan kung ikaw na talaga. Kahit magsabi man siya ng isang libong “I love you” pero hindi pa kayo, magpigil ka ng landi dahil sa huli ay masasaktan ka lang. Mamaya magulat ka na lang tapos na pala ang laro, game over na. Kung si Chelsea nga eh sila na ni David pero she still felt threatened na iwanan siya ni David for Yna, ikaw pa kaya na nililigawan pa lang? Kaya ‘wag kang kiligin ng todo, magtira ka sa sarili mo at mas mahalin mo ang sarili mo kaysa sa kanya dahil kapag nagdesisyon na siya na itigil ang landian niyo at iiwan ka na niya, malamang wasak ka. 

SBD Challenge Day #2: Better Than Yesterday

Your first day on South Beach Diet is the hardest! Pero after 2-3 days you’ll feel better with the program. Like today, I feel better. Hind...