Noong makita namin sa Facebook ang isang
burger hub na nag-o-offer ng quarter pounder burgers sa murang halaga ay
napakanta ako ng “dan-dan-dan, dalandan!” Kasi napatanong ako if it’s real. Is
it real? Is it real? Well, my question was answered noong pumunta kami ng J.Co
Family ko sa G-Spot Burger Bar. Totoo ngang P50 lang ang burger nila at
napalaki ng serving. You may not believe me at first, okay lang ‘yan kasi pati
sarili ko hindi ko pinaniwalaan nung una eh but to see is to believe. At
talagang mamamangha kayo sa laki, mura at sarap ng burgers nila sa G-Spot
Burger Bar.
When we got there, naloka pa ako kasi
walking distance lang pala siya sa bahay namin tapos ngayon ko lang nalaman ang
burger paradise na ito. Haha! Kung galing ka sa bahay namin mga 100 steps lang
siya. Pero kung galing ka sa ibang lugar, mapa-south o north man, the easiest
way to get there is to take the LRT 2 train then hop off at Pureza station then
sa may gilid ng train station ay walking distance na lang siya, dadaan kayo ng
PUP Engineering, hindi pa do’n. Sa left side ng PUP Engineering ay lakad pa
kayo tapos unti pang kembot, tatlong tumbling at sampung split pa at makikita
niyo ang PUP MassComm sa tapat no’n ay isang bahay-bata este bahay na
sandamakmak ang taong nakapila, ‘yun na ‘yun! Pero para mas madali ay from
Pureza station ay sakay kayo ng pedicab at sabihin sa driver sa G-Spot kayo,
alam na nila ‘yun. O kaya gamit gamit din ng Waze, Google Map, Google Earth, o
GPS. C’mon, 21st century na! You know what to do. Haha! They are
open daily, 3PM-10PM only.
Choco Lava Burger (Top); Backroom Burger (Bottom) |
Just a tip, kung hindi ka patient na tao,
kung mabilis mag-init ang ulo mo sa mahabang pila sa MRT, o ayaw mo ng
siksikan, eh ‘wag na kayong pumunta sa G-Spot. Hindi puwede mga maarte do’n.
Bye, bitch! Haha! Pero kung sanay kang maghintay katulad ng paghihintay mo sa
first boyfriend mo na 23 years na single ka pa rin, ay puwede ka dito. Basta
naniniwala ka that true love waits, welcome ka sa G-Spot. Haha! Kasi to be
honest, sobrang daming tao! As in, super duper mega ever! Tinalo ang pila namin
ng customers sa J.Co Donuts & Coffee. Tapos hindi kayo agad makakaupo kasi
maliit lang ang dining area nila, ‘yung garahe nila, ‘yun na mismo ‘yung dining
area, kitchen, at counter nila kung saan ka mag-o-order. We waited in line for
an hour and another hour to get our orders. BUT! It’s worth the wait! Kasi
kapag nakain mo na ang burger nila ay talbog ang Crabby Patty ni Spongebob.
Haha! Para siyang Zark’s burger sa murang halaga. Kaya nga sana ang tagline
nila ay, “G-Spot Burger: Mapapamura Ka Sa Sarap!” Haha! Kasi on a financial
view, mura talaga, imagine for P50 meron ka ng quarter pounder na burger. At
mapapamura ka rin sa sarap nito. Talo ang langhap-sarap na eksena ng Jollibee.
Haha! Totoong 100% pure beef ang burgers ng G-Spot! Hindi rin false
advertisement kasi kung ano ang nasa picture ay ‘yun din mismo ang ise-serve sa
‘yo. Promise, no joke!
Nag-try kami ng iba’t ibang burgers na
naglalaro sa mga presyong P50, P65 at P75
katulad ng Johnny Be Good na may
quarter pounder patty, sausages at special sauce. ‘Yan ang order ko! Ang meaty,
ang linamnam, at nakakabusog! Grabe, isang serving lang nabusog na ako. Meron
din sa aming nag-order ng Choco Lava Burger, na ang sarap ng combination ng
tsokolate sa burger. Mixture of sweet and savory! Yum! At kung mahilig ka naman
sa cheese ay order ka ng Backroom Burger na punong puno ng cheese pati
mushroom! Ang Carbo Stacker na talaga nga namang STACKER sa taas. May beef patties, hash brown at Clover bits. Sarap!
Johnny Be Good (Top); Carbo Stacker (Bottom) |
Napakasaya ng first trip ko sa G-Spot at
talagang babalik ako dito, kung puwedeng araw-araw, why not! Buti na lang
walking distance lang sa ‘min ‘to. I am Jahric Lago and I recommend this burger
hub! G na kayo! Mag-e-enjoy ang buong barkada pati na pamilya niyo sa G-Spot
Burger Bar. Three words: mura, malaki, masarap!