Friday, June 5, 2015

Estudyante Survival Kit: A Bonus Chapter To AKEK

ESK #1: Notebook

Napakaimporte ng notebook lalo na kapag nasa grade school ka pa lungs. Kasi kapag wala kang notebook, lagot ka kay teacher. ‘Di ba mahilig magpasulat sa notebook ng napakahabang cheness sa blackboard ni teacher? Hindi mo tuloy alam kung sumasali ka ba sa pabilisan sumulat contest o estudyante ka eh. At kapag tapos na ang klase, ‘yan na si teacher at magche-check ng pinasulat niya sa notebook mo. Kapag wala kang sulat, patay ka, wala kang three stars!

Sino ba sa ‘tin ang hindi naka-experience ng napakalaking notebook para sa Science subject nung high school? I love Science, pero bakit ba kasi napakalaki ng notebook? Wasak porma eh! Kaloka ang experience ko diyan. Dahil nga napakalaki ng notebook sa Science, halos doble ng ordinary notebook mo sa ibang subjects, kailagan mo rin ng napakalaking bag. Eh mahilig ako sa sling bag eh, pero hindi ‘yun uubra dahil sa Scince notebook. Kaya dapat pang mountain hiker ang bag mo para magkasiya yung letchugas na Science notebook na ‘yan. Curse you big Science notebook!

Siguro notebook na ang pinaka-safe na gamit ng isang estudyante. Kasi hindi nahihingi, ‘di katulad ng yellow paper o intermediate pad kapag may exam na ay nandiyan na ang mga SPG (aka sobrang patay gutom) mong klasmeyts na manghihingi sa ‘yo ng papel, yung totoo, first week of classes, wala na agad papel? Kaimbyerna! Pero ang nakakaloka, ay yung mga ang kakapal talaga ng mukha na pati notebook ay wala sila, tapos makikihingi ng pilas sa notebook mo. Pa-aguinaldo na nga lang ni Mayor ang notebook mo, hihingi pa ng pilas. Wow, nipis ng mukha, super nipis! Kaya now, alam mo na ha, to survive the student life, ang una mong kailangan ay notebook… para sa teacher mong may pa-writing contest everyday at para sa mga klasmeyts mong mga chukaderang parasites!


ESK #2: Ballpen

Ang pangalawa mong kailangan sa iyong Estudyante Survival Kit ay ang ballpen. Bakit? Eh pa’no ka makakapagsulat sa pa-writing contest ng teacher mo everyday kung wala kang ballpen? Saka napaka-vital ng ballpen sa buhay estudyante kasi bigla ka na lungs mahuhusgahan, remember, kapag kunwari may nakasalubong kang estudyante sa campus at biglang nanghiram sa ‘yo ng ballpen tapos wala ka, ang sasabihin agad sa ‘yo, “Estudyante ka ba? Bakit wala kang ballpen.” Sampalin ko siya eh! Maliban sa mapanghusga sa pagiging estudyante mo, eh siya ba may ballpen? Estudyante din siya tapos wala rin siyang ballpen at sa ‘yo pa manghihiram! ‘Wag niya nga akong lokohin baka pektusan ko siya sa gums!



Remember the time na kapag nagsusulat ka sa notebook mo iba iba yung kulay ng ballpen mo, may black, blue and red. Yung red ay para sa title ng sinusulat mo, kunwari, “Reproductive System of a Male” tapos yung blue ballpen naman ay para sa mga sub-titles, katulad ng, “Penis”, “Testis”, at iba pa. Tapos yung black naman ‘yun yung para sa mga definition ng mga subs under “Reproductive System of a Male”, remember? Sorry, medyo SPG yung examples ko, wala kasi akong maisip eh. Pero naaalala mo na? Haha!

Maliban sa use ng ballpen para sa mga pinapasulat sa klase, napaka-importante ng ballpen sa Estudyante Survival Kit mo dahil mawawala at mawawala ‘yang ballpen mo. Sige nga, tell me ilang librong beses ka na nawalan ng ballpen? Kastress ‘di ba? Daming magna cum laude sa klase! Naalala ko tuloy si Partner (yung isa sa mga superfriends kong si Harilyn Baluyot), hindi dahil sa magna siya ng ballpen ha, kundi kakaloka siya na yata ang taong kilala kong obsessed sa ballpen. Ang dami niya kayang collection na ballpen, may mga design na parang chocolate, merong may mga feathers, basta ang dami! Kaya hindi siya nawawalan ng ballpen eh, ever! Siya ang supplyan ng ballpen sa klase namin dati. Ewan ko baka nineneknok niya din yata yung mga ballpen niya sa ibang tao, CHOS! Haha! Kaya ang payo ko, ‘wag ka ng bumili ng Parker, G-Tech, o ang favorite kong Pilot Frixion na puwede mong burahin yung sulat mo, ‘wag na yung mamahalin. Ang bilhin mo na lang ay yung tigpa-five pesos, puwede yung HBW o kaya Panda kasi mawawala at mawawala din ‘yang ballpen mo kahit na ga’no ka pa ka ingat. Promise!


ESK #3: Chichirya

Tomi, Rinbee, Peewee, Lala Chocolate, Sampaloc Balls na lasang ipis daw, akala mo nakakain na ng ipis. Remember? ‘Yan ang mga chicha (and more) na hinding-hindi mawawala sa isang buhay ng estudyante. Lahat naman yata ay naka-experience ng food basket nung elementary, right? Yung papasok yung sipsip na klasmeyts mo na inutusan ni teacher na may dala-dala ng food basket. Once na rin akong napagutusang kunin yung food basket eh, ‘lam mo na! Haha! Tapos lahat ay pipila para bumili ng kung ano anong chichirya at minsan naman, dati sa ‘min tuwing Lunes, ay may tindang sopas. Tapos meron pa sa ‘ming nagiikot na ale na nagbebenta ng kung ano anong kendi. Pinapakyaw ko lagi yung tinda ni ateng Haw Haw eh saka Mikmik. Mmm, sarap!

Masaya pa nung kinder at elementary kasi may sari-sariling lunch box lahat eh, may baong Zest-O at Pretzels yung iba naman ay Chocolait at chicken sandwich na gawa ni nanay. Pero nung nag-high school at college na, nakaw, talamak na ang mga parasites! Tipong kapag nagdala ka ng Chippy sa klase, habang palakad ka sa upuan mo, lahat ng mata ay nakatitig sa ‘yo. Instant celebrity ka! Tapos kapag binuksan mo na yung Chippy, pagkakaguluhan ka, lahat manghihingi sa ‘yo. Yung mga kaibigan mo, wala na ngang paalam eh, dudutdut na agad agad. Pati yung mga kaaway mo biglang magiging mabait sa ‘yo para makahingi lang ng Chippy.

Meron nga akong kadiring klasmeyt nung high school eh, kapag nanghihingi sa ‘kin yun, wala na talagang nakahihingi pang iba. Katulad nung nanghingi siya sa ‘kin nung iniinom kong sago’t gulaman, siyempre mabait ako at tinirhan ko siya tapos pagbigay ko sa kanya yung isa niyang tropa gustong makiinom, ang ginawa niya dinuraan niya yung sago’t gulaman para hindi na makahingi yung tropa niya. Kadiri talaga! Pero totoong nangyari ‘yan, hindi ko na lang sasabihin kung sino. Pero naloka talaga ako sa kanya. Durara?

Do you now know kung bakit mo kailangan ang chitchirya sa iyong ESK? Well, first, para pantawid gutom. Second, para magkaroon ka ng maraming kaibigan. Remember, one chichirya a day makes you popular for the entire school year.


ESK #4: Pera

Pera, pera, pera. ‘Yan na yata ang pinaka-importante sa buhay ng isang estudyante. Kasi nothing is free in this world, kahit nga pagibig binibili na, CHOS! Hugot much? Haha! But really, wala ng libre sa mundo. Eh first day of school pa lang nga dapat may dala ka ng kayamanan eh kasi meron at meron diyang isa sa mga subjects mo na magre-require na bumili ng floor wax at basahan. Once nga eh, pagkita ko sa faculty room may isang cabinet dun na dedicated sa pagkolekta ng floor wax at basahan. Naloka ako para akong nasa museum ng iba’t ibang kulay ng bilog na basahan at sankatutak na floor wax na iba’t iba ang brand. Kaya you need money kasi ano ipapambili mo ng floor wax at basahan kung wala kang pera?

Naalala mo meron kang subject na hindi ka papapasukin kung wala kang suot na footrag. Lecheng footrag ‘yan, lagi akong hindi pinapapasok sa klase kasi kung hindi nawala ko yung footrag ko, naiwan ko naman sa bahay. Kaya ‘yun napapagastos ako lagi sa pagbili ng footrag na ‘yan! Footragis! ‘Kala mo naman gawa sa ginto yung classroom at bawal marumihan yung sahig. Excuse me po, bago po yung shoes ko! Rusty Lopez ang tatak niyan, CHOS!

Magkano ba ang baon mo nung nag-aaral ka pa? Ako, nung Kinder wala eh kasi naka-lunch box kami. Pagandahan kaya ng lunch box noon! Tapos nung Elementary na alam ko sampu na yung baon ko nun eh, pero may baon pa rin ako sa lunch box ko. Nung naging grade 5 na ako naging bente na baon ko. Tapos nung High School na ay naging Php 50 na. Nung tumungtong na ako ng College naging Php 80 na baon ko kasi malapit lang school ko eh withing Manila lang. At nung nag-aral na ako ng Caregiving, naging isang daan na baon ko kasi sa Anonas, Cubao na yung school ko eh. At nung bumalik ako sa College, nag-aral na ako sa Marikina, so, mas malayo na kaya naging Php 150 na baon ko. Gusto ko nga dapat sa Mindanao mag-aral eh, para mas malayo baka Php 1000 a day na baon ko nun. CHOS! Ikaw magkano baon mo?

Ang ESK #4 na pera ay ang napaka-importante sa lahat dahil kung wala kang allowance, wala kang pang gastos. Paano na lang kung biglang nag-aya yung mga friends mo na mag-mall after class tapos wala kang perang dala? Ano papalibre ka na lang? Baka hindi ka na nila isama sa susunod. But, please take note of this, ‘wag na ‘wag magpupunta ng mall kapag school hours ha. ‘Wag magkaka-cutting para lang mag-gala sa mall. Puwede naman basta after class, again, AFTER CLASS. Okay? Hindi during class hours. Nakaw, ‘pag ikaw na huli ko mismo pepektusan kita sa ngala-ngala. Remember ang hirap na dinaranas ng mga magulang mo magkapagaral ka lang, isipin mo mga sakripisyo nila makapagaral ka lang, tapos mag-gagala ka lang sa mall! ‘Yoko nang magdrama dito, nagmumukha na akong nanay. Haha! Basta remember, ang binigay sa’yo ng magulang mong pera has to be spent wisely. Spend every peso wisely. Magagalit si Rizal.`


ESK #5: Kikay/Totoy Kit

Kikay at Totoy Kit ang panglima sa listahan natin ng ESK. Let me describe muna ano ano ba dapat ang laman ng isang Kikay at Totoy Kit. For Kikay Kit, kung High School student ka pa lang, okay na ang may pulbos, lip gloss, at blush-on. Pero kung kolehiyala ka na, dapat mag-upgrade ka na, magdagdag ka na ng foundation cake, eyeliner, mascara, lipstick, at concealer. For Totoy Kit, mapa-High School o kolehiyo, dapat meron kang hair comb, pulbos, at hair wax, ‘wag na gel ha at lalo na yung pomado, jusko ‘dong, pang-lolo na ‘yun. Haha! Note to readers, kung grade schooler ka pa lang, ‘wag ka ng mangarap magka-Kikay at Totoy Kit at baka bigyan kita ng hame-hame wave! Okay na yung pa-cute muna kapag elementary, pa-tweetums. Focus muna kayo sa ten-twenty at Chinese garter, okay kids?

So, what for ang Kikay/Totoy Kit? Para kay crush! Ayyiiieeee! CHOS! Well, half-meant, oo, siyempre sino ba ang gustong makita ni crush na gulo gulo yung buhok at putlang putla na parang lumaklak ng isang boteng suka? Wala. Kaya pang-SOS ‘yang Kikay/Totoy Kit, para ‘pag biglang dadaan si crush ay may pang-retouch. Malay mo mas mainlove pa sa ‘yo si crush. ‘Di ba? Some may say, na para lang pala sa paglandi ang Kikay/Totoy Kit. Na-ah! Because above all, ang Kikay/Totoy Kit will be your guiding tool to look presentable to people (not just to your crush). Haggard ka na nga sa pagaaral, haggard pa rin mukha mo. Siyempre dapat laging mukhang fresh. Sino bang gustong pumasok na mukhang bilasa, aber? Lalo na ngayong nasa High School at College na kayo, dapat mas alam niyo nang alagaan ang inyong sarili, alam niyo na kung pa’no mas palabasin ang inyong tunay na ganda at kapogian. Hindi yung college ka na, dugyutin ka pa.

Noong nasa fourth year college na kami, I remembered we were browsing our photos nung first year, grabe, we were all shocked at how we really transformed from ugly ducklings to beautiful swans. We often call those “dark times” as our “nene days”, yung tipong mga choices of clothes namin ay kachakahan pa, at yung mga itsura naming parang mga nabugahan ng tambutso. Sobra kaming tawanan lagi, reliving those memories, and also thankful that we chose that path of changing, of carrying one of those Kikay/Totoy Kits. More importantly, kaya na sa list ng Estudyante Survival Kit ang Kikay/Totoy Kit because if you like how you look, you will feel good, and if you feel good you will gain confidence. ‘Yun ang lagi kong sinasabi sa mga taong tinatanong ang beauty secret ko, confidence. Sobrang taas kasi ng confidence level ko and it continued to go higher every time I feel good on how I look. Confidence is key to a lot of successes in my life.


ESK #6: Chalk

Actually hindi naman required and chalk sa Estudyante Survival Kit eh, pero I still wrote it here kasi alam ko kakailanganin mo din ito somdeday, lalo na yung mga girls. Well, chalk can be used to a bunch of things din kasi. Puwede mo kasing gamitin ang chalk sa pagpapa-impress mo sa teacher mo. Meron kasing mga teachers na papasok ng classroom ng wala lang mang dalang chalk. Eh, instead na mag-utos sila sa isa sa mga inyo na kumuha sa faculty room o manghingi sa kapitbahay na classroom, puwedeng puwede kang mag-share ng chalk kay ma’am. Panigurado ako, ikaw na agad ang favorite student niya. Teacher’s pet ka na agad agad! Malamang 95% na grade mo niyan kay ma’am. Haha! Kaya magdala ka na ng isang box ng chalk dahil sigurado ako lagi ng manghihingi sa ‘yo si ma’am.

Kaya ko naman nasabi na kailangan lalo ng girls ang chalk ay dahil naka-experience na ako na in need talaga ang mga girls sa chalk. Noong high school pa ako, makikita mo yung girls sa restroom na nagkakandarapa, meron pa nga sa ‘king nanghingi ng chalk eh, na bigyan ko naman from the nearest classroom, kaya pala nila need ng chalk ay kapag nagka-red sea sila tapos yung palda nila ay natagusan. Ouch, bloody Mary! Kaya ang ginagawa nila ay pinapatatungan nila ng chalk yung cheness sa palda nila. Aminin niyo na girls, kung hindi dahil sa chalk hindi kayo mabubuhay kapag unexpectedly ay red season pala. Lakas maka-SOS ng chalk, ‘di ba?

May ise-share ako na experience ko sa chalk na ‘yan. Alam niyo bang dahil sa chalk na ‘yan ay napa-guidance office ako. Adik kasi yung isa kong friend, paglabas nung English teacher namin, nag-drawing siya sa blackboard gamit ang chalk, yung drawing niya ay isang malaking ulo na parang yung sa commercial ng Eggnog dati tapos nilagyan niya ng eyeglasses tapos may fill in the blanks sa ilalim, may five lines corresponding sa kung sino ba yung bida sa drawing niya. Then, he asked me na sagutan daw. Eh may nilagay na siya na first and last letters, so, three letters na lang huhulaan, ako namang gullible sinagutan ko naman yung fill in the blanks at nilagay yung name nung isa naming classmate na mukha naman talagang eggnog. Haha! Tapos nung nakita ‘yun ni eggnog, grabe galit na galit siya at nagsimula na ang tunay na Fight of the Century… Tuna! Haha! Sinapak niya ako at pinagtatadyakan pero inawat siya agad ng mga classmates namin, kaya nakaganti ako agad, habang hawak hawak siya ng boys namin sa klase, nilabas ko ang mga kuko ko na malla-Catwoman at pinagkakalmot siya sa mukha, sa braso, at grabe dumanak talaga ang dugo. Tapos hinagisan niya ako ng eraser, pero hindi ako natamaan, dinampot ko yung eraser at hinagis ko sa kanya. Pak, sapul sa duguan niyang mukha. Puro siya chalk dust sa mukha. Tuwang tuwa ang lahat, they were all cheering for me. Siguro kasi feeling nila napaghiganti ko na silang lahat. Most unwanted kasi sa klase yung nakaaway ko eh. Grabe yung sigawan nila, I could hear it so loudly. Lalo na yung nagpauso nung drawing sa blackboard, leche, tuwang tuwa! Hayop! Siya may kasalanan ng lahat ng ‘yun eh. Haha! Tapos ‘yun dumating yung Filipino teacher namin and we were sent to the guidance office. Moral of the story, ‘wag magpapauto sa classmate na may kunwari pa-Q&A portion alla Ms. Universe for you, kasi magiging UFC ang ending. Duguan. Ouch.

Again, ang chalk ay puwedeng gamitin ng boys and girls para maging close ang teacher pero ‘wag kang aabot na magiging sipsip na ha, kasi kaiinisan ka ng lahat. Madami akong straw na classmates dati eh, nakakabadtrip. Okay na yung medyo dikit lungs kay ma’am. At puwde rin gamitin ang chalk ng girls kapag nagka-gera at dumanak ang dugo, okay? O kapag totoong dumanak na ang dugo katulad ng nangyari sa ‘kin. Adios!


ESK #7: Bubble Gum

Madaming gamit ang bubble gum kaya naman nasa #7 list siya ng ating ESK. Puwede mong gamitin sa kasamaan o kabutihan ang bubble gum. Ready? Well, for instance, ang boring boring ng teacher mo, kung ano ano yung dinadada sa harap ng klase, maganda na ngumuya ka ng bubble gum para naman pantawid boredom. ‘Wag ka lang papahuli kasi baka palabasin ka ng klase o sabihan kang kambing.

Isa pa sa mga gamit ng bubble gum ay kapag ngumanga na ang sapatos na bili sa ‘yo ni nanay galing sa Divisoria. You can chew a gum at kapag wala ng lasa ito puwede mo na itong gamitin na pandikit sa sapatos mong chismosa, dada ng dada! Also, kung may nangbu-bully sa ‘yo sa school at ayaw kang tigilan, ilagay mo sa upuan niya yung bubble gum para dumikit sa puwet niya. Tignan ko lang kung hindi siya tumigil sa pambu-bully. Ang hirap pa namang tangalin ng gum sa uniform. Gagamit pa ng gas at kung ano ano. Maloloka si nanay. Pero mas nakakaloka naman yung gum na dumikit sa buhok. Grabe, dati yung pasaway naming classmate nilagyan ng bubble gum yung buhok ng isa pa naming classmate. Kawawa naman yung batang babae, ang haba-haba pa naman ng buhok niya tapos kinabukasan kalbo na siyang pumasok. Kasi yung walanghiyang pasaway na yun ay sa anit pala nilagay yung bubble gum. Kawawa talaga yung bata. Buti na lang hindi ako long hair nung bata. Haha!

You could use a bubble gum in so many ways. Think of any. Sky is the limit. Kaya ‘wag na ‘wag kakalimutan ang magdala ng bubble gum ha. Kahit anong brand, kahit na Doublemint, Juicy Fruit, iCool, o ang favorite kong Judge.


ESK #8: Liquid Eraser

Importante din sa ‘ting mga estudyante ang liquid paper dahil tao rin naman tayo, nagkakamali. Hugot! Pero totoo naman eh, katulad na lang habang nagsusulat ka, biglang may wrong spelling pala, o kaya naman habang nag-e-exam, imbis na B ay C ang nalagay mo. Eh di masaya at maitatama mo pa ang iyong mali kung meron ka ng mahiwagang liquid paper o liquid eraser. Kahit pa na Pilot Frixion ang gamit mo, you still need to have a liquid eraser with you. Why? Kasi nakakaloka ‘yang Pilot Frixion, nung nasa second year college na ako at tinignan ko yung notes ko nung first year, nawindang ako kasi wala ng nakasulat sa notebook ko. Kusang nabubura kasi yung sulat ng Pilot Frixion pagdating ng panahon. Well, my good effect din naman, dahil burado na nga lahat ng ni-lecture namin sa notebook ko, eh di puwede ko na yung sulatan ng new notes ko. Nagkaroon pa ako ng instant notebook! Bagong bago. Haha!

Naalala ko nung high school student pa ako, habang nagpe-periodical exam kami, yung katabi ko kalabit ng kalabit sa ‘kin, tanong ng tanong kung anong sagot sa number 37 tapos sa number 26 tapos sa Test 2 daw. Kaloka! Eh di sana ako na lang sumagot ng test paper niya, lahat na yata ng number ay tinanong niya eh, stressful! Dahil imbyerna na ako, habang nagbubura ako ng answer ko using liquid eraser, nung bigla niya ulit akong kinalabit, hala, nawasiwas ko yung liquid eraser sa mukha niya. Grabe talaga yung inis ko that day, if you could just see his face, para siyang naging miyembro ng 101 Dalmatians, pero yung sa kanya imbis na batik-batik, linya-linya yung sa mukha niya. Bigla siyang napatayo eh at umambang sasapukin ako. Sorry, to the rescue si ma’am. At siyempre sinumbong ko ang pangongopya niyang hayop siya! Siya na nga nangongopya, sasapukin niya ang beautiful face ko, CHOS! Pero okay na naman kami. Nabura na ang galit namin sa isa’t isa ng liquid eraser.

Now, I don’t want you to carry some liquid eraser and treat it as a weapon ha. Please don’t! Nabigla lungs talaga ako kaya na buhos ko sa mukha nung kumukopya sa ‘kin yung liquid paper. ‘Wag niyo kong tularan sa larangang iyon, pawang propesyonal lamang ang nakakagawa ng gano’n. Charaught! But seriously, use the liquid eraser properly. Tandaan, hindi lahat ng bagay ay kayang burahin at hindi lahat ng nabura ay kaya pang-ibalik. Hugot much na naman! Haha!


ESK #9: Pamaypay

Siguro ang ESK #9 na ang pangalawa sa pinaka-importante sa lahat ng nasa listahang ito lalo na kung sa public school ka nag-aaral. Yung tipong walang mga electric fan sa classroom, kung meron man, kung hindi sira ay iisa lang. Tapos yung mga bintana niyo pa sa classroom ay yung mga kinakalawang na yung windowpane kaya hindi mabuksan for fresh air man lang. Hay, ganyan talaga ang buhay public school, tiis-ganda to the nth power!

Kaya napaka-importanteng may pamaypay ka sa loob ng klase eh lalo na ‘pag panghapon ka, kasi kapag nag-ala una na hanggang alas tres ‘yan na ang extension ng impyerno. Naku, grabe ang init! Para kayong nasa oven toaster. Kaya heto ka na ilalabas na ang iyong pamaypay at magbibigay ng hangin sa iyong sarili at sa mga katabi. Pero siguro yung pamaypay as pantawid init would be the least that it could do. Yung pamaypay kasi namin dati ay lalagyan ng names ng tropa dun sa ridges nito o sa kawayan na parte, may mga nakalagay na “Tropang Kagak” tapos kung ano anong design kasama ang name like, “:_Jahric_: <3”. Don’t tell me walang mga names ang pamaypay niyo ha. Kasi ako lahat ng naging pamaypay ko pati na pamaypay ng mga kaibigan ko ay nilagyan namin ng mga pangalan namin dun sa kawayan na part.

There’s also this story that I would share to you, pero please don’t do it! Yung professor ko kasi sa major subject ko sa HRM dati ay may nahuli daw na estudyante na nagkokodigo habang nagpapa-test siya. Pero hindi sa extra paper, sa legs, o sa panyo nakasulat ang kodigo kundi sa pamaypay daw. ‘Yun pinunit niya yung papel at hindi na pinakuha ng test. Bokya agad siya sa test. Again, ‘wag tularan! Kaya sinabi ko sa inyo na ‘wag itong gawin dahil hindi naman effective eh. Gagawa ng kodigo sa pamaypay? Shunga! Mabilis mahuli ‘yun, dapat ang ginawa niya… hep, hep! Just kidding, masama mangodigo at mangopya! Ang dapat ginawa niya talaga ay nag-aral ng mabuti, nakinig nung tinuro yung lessons, at nag-review para ma-refresh yung utak niya.

Now, you know what’s the real use of pamaypay ha, para sa hot weathers, para i-vandalize ng tropa to embed memories together, at hindi para sa pangogodigo (kasi hindi effective). Haha! God is watching us from a distance. Makonsensiya ka!


ESK #10: AKEK Book

Eto na yata ang pinaka sa pinaka importanteng kailangan para sa iyong Estudyante Survival Kit. Hindi dahil book ko ito at gusto kong madaming makabili at makabasa para maging bestseller book ito (well, medyo. Haha!) pero dahil totoong ito ang magiging gabay mo para maka-survive ka sa buhay estudyante. Bakit? Itong libro kong AKEK ay punong puno ng mga essays at memoirs ko bilang isang estudyante at alam ko na lahat ng naging experiences ko ay magagamit mo sa buhay estudyante mo. You will be able to read on this book, my ups and downs ng buhay estudyante, pati mga what-to-expect sa first day of school at pati na rin ang mga klase ng estudyante na puwede mong ma-encounter. Alam ko na ang karamihan sa mga nagbasa ng AKEK ay pinagdaanan din ang mga napagdaan ko kaya naman super relate sila dito kaya alam kong makabubuti sa ‘yo ang pagbabasa ng AKEK.

Bakit ko nga ba sinulat ang AKEK? Simply because I want to share my fun-learning experiences as a student. I want to inspire people to become better students yet to enjoy the student life! Hindi naman mahirap i-balance ang pag-aaral at pag-e-enjoy eh. Actually it’s better nga if you enjoy pag-aaral eh. School is cool! You just have to know what interests you, what your heart desires. Dahil meron at meron kang magiging favorite subject kung hindi man baka favorite teacher o kaya naman favorite tropa na hihilain kang mag-aral. I don’t want you to be a perfect student, because I always believe that there’s nothing perfect in this world. No one’s perfect, except Him. Just enjoy it! It’s okay to make mistakes as long as you learn from it. Now, I want you to spread your wings and prepare to fly now that you know the Estudyante Survival Kit. Study hard but have fun!


SBD Challenge Day #2: Better Than Yesterday

Your first day on South Beach Diet is the hardest! Pero after 2-3 days you’ll feel better with the program. Like today, I feel better. Hind...