Friday, September 26, 2014

The Chronicles of Biyaheng Pinoy

Overwhelming traffic? Truly more fun in the Philippines. Sarcasm, I know. Who here didn’t experience the FUN bumper-to-bumper scenario in the highways and roads in Pinas? Lakas maka-bump car ride sa perya eh. Lahat naman tayo siguro eh napagdaanan na ito. Ito lang naman ang napaka-buwisit na eksena sa kalseda every freakin’ day! So, what others do, sumasakay na lang sila ng train sa PNR, LRT o sa MRT. But, are we sure na hindi ito pagsisimulan ng pag-init ng ulo natin? Here’s my story alla #MRTChallenge…

I do not own the rights to this photo.
Once upon a time (which I so wished!), nung pauwi na ako from my nakakalokang final interview sa Makati Shangri-La, kasi ba naman my interviewer was supposed to be the Filipino Head Chef but since he was busy that time with the banquet function and stuff, I was interviewed by Chef Roman, an Italian chef. I'm always good with interviews but that, I was fidgety on the spot. Biglang foreigner ba naman mag-i-interview sakin eh. Shocking! But on the duration of the interview, it was cool. He was nice. Super nice! To the point that he said to me things like (here comes the bummer!), “Are you really sure you want to work in the Pastry Kitchen?”, “You dressed well. You speak well.”, “You have an incredible background, cum laude.”, “You're a novelist. A blogger. An event host”, “You won grand prize in a writing contest.”, “You gave an inspirational speech for college students.”, “Are you crazy in applying for the kitchen?” Grabe, sobrang palakpak talaga tenga ko sa mga sinabi ni Chef, but the most important (and equally stressful) part of the story is the ending. Yung ending, sabi ni Chef e-endorse niya daw ako sa Front Office kasi sayang daw ako kung masisigawan lang daw ako every day, 8 hours every duty. Kaya yun bumalik ako ng HR office at sabi sakin they'll contact me na lungs daw para sa final interview na NAMAN, this time, sa Reservations Department. 'Di ko alam kung matutuwa ba talaga ako kay Chef o iiyak eh! Pa'no na dream ko maging PASTRY CHEF? Kaya yun pag labas ko ng Shang, nagwala ako! Lumamon na naman ako ng balde balde sa KFC dahil sa EWAN NA EMOTIONS!

Anyway, that was a different story. So, let’s go to the “Biyahe” itself na. Siyempre pag nangaling ka sa Makati Shangri-La the only way for you to go to Cubao ay bus o kaya naman ang THE BEST na MRT. So, I chose THE BEST. Well, kasi naman at that time there was a heavy traffic going on atsaka walang pila sa bilihan ng ticket sa MRT kaya yun napapayag ako ng mga sitwasyong iyon. Pero mali, maling mali ako! Kasi naman, oo nga walang pila sa bilihan ng ticket pero nung nandoon na ako sa part ng bag inspection. BOOM! Super mega O.A. ng haba ng pila. Simula dun sa siomai-yan, umikot yung tatlong linya ng pila sa KFC tapos sa Mr. Quickie pati narin doon sa paikot ng mga nagbebenta ng mga cellphone na GSM. Grabe talaga, dinaig pa ang pila sa ride sa Star City o sa enrollment ng PUP. Kaloka much! But not just the pila ang nakakaloka, also the movement of the pila ay mas mabagal pa sa pagong. Mga after every five minutes ka bago maka-isang hakbang pa sulong. Kaloka much talaga! BUT, suddenly everything became wonderful! Kasi ba naman sa kabilang pila may na-sight akong pogi. Puti ni kuya, lakas maka-KPOP ng buhok, at matangkad pa. CHARAP! Boyfriend material. Pang-display si kuya. Tipong pwede mong i-rampa at ipagmalaking jowa mo dahil sa mega pogi ito. Kaya yun hindi na ako medyo na bagot sa kahihintay sa napakabagal na usad ng pila.

I do not own the rights to this photo.
After mga 48 years, ayun finally, umabot narin ako sa turnstile and I was able to get in. But, unfortunately, naghiwalay na kami ng landas ni kuyang pogi. Haay, mamimiss ko siya. Mahal agad? Well, moving on, ayun akala ko okay na ang lahat, pag sakay ko mismo sa tren, wow, another delubyo na naman. Sobrang sikip sa loob ng tren. Siksikan talaga! Siyempre ‘di mo naman maaalis sa mga tao na magtulakan paloob ng tren makasakay lang at makauwi sa mga bahay-bahay. Sa loob ng tren, grabe talaga maluwag pa ang lata ng sardinas. Kisame lang ng tren ang hindi masikip eh. Tapos ng nagsimula nang umandar ang tren, siyempre you were expecting that every station may bababa. Meron naman mga isa tapos ang dadagdag sa siksikan ay mga lima hanggang pito. Nagka-crack na nga ang mga natitirang buto ko sa katawan eh. But here’s the catch though, yes, naghihirap ang mga mamayang Pinoy sa pagsakay ng pambuplikong sasakyan katulad ng MRT pero hindi mo naman maaalis ang positive attitude parin ng mga Pinoy. Doon sa tren na nasakyan ko nagtulungan talaga ang lahat magsiksikan makapasok lang ang dalawang lolo sa tren. Plus, even though everyone was complaining itinatawa na lang ito at tiyak na magkakaroon ka pa ng bagong kakilala dahil nga sa napaguusapan ninyo ang masaklap na dinaranas ninyo sa loob ng tren. Pero kahit na tipong body-to-body na, sweat-to-sweat at nakakadiri mang isipin medyo okay lang naman ang biyahe lalo na kung ang pogi naman (o maganda, para sa mga barako diyan) ang kasiksikan mo. Ganun kasi ang eksena ko that time. May bago akong nakitang pogi at ‘yun mega sandal ako pag umuuga-uga na ang tren. Lakas maka-Rebisco, sarap ng feeling! BUT, of course, hindi naman laging pogi o maganda ang makakasiksikan mo madalas mga pawisang construction worker o mga babaeng may putok at nakalimutang mag-shampoo kaya ‘yun umaalingasaw ang pawisang long hair ni ateng. Kaya dapat at kailangan talaga natin ng pang-agarang soluyon galing sa gobyerno. It made me think yung mga naghahamon sa politicians to do the #MRTChallenge, well, yes, this would not solve the MRT dilemmas but at least they would be able to experience THE BEST accommodation inside the train. Para naman medyo fair that not just those on the lower class of the community or simply people who couldn’t afford cars or choppers ang mag-suffer. Try din ng mga politicians ang hirap natin sa biyahe everyday mataguyod lang ang pamilya. Kaya ako pro-MRT Challenge ako. Isabak diyan lahat ng nakaupong pulitiko at isunod na ang mga nagbabalak tumakbo sa 2016. Damay damay na ito.
I do not own the rights to this photo.

After the cuh-ray-zee train ride, need ko pang maglakad ng bongga from Farmer’s Mall to Gateway para naman sumakay ng LRT patungong Pureza. Eh, alam mo bang sobrang sakit na ng paa ko that time. Formal attire pa ako ha. Gusto ko ng isumpa ang mumurahing black shoes na binili sa Divisoria na suot ko ng mga panahong iyon. Sarap magmura! Grabeng sakripisyo talaga. Hindi lang ‘yon simpleng tiis-ganda eh. Tapos ‘yun pagsakay ko namang LRT, okay naman kasi maluwang at nakaupo pa ako. Pero nung sumunod na istasyon dahil may sumakay na lola at madaming bitbit pero wala ng maupuan, ayun sacrifice na naman, pinaupo ko si lola. Haay, respect for the elderly dapat pairalin. Mukhang deretso na’ko ng langit sa ginawa knog good deed. Ayun standing ovation ako the whole travel to Pureza umiiyak na ang mga paa ko. Pero naibsan din naman ito nung nakarating na ako sa pupuntahan ko at nakasakay ng jeep papuntang bahay. I thought everything was going well, but I was wrong again. Dahil nung nakarating pa-PUP ang jeep ko, kalokang traffic jam ang sumalubong sakin. Salamat sa proyekto ng DPWH na ayos DAW ng kalsada na hindi naman sira. Yung totoo masabi lang may project, aayusin pati hindi sira? Eh kung binigay niyo na lang yan sa mga batang nangangarap mag-kolehiyo o kaya nagpa-feeding program kayo every week sa mga depressed areas.

When I got home, I thought of what time ba ako bumiyahe noon, well, 5:20pm ‘yon. Lesson learned! Maliban sa: GISING GOBYERNO! TULUNGAN TAYO SA ASENSO! Eh, wag sasakay ng MRT ng 5:00pm onwards magpagabi na lang muna sa mall at try umuwi ng alas nuebe. EXCEPT, pag alam na may poging makakasabay sa tren pwede naring makipagsiksikan. Tiis-landi!


2 comments:

  1. thank you kay kuyang pogi, nakalimutan ang siksikan sa MRT:)

    ReplyDelete
  2. ganun na nga helen. thanks talaga kay kuyang pogi. sana nga lang laging ganun, eh pano pag hindi? :D

    ReplyDelete

SBD Challenge Day #2: Better Than Yesterday

Your first day on South Beach Diet is the hardest! Pero after 2-3 days you’ll feel better with the program. Like today, I feel better. Hind...